Part XV.
Dayana's Pov.
Bukas, unang araw na naman ng linggo, ayaw ko pang pumasok.
Kahapon, sinupplayan ko uli ng limangpong guryo ang Mistress kaya naman may apat na libo at limang daang treya na ako. Gusto ko nang bilhin yung kristal kaya mas inagahan ko pa ang gising ngayon. Alas onse palang ng gabi at pinagpasyahan kong magtungo sa Mávris Agorá.
Madali akong nakapasok at tuwing naalala ko ang ginawa ko nung una kong punta dito ay talaga namang nangingilabot ako. The seduction thing. Urghh.
Nandito na ako sa loob ng pamilihan at kahit na ganitong oras ay marami na ang duno dito.
Naglalakad ako ng bigla may pasempleng maliit na babae ang humaklit ng belt pocket ko. Agad ko itong hinarap at nakitang nagtatatakbo sya.
"Hoy! Sandali! Ibalik mo yan," sigaw ko dito habang hinahabol sya. Maliit sya pero napakabilis nyang tumakbo. "Hoy!" patuloy ko padin syang hinahabol, ang galing nyang umakyat sa mga pader at umukyabit sa anumang madadaanan namin. Ang galing nyang umiwas sa mga dunong nakaharang sa daan.
Tumigil sya sa walang mataong lugar at duon nakita ko ang kanyang muka. Napakaamo nya kung titingnan. At ang kanyang tenga. Ba-bakit? Anong klaseng duno sya? Ang mga tenga nya ay katulad ng isang tigre at meron din syang buntot. Magulo ang buhok nya na kulay kahel, madumi at madungis ang katawan. Pati na ang kanyang leeg na may nakapalibot na bakal, kamay at paa na may posas at maliit na kadena. Sino ka bang bata ka?
" Akin na iyan," madahan kong sambit dito at dahan dahan syang nilapitan. Kailangan kong makuha ang side pocket na ito dahil nandito ang libo-libo kong treya.
May dumating na isang malaking lalaki at iniabot nya dito ang pocket ko. What the, kalaki nya at nakakatakot. Meron syang malaking peklat sa muka at nanlilisik na mga mata.
May ilang lalaki pang dumating at halos lahat sila ay may mga dalang armas na nagsingisi ang mga mukha. Lalabanan ko ba sila? Aba syempre oo, hawak kaya nila ang pera ko.
Pinalagutok ko ang aking leeg at mga braso. Inalis ang emosyon sa aking muka at tiningnan sila isa isa.
Umalis na ang batang babae pero hinayaan ko na sya dahil nandito pa naman ang lalaking may hawak ng treya ko. Sumugod ang ilan sa kanila pero hindi nila matatalo ang agility at reflex ko. Lahat ng atake nila ay iniilagan ko hanggang sa makakuha ako ng tyempo at binalian ng kamay ang isa sa kanila.
" Alam mo bang masama ang nagnanakaw?!" Inatake nila ako gamit ang mga armas nila habang ang lalaking may hawak ng pocket ko ay umupo nalang sa isang tabi na tila ay kampante na matatalo ako.
Sa sobrang dami nila ay nasugatan ako at hindi na alam kung sino ang unang aatakihin. Tumalon ako ng mataas at tumuntong sa bubong ng establishmentong nasa tabi namin. Hindi nila namalayang wala na ako sa lugar na inaatake nila pero patuloy parin ang pagkuyog nila sa pwesto ko kanina.
" Pst! Nandito ako sa taas!" saad ko at tumalon, niready ang aking kamao at sinuntok ang simentong kalsada na ikinatumba nilang lahat. Nabitak ang kalsadang sa hindi nila inaasahang mangyayari. Nagsitayo sila at umataking muli ngunit agad ko silang binatukan na naging sanhi ng pagkawala ng kanilang malay at ngayon ay kaharap ko na ang may hawak ng pocket ko.
" Akin na!" utos ko dito.
" Malakas ka binibini, ngunit sa palagay mo ay matatalo mo ako?" saad nya at tumayo. Napakalaki nya talaga. May hawak sya na isang club weapon na napakalaki din at ang daming tusok-tusok. Tiyak na pag natamaan ako nito ay magkakandabutas ang aking katawan at pwede nang gripuhan.
Akma nyang hahampasin ang aking tiyan kaya napatalon ako at sumampa sa balikat nya. Dahil sa lakas ng impact ng pagkakasampa ko ay lumubog ang mga paa nya sa lupa pero nanatili parin syang nakatayo.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasiSi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...