Part VII.
Dayana's Pov.:
Lakad takbo, lakad takbo. Ayaw ko namang gamitin ang kabilisan ko sa Academy na ito at nakakaagaw pansin ang gan'on. Malelate na ako nito sa klase paghindi ko pa binilisan. Napakalayo pa naman ng Dining Hall sa room namin.
Hindi naman ako inuutusan ni Aqui hanggat hindi pa natatapos ang klase sa umaga, bakit nya naiisipang papuntahin ako sa Dining Hall para lamang kumuha ng isang cup nantubig. Nakakasura talaga.
Narating ko rin ang room namin at duon ay nakitang nagtuturo si Propesor Gimer.
" Magandang umaga po," bati ko dito at nagbow.
" Bakit ngayon kalang Miss? Hindi mo ba alam na may klase tayo?" tanong nya na ikinatawa ng mga kaklase ko at nakitang nakangisi rin ito si Aqui sa dulo.
" Pasensya na po, hindi na mauulit," saad ko at nagbow muli.
" Umupo kana sa iyong upuan at makinig," ani nya at sinunod ko naman.
" Wala na ngang treya, pahuli-huli pa sa klase. Kakaiba talaga."
" Dapat hindi nalang sya ang naging kaklase ko, nakakaistorbo sa pag-aaral."
" Papansin lagi."
Napakapulaera naman ng mga ito. Kung ayaw nyo sa akin, kayo ang umalis. Lumapit na ako sa tayo ni Aqui at inilagay sa table nya ang isang cup ng tubig sabay upo. Ang aga ko kayang dumating dito, kung hindi lang dahil sa utos mong bw€s!t ka hindi naman ako malelate.
Hindi ko na pinansin ang katabi kong tagong tumatawa at kinuha nalang ang mga papel ko upang magnotes ng itinuturo ni Propesor.
" Ngayon, ating susuriin ang mga kakaibang librong inyong dinala," saad ni Propesor Gimer at kinuha ko ang libro ng dyosa sa bag ko. Dyosa nalang ang itinawag ko dito dahil wala naman syang title at kamuka ng dyosa ang pabalat nito.
Iprinisinta nilang lahat ang mga libro na dala nila. Ang ilan ay naglalaman ng Myth about sa mundong ito. Ang iba naman about history at kung ano-ano pa hanggang sa dumating sa akin.
Tumayo ako at dinala ang libro.
" Ito ang libro na walang titulo. Tanging larawan lang ng dyosa ang nakaimprinta dito. Isang luma at makasaysayang libro," pauna kong sabi at binuksan ang libro.
" Kung makikita nyo, hindi ito kakikitaan ng kahit na anumang sulat. Ayon sa mga nakakatanda na nagbigay sa akin ng librong ito. Ang sinumang pinahintulutan na magbasa ay sya lamang ang may kakayahang makakita ng mga salitang nilalaman nito. Kaya naman napaka misteryoso ng librong ito. Iyon lamang at maraming salamat," ani ko at uupo na ng tawagin ako ni Propesor Gimer.
" Saglit, maaari ko bang tingnan ang librong dala mo?" Ibinigay ko sa kanya ang libro at itoy kanyang siniyasat.
" Maari bang sa akin muna ito ng ilang linggo?" saad nya, nakalimutan kong mahilig nga pala ito sa literatura at may kakayahan syang i-decipher ang mga makalumang libro.
" Maaari naman po ngunit inyo ring ibabalik sa akin ang libro sapagkat iyan ay napaka importante sa akin."
" Oo binibini, maaari kanang maupo," saad nya. Ibinigay ko ang libro dahil alam kong magagawan ng paraan ni Propesor Gimer na malaman kung paano nga ba makita ang mga salita nito. At sana nga malaman nya kasi nasasabik narin akong malaman ang nilalaman nito.
Sunod na itong katabi ko na mukang walang pakealam.
" Ikaw Ginoong Fonston. Ano ang dala mong libro. Nais mo bang ibahagi sa amin ang kaalaman mo patungkol sa dala mo?" tanong ng aming propesor.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasiSi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...