Part XVI.
Dayana's Pov.
Natapos na ang pagpapakilala sa Prinsesa at buong araw na kinansel ang klase. Ngayon naman ay itinutour sya nila Sophia at bakit kasama ako? Ni ayaw ko ngang mapalapit sa kanila ni isang daang metro ang layo. Tapos ngayon ay isinama nila ako.
English din sila ng english, akala ba nila ay hindi ko sila naiintindihan. Pwes wag ako.
" Aqui, you know I lost my memory right? And sophia said that we are childhood friends. Can you tell me a story when we were kids?" saad nya kay Aqui habang nakapuluput ang kamay niya sa mga braso nito at nakasandal pa ang ulo sa balikat habang naglalakad. Napakalandi, ang dami kayang nakakakita. Hindi naman ako ganan kaclose kay Aqui noh! Kahit nung nasa earth pa kami. Pati, childhood friend. Si Aqui? Ha, no way.
" Later," maikling sagot ni Aqui. Mamaya talaga ay mapapanisan na ito ng laway. Ang tipid magsalita.
" Arghhh, bakit may ganito sa daan?" saad ni blonde ng makaapak ng tae. Nasa garden kami ngayon ng mga gulay at tiyak na maring dumi ng hayop dito na nagsisilbing pataba. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko dahil sa kaartehan nya.
" Dayana, pwede bang punasan mo ito para sa akin. Ewwww." A-ako, napaka-arte nya naman at ako pa talaga ang napili nya.
Pumunta ako sa harap nya at uupo na sana para maabot ko ang mga paa nya ng biglang, " Stop!" saad ni Aqui. "Dayana, ako na." Hiningi nya sa akin ang panyo at sya ang nagpunas ng sapatos nito. Pagkatapos ay tumayo sya at tinupi ang panyo.
" Itatapon ko lang ito, and by the way, she's not your slave. Learn how to wipe your own feet. Don't order someone to do things for you," saad ni Aqui na ikinatulala ni blonde. Mukang hindi ito makapaniwala dahil sa mga sinabi ni Aqui na tila ba ay kapantay lang rin sya at hindi sya Prinsesa.
" Tayo na Dayana," saad nya kaya sumunod ako. Tumungo lang ako kay blonde bilang paggalang at nagpaalam sa aking pag-alis ngunit di parin sya nakakibo at tila iniisip ang nangyari.
" Wait Aqui," saad ni Sophia at tatakbong nagtungo sa amin.
" How dare you say that in front of the princess?" mahina nitong bulong.
" That's how close we are before. We can say each others feelings. Mauna na ako, marami pa akong aasikasuhin," tugon nito.
" What?" takang napatanong nalang si Sophia sa kanyang sarili at umalis na kami sa lugar.
Nakaalis na kami sa garden ng bigla syang tumigil at humarap sa akin. " Maari kanang umuwi o pumunta kung saan mo gusto."
Natahimik lang ako at di makapaniwala sa sinabi nya. Umalis nalang sya at di na muling nagsalita.
Ok, mukang hindi mo ako kailangan ngayong araw na ito. Yipee! Makakapag-enjoy din sa wakas. Patalon-talong naglakad ako papunta sa mga booth na meron ngayon ang school. Ang daming pagkain. Lahat ng makita ko ay tinitikman ko. Sapat naman ang perang dala ko ngayon. Pero bakit ganon, nalulungkot ako. Ang pangit talaga pag wala kang kaibigan. Nasaan na ba si Nicka.
Dahil kasi sa kumag na Aqui na iyon hindi ko na nagawang makipagkaibigan sa mga estudyante dito.
Nakita ko ang isang photo booth at napagpasyahang pumila dito. Ito ang kauna-unahang magkakaroon ako ng litrato maliban sa ID ko.
Pumasok na ang nasa unahan ko sa loob at ako na ang susunod. Nakakaexcite!
" Tabi, tabi, tabi!" sabi ng isang babaeng taas noo kung magpaalis sa mga dunong nakapila.
" Tabi!" saad naman nito sa akin ng makapunta sa pwesto ko. Tiningnan ko ito at biglang nagbago ang emosyon ng dalawa nyang kasama na animo'y takot na takot. Ang dalawang babaeng napaghampas ko sa may basurahan noon.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasiaSi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...