Part V.
The image above is Alexander Rasmold
Dayana's Pov.
Time has come at nandito na kami sa harap ng naglalakihang gate. Sa wakas, makakapag-aral narin ako sa paaralang ito.
" Diba yan yung kaisa-isang kumuha ng pagsusulit na walang Kartel."
" Bakit nya suot ang uniporme natin? Nakapasa ba ang isang katulad nya?"
Kung ganon, tanda pa pala nila ako kahit isang linggo na ang nakalipas.
" Baka naman inakit nya ang prinsipal. Hmpp!"
" Sa pangit nang yan, at mukang babad sa libro dahil sa malalaki nyang salamin." Muka ba akong nerd? Buti naman, heheheh, hindi na nila ako makikilala. Pero never kong inakit ang prinsipal.
" Don't mind them," sabi nitong kasama ko.
" Okay lang yun, wala rin naman akong pakialam sa kanila," at nginitian ko alang sya.
Pumasok kami sa Main Hall ng Academy at talagang napakalawak nito. Napakalaki ng mga chandelier sa gitna ng ceiling at napakalinis at kintab ng simentadong sahig. Napakadaming naglalakihang bintana sa gilid, mga statwa na gawa sa bato at ang nagtataasang haligi ng Akademya.
" Ganda noh,"
" Oumm, ngayon lang ako nakapasok sa katulad nito." Naglakad na kami at umakyat sa hagdang gawa sa kahoy, napakalumang tingnan pero napakaganda at tibay nito.
Naglalakad kami sa hallway para pumunta sa una naming subject ng biglang nakita ko ang isang familiar na muka. Blue eyes, messy stylish brown hair, at ang katangkaran nito. Napatalikod nalang ako at gustong umalis sa hallway na ito ng makita ang galit na pagmumukha ni Aqui na kasalubong namin.
" Saan ka pupunta Yana?" tanong sa akin ni Rena ng tumalikod ako at itinakip ang kamay ko sa aking muka.
" Bababa lang muna ako," sabi ko habang nakatalikod ng biglang may bumangga sa aking likuran at ito ang nagmamadaling si Aqui. Muntikan pa akong ma-out of balance pero naayos korin naman ang tayo ko.
" Paharang harang sa daan," tanging sambit nya at nagmadali na uling umalis.
" Hoy, magsorry ka naman sa kaibigan ko!!" sigaw ni Rena kay Aqui na pagkakabilis-bilis maglakad at hindi manlang ito pinansin.
" Rena, bayaan mo na sya," pabulong kong sabi dito.
" Pasensya na binibini, hindi sinasadya ng kaibigan ko ang nangyari," sabi ng isang lalaking itim na itim ang buhok. Buti pa ang lalaking ito, kahit malahalimaw ang mapupula nyang mga mata ay ginagamit ang kagwapuhan nya sa napakabuting bagay.
" Hey, Aquiron!! Wait for me," sigaw nya at hibabol ang mukang galit na galit na si Aqui.
Napatingin naman ako dito sa kaibigan kong namumula.
" What?" tanong nya sa akin at inalis ang muka nya sa harap ko.
" Ba't namumula ang muka mo?"
" Wag kang magulo," tugon nya sa akin. Kinikilig ba sya? Kanino, dun sa lalaking itim na itim ang buhok?
" Kilala mo ba ang lalaking yun? Yung itim ang buhok?"
" Oo naman, sino bang di nakakilala sa kanya dito, sya lang naman ang kaisa-isang anak na lalaki ni Duke Ladomir Rasmold, the ruler of Merab City. Isa sya sa candidates na mapapangasawa ng Prinsesa ng ating kaharian," mahaba nyang paliwanag na tila gumagawa ng rainbow sa harapan habang nageelosyon.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasySi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...