WARNING: Read the prologue first!!! Prologue is very important part of the story.
The picture above is Semeste Morie.
Part II.
Kiethlyne's Pov.
Mga ilang minuto pa bago ako nakaalis sa lugar nayun. Sana lang talaga buo pa ang katawan ko paggising ko.
Nagising ako at nadama ang matigas na higaan. Naramdaman ko ang magagaspang nitong hibla. Hindi naman ito damuhan dahil sa kagaspangan, at lalong hindi lupa.
Napabangon ako at tiningnan kung saan ako naroroon. It's a tiny old room na gawa sa mga kawayan at kahoy. Kubo, yes, it is like a kubo.
Tiningnan ko ang sarili ko at nakitang iyon parin ang suot ko. Ang blazer ni Aquiron na pinahiram nya sa akin. Hindi ko parin makakalimutan na tinawag nya akong Prinsesa ng kaharian nila.
Nakita kong wala na ang mga dugong nasa katawan ko at napaharap ako sa lumang salamin dito sa bahay.
Iba na nga ang itsura ko. Itim na ang aking buhok at dilaw na ang aking mga mata. Buti nalang at nabago ko ito, dahil isa ang mata ko sa palatandaan nila para masabing isa akong Prinsesa.
Narinig ko ang isang yapak na naggagaling sa labas ng silid at nagbukas ang pinto nito.
"Gising ka na pala binibini," sabi ng isang di katandaan na babae. Siguro nasa 40's na ito, pero bakas parin ang kagandahan sa muka nya. Napakaganda ng mga asul nyang mata at nakasuot ito ng pangsinaunang damit. O talagang mahirap lang sya? Isang kulay puting blusa at pulang saya na abot hanggang sa bukong bukong ng kanyang mga paa. At yung tono ng pananalita nya ay napaka sinauna din. Tawagin ba naman akong binibini, pwede namang Miss.
May dala syang isang baso ng tubig na nasa kahoy na lalagyan.
" Nasaan po ba ako?"
" Narito ka sa aking tirahan, nakita kita sa kakahuyan na duguan at tatlong araw kanang walang malay." Ibinitang nya ang hawak na tubig sa isang maliit na lamesa na gawa rin sa kahoy.
Buti naman at may nakakita sa akin sa gubat na yun. Kung hindi, tiyak na wala na ako sa mundong ito.
Pero nakakatakot itong kasama ko, seryoso lang sya at mukang matapang.
" Ano ba ang ginagawa mo sa kakahuyang iyon binibini?"
Anong isasagot ko? Nakapagdesisyon na ako na babaguhin ang sarili ko.
" Wala po akong maalala sa mga nangyari, hindi ko rin po alam kung bakit ako napunta dito." Yan nalang ang naisip kong palusot.
" Maari po ba akong manatili dito hanggang sa bumalik ang ala-ala ko?" tanong ko sa kanya kahit medyo nakakatakot sya. Wala na kasi akong mapupuntahan, kailangan ko ng bahay na matutuluyan hanggang sa makaaddapt ako sa lugar na ito.
" Hindi, maari ka naring umalis bukas pag maganda na ang pakiramdam mo," sabi nya sa akin ng hindi manlang ako tiningnan at umalis na sa kwarto. What? Ayaw nya na magstay ako dito? Well, pipilitin ko sya. Hindi ako ang taong basta basta nalang susuko lalo na sa ganito kasimpleng sitwasyon.
Tumayo na ako sa aking higaan. Iwinaglit lahat ng isipin. Kailangan ko ng matinong pag-iisip kaa isinantabi ko muna lahat ng kalungkutang aking nararamdaman. Sumilip ako sa may bintana at nakitang nag-aayos ng halaman ang ginang.
Nababahuan na ako sa damit ko, natuyuan na kasi ito ng dugo. Lumabas ako ng bahay at lumapit sa ginang. Nag-iisa lang ang bahay sa kagubatan. Walang kahit na sinuman ang makikita dito.
" Ummm," paunang sabi ko at patuloy parin ito sa ginagawa nya.
" Maari po ba akong manghiram ng kasuutan?" sabi ko dito. Ang hirap mag-adjust. Bakit ba kasi ganito siya manalita dito? Kawawa naman ako na walang kaalam alam sa mga malalalim na salita.
BINABASA MO ANG
THE ROYAL EYE : MAIDEN'S IDENTITY
FantasíaSi Kiethlyne aynapunta sa kakaibang mundo, mundong punong-puno ng iba't ibang nilalang. Sya ang bababeng itinakda upang iligtas ang mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit pinili nyang mabuhay ng normal at ikinubli ang tunay na katauhan. Mapapanati...