Part XII.
Dayana's Pov.
Nakayakap parin sa akin si Aqui. Ano bang gagawin ko dito? Bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko? Tila ba ako ay naging yelo at di na makagalaw sa pagkakayakap nya.
" A-aqui..." madahan kong saad at hinaplos ang likod nya. Baka dala lang ito ng kanyang sakit, imposible namang makilala nya ako.
Tumagal pa ng ilang sigundo at kumawala din ito. Tiningnan ko sya sa mata at sinabing, " Aquiron, ako ito si Dayana. Hindi mo ba ako naalala?" tanong ko dito. Pasensya na Aqui, hindi pa ngayon ang panahon para ako ay magpakilala sa iyo.
" Sorry..." tumungo sya at itinuro ang daan papalabas. " Pakiusap, umalis ka muna," saad pa niya.
" Pakiusap, umalis kana!" at tinaasan nya ako ng boses. Hindi ko na sya pinansin at umalis na. Inisip ko nalang na dala ito ng kanyang sakit kaya nagkakaganyan sya.
Tanghali narin naman mas maganda siguro na kumain muna ako. Hindi parin ako nag-uumagahan.
Naglalakad ako sa pasilyo ng pagamutan nang makita ang tatlong pamilyar na muka. Ngunit may kakaiba, ang kulay ng kanilang mga mata. Tila hindi na sila ang taong nakillaa ko sa mundo ng mga tao.
Sophia with a yellow eyes like me, Barbie with blue eyes at si Head Master Ferei na pula ang mga mata. Bakit sila nandito? Pati na ang bully na si Sophia'ng ito.
" Kahit kailan talaga hindi nag-iingat iyang si Aquiron,tsk,tsk,tsk." saad ni Sophia at tumingin sa gawi ko, kaya naman napatalikod ako. Kailan pa naging magkaibigan si Sophia at Barbie?
" Itanong muna natin kung anong nangyari at wag tayong gumawa agad ng konklusyon," saad naman ni Head Master Ferei. Bakit ba headmaster parin ang tawag ko sa kanya, wala na naman ako sa Earth?
Hinayaan ko na lang sila at tinangkang maglakad palayo ng biglang may humawak sa balikat ko. " Ohh, Dayana... Bakit nandito ka labas?" Hindi ko napansin na paparating narin pala si Alexander. Ayan tuloy, papalapit narin ang tatlo na sobrang ikinagabog ng dibdib ko.
" You know her?" saad ni Barbie kay Alexander.
" Yes, sya ang inusap ko para bantayan si Pal... So, let's go inside. Dayana, pumasok ka narin, bakit kaba nandito?" Nabawasan ang kaba ng aking dibdib ng hindi ako nakilala ni Barbie.
Pumasok na kami sa loob at nakatingin lang sa akin si Sophia. Inayos ko ang aking salamin at nginitian sya.
" Pal, you're awake! God, I'm really glad!" saad ni Alexander nang nakita si Aqui.
Agad namang pumunta si Sophia sa tabi ni Aqui at piningot ito sa tenga na ikunangiwi ni Aqui.
" Ikaw talaga, tatlong buwan palang kaming wala ang dami mo na agad ginawang kalokohan!" saad nito na animo'y nanay na pinapagalitan ang kanyang anak. Habang si Barbie ay inilalagay ang mga prutas na dala sa isang estante.
" No Sophia, that is not the case," saad naman ni Alexander at napahawak nalang si Aqui sa kanyang tenga.
" Then what?" tanong nito.
" That night, nawala ang liwanag ng buwan, nabalot ng kadiliman ang paligid, nag-iba ang ihip ng hangin," panimula ni Alexander.
" I feel and saw it too, and what is the connection of that?" tanong naman ni Barbie.
" After that, agad din naman bumalik ang palagid sa dati and that is the time na nawalan ng malay si Aqui," paliwanag nito.
" Don't talk about that anymore," sabi ni Aqui na masamang nakatingin kay Alexander.
" Ohhh, by the way, this is Dayana, Pal's friend," saad ni Alexander habang nakatutok sa akin ang kanyang kamay.
" Woahh, it's a miracle na nagkaroon ka ng bagong kaibigan," saad naman ni Sophia habang si Head Master, arghhhh, Ferei nga pala ay tahimik na nagmamasid lang sa paligid.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasíaSi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...