Ang bilis ng panahon, December na naman at buwan na naman ng pasko, malapit na ang Christmas party namin at namomroblema pa ako sa susuotin ko.
Umorder ako ng plain polo na di-ribbon pa sa harap pero hindi ko type dahil sobrang nipis nito kaya umorder ako ng isa pang damit, isang inner top at may kasamang blazer.
Iyan ang napagdesisyunan kong suotin dahil wala naman na akong ibang damit.
Chinat ko si Primo at sinabi kong gumala kami after Christmas party, gayunpaman kahit ayos na ang lahat ay kinakabahan ako, ito ang magiging first gala naming dalawa.
December 15, 2022 araw ng Christmas party namin.
Masaya naman ang naging takbo nito, maraming pagkain, palaro at mga papremyo ang hinanda naming mga officers.
Pero hindi ako nakaramdam ng saya dahil kinakabahan ako, naalala ko na pagkatapos ng event na ito ay gagala kaming dalawa, iniisip ko pa lang ay pinagpapawisan na ako sa kaba, nakakaloka!
Ilang oras din umabot ang event namin sa room at bandang lunch ay natapos na ito.
Nagliligpit na kami ng bigla kong makita ang isa sa mga sticky note na nakadikit sa pader ng room namin at may nakasulat na "Hi Geneva, crush kita pero nahihiya akong mag confess sayo kaya dito na lang"
agad itong pinakita sa akin ng mga kamag aral ko at sinabi nilang "Naku, si Jack yan eh, may gusto sa'yo yon!"
H-ha? eh sigurado ba kayo? palibhasa alam niyong assuming ako kaya ginaganyan n'yo ako, malay n'yo naman may nangtitrip lang, Jack kayo kaagad saad ko naman.
Sus, binibigyan ka nga ng mga chocolates nun eh, di pa ba halata HAHAHAHAHA sabay tawanan ng mga kaklase ko.
Ewan ko sa inyo, may lakad pa ako bilisan niyo na nga, nagmamadali kong utos sa kanila.
Maya maya pa ay nakita ko na siyang nasa labas ng room namin, sa may corridor at naka tanaw sa baba.
Muli na naman akong kinabahan dahil na rin sa nakitang nag iisa lang siya sa labas.
"Dalawa lang ba kami? Hindi ko ata kaya, ayoko na" yaan lamang ang naiisip ko nung mga oras na 'yon at nung natapos na nga kami sa pagliligpit ay nagpaalam na kami kay ma'am Lany na aalis na kami, pero hindi ako makalabas ng pinto, kinakabahan ako.
Pinipilit naman ako ni Nicki na lumabas ng pinto dahil naghihintay na raw sa akin ang asawa ko.
Anong asawa? bakit mo alam? pabirong sabi ko. Nag ayieee naman silang lahat na lalong ikinakaba ko.
Halika na kasi naghihintay na siya oh, pagpupumilit sa akin ni Nicki.
Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako ng room, at nakita ko siya kasama ang mga tropa niya kaya dali dali akong bumaba ng hagdan dahil kinakabahan ako, nasa likod ko lang siya.
Sa sobrang awkward, nagkunwari akong may kausap sa cellphone ko. "Hello ate, nasaan ka na?" kahit wala naman talaga akong kausap at nagmumukha na akong tanga.
Yaan lang ang naisip kong paraan para hindi ako kabahan pero mas lalo lang akong kinabahan sa ginawa ko.
Pagkatapos non ay naglakad kami papunta sa sakayan at umuwi muna ako sa amin upang ibaba ang mga gamit na hindi ko na masyadong kailangan upang iwas hussle na rin.
Paglabas ko ay hindi ko agad nakita sila Nicki. "Nasaan na sila, iniwan na ba nila ako?" padabog na saad ko.
Mangiyak ngiyak na ako dahil hindi ko talaga sila makita kaya nag muni muni muna ako.
"Ano ba naman 'yan, akala ko kaming dalawa lang ang magkasamang gagala, kasama ko nga pala ang mga kaibigan ko at kasama rin niya ang kanya, akala ko pa naman masusulit ko na yung araw na kasama ko siya, hindi pala.

YOU ARE READING
Love Together, Be With You Never
Lãng mạnIt is about a teenage boy and girl who fell in love with each other, they were classmates when they were in the 7th grade in high school, but after admitting their feelings for each other, they quit talking for at least 1 month. When the guy's birth...