(3) CH 2: Senterem

136 13 0
                                    

Part III.

The image above is Rena Vinialir.

Kiethlyne's Pov.

Psst... Author, Dayana na ang pangalan ko.

Dayana's Pov.

Yan, good.

Ilang oras na kaming naglalakad papuntang pamilihan. Kahit isa man sa aming dinadaanan ay wala kang makikita ni isang bahay.

Sobrang layo ba talaga ng pamilihan sa bundok na tinitirhan namin? At bakit nag-iisa lang si Master sa lugar nayun?

Madilim palang noong kami ay umalis ngunit nasa una na ng ikaapat ang araw. Ang bigat-bigat pa nitong dala ko. Sa akin ba naman ipahila lahat ang apat na baboy ramo na ito at mga gulay at prutas na pagkakabigat-bigat. Halos dalawang daang kilo ata ang bawat isa ng baboy ramu. Tapos ang bag ko pang pagkakabigat-bigat na halos isang libo ang kilo. Buti nalang at kinakaya ng bag na ito.

Narating din namin ang bayan at bigla akong nasiglahan. Sa loob ng ilang buwan sa bundok na yun ay ngayon nalang uli ako nakakita ng ganito kadaming tao. Tila ba bigla akong namangyan at namangha dito.

Napakaganda ng lugar, parang sinaunang pamilihan. Maraming tindera at tinderong sumisigaw at nag-aalok ng kanilang mga paninda. Maraming nakasampay na tela at iba't ibang palamuti na tiyak na binebenta.

Napansin ko din ang kulay ng kanilang mga mata. Kalimitan ay kulay brown at meron din namang mga taong may dilaw na mga mata. Buti nalang at dilaw ang napili kong kulay para sa mga mata ko. Mas mukang ordinaryo ito kaysa sa iba pang kulay.

Pero ang mga tingin nila sa Ginang na kasama ko. Parang takot na takot sila at lalapain nito. Sino kaba Master?

Tumigil kami sa isang tindahan ng mga karne at inalok ito ni Master na bilhin na ang apat na dala naming babuy ramo. Binigyan nito si Master ng tatlongpung kulay brown na salapi ngunit tila ba nagalit si Master sa ibinigay nya.

" Wala na akong tutubuin nito kung bibigyan pa kita ng higit pa sa tatlongpung treya," tugon naman ng tindero ngunit hindi parin nawala sa muka ni Master ang pagkagalit.

(Treya : Currency in Donu World : 1 Treya = 1,000 Pesos)

" Eto na, eto na, karagdagang limang treya." At duon ngumiti si Master at umalis na sa harap ng tindero.

Lumapit naman kami sa pwesto ng maggugulay na tila ba natatakot kay Master. Binili nito ang dala naming gulay at prutas sa halagang dalawampung salapi at di naman nagalit si Master.

Ibinalot nya ang limangpung salapi sa isang brown na tela at ibinigay sa akin.

" Iyan lang ang maipapabaon ko sa iyong pag-alis. Gastusin mo 'yan ng ayos. Sa isang piraso nan ay makakabili kana ng sampong kasuotan. At ang limapong treya nayan ay gastusin na ng isang pamilya sa isang buwan." Ganoon ba talaga kalaki ang pera na ito?

Inilagay ko sa bag ang pera at nagpaalam na ako sa kanya. Kakaiba talaga sya, mas pinili pa niyang manirahan sa bundok na iyon kaysa dito na mas sagana at marami pang tao. Nakakapagtaka lang din dahil ang tatalim ng mga tingin sa kanya ng mga tao dito.

Sumakay na ako sa isang bangka, sa di kalayuan ay nakita ko syang kumakaway sa akin kaya kumaway din ako. Babalik ako pag natupad ko na lahat ng Misyon ko. Salamat sa pagkukup sa akin at pagpapalakas ng katawan ko. Kungdi dahil sa mabibigat mong mga utos ay hindi lalakas ng ganito ang mga kalamnan ko.

Paalam Master Morie. Good bye Isla ng Hedo at ngayon, hintayin mo ako 'Mahiya' Academy at paparating na si Dayana.

***

THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon