His Birthday

11 2 0
                                    

September 15, 2023 ito na ang araw ng birthday ko.

Pagkatapos ng uwian namin ay pumunta na ako agad sa kanto upang doon siya hintayin.

Matagal pa ako maghihintay dahil mag aayos pa siya. Naupo muna ako dahil mainit din sa pwestong napili ko.

Ilang minuto na rin siguro ang lumipas at maya maya lamang ay nakita ko na siya.

Sobrang ganda talaga ng babaeng mahal ko. Hindi ko alam pero parang galit siya sa akin, may nagawa ba ako? tanong ko sa sarili ko.

Kinausap niya ako at sinabing "tara na, sakay na tayo" kaya naman sumunod na ako.

Hindi ko alam kung saan yung pupuntahan namin dahil hindi naman ako gala.

First time ko makakapunta rito at siya ang kasama ko.

Masaya ako sa araw na ito dahil kasama ko siyang mag celebrate ng birthday ko.

Medyo matagal din ang naging biyahe namin dahil malayo ito.

Nagtatalo pa nga kami tungkol sa pagbabayad ng pamasahe dahil nagpupumilit siya na siya na ang magbabayad pero hindi ako pumayag. Nung nakita ko na parang galit siya ay natakot ako kaya pumayag ako pero ang sabi ko sa kaniya ngayon lang siya magbabayad kaya naman pumayag siya.

Ewan ko ba sa babaeng 'to palagi na lang galit sa akin, dahil ba sobrang mahal niya ako kaya ganon? tanong ko sa sarili ko.

Pagdating namin sa Brewsko ay pumasok na agad kami sa loob, pinaakyat niya ako sa taas at humanap daw ako ng upuan naming dalawa habang siya naman ay umoorder sa baba.

Nakapili na ako ng upuan namin at malapit sa bintana ang napili ko. Hinihintay ko siya mula sa baba dahil umoorder pa siya ng kakainin naming dalawa.

Maya maya ay nakita ko na siyang paakyat, galit talaga ang awra niya sa akin, ano ba talagang nagawa ko? kinakabahan ako.

Naupo siya sa tabi ko at tumingin sa akin, normal ang tingin niya pero para siyang galit kaya tinanong ko siya, sumagot naman siya at sinabing "may kasalanan ka sakin" sa tono pa lang ng boses niya ay kinakabahan na ako, ano yung kasalanan ko? tinanong ko siya pero ang sabi niya ay "ewan ko sa'yo" hayss may kasalanan na naman akong hindi ko alam saad ko sa sarili.

Mga babae talaga oh, nang aaway para magpalambing.

Maya maya pa ay tumunog na ang hawak niya hudyat na ready na ang order namin sa baba kaya naman dali dali siyang umalis.

Pag akyat niya ay dala na niya ang inumin naming frappe, umupo ulit siya sa tabi ko at sinabing "mamaya pa yung snacks hindi pa raw ready eh" kaya naman tumango ako sa kaniya.

Sobrang tahimik naming dalawa, kung hindi ata siya magsasalita ay hindi kami mag uusap.

Hindi ko alam pero palagi akong nahihiya sa kaniya, hindi na ako nasanay sanay.

Para bang palagi na lang akong natotorpe kapag kasama ko siya.

Ilang sandali pa ay tumunog na ulit ang hawak niya hudyat naman na ready na ang snacks namin na kanina pa namin hinihintay.

Pag akyat niya ay inayos niya muna ang pagkain namin para picture-an ito.

Maya maya pa'y inaya niya ako na mag picture kaming dalawa, nakalimutan ko at nangako nga pala ako sa kaniya, baka kapag hindi ko napagbigyan itong babaeng 'to ay mag alburuto na namn kaya pumayag na akong picture-an niya at kami naman ang nag picture pagkatapos.

Nung una ay nahihiya akong kumain kaya naman sinubuan niya ako.

Geneva's POV :
huy kumain ka na, ano ako lang kakain lahat nito? tumingin siya sa akin na may awrang nang aasar, ikaw na muna kumain, papanoorin na lang kita saad niya.

Hindi ako nagdalawang isip na kumuha ng fries at sinubo sa kaniya.

Daming arte gusto lang naman pala subuan saad ko sa sarili ko.

Tinuloy tuloy ko lang siyang subuan ng fries dahil baka nga nahihiya siyang kumuha.

Sus gusto lang naman magpababy!

Hindi nagtagal ay tinigil ko ang ginagawa ko, hindi ko siya sinubuan ng fries at hindi nga siya kumain, jusko gusto talagang sinusubuan, laki laki na talaga 'tong lalaking 'to, sumbong kita sa mama mo eh sabi ko sa aking isipan.

Maya maya ay naubos na namin ang fries na kinakain namin.

Mahal ang presyo nito pero worth it naman dahil masarap at hindi tinipid sa lasa.

Sinunod na namin kainin ang sandwich na inorder ko, medyo maanghang siya ngunit sa una ay hindi ko nalasahan.

Noong tumagal na kinakain ko ay saka ko lang nalasahan na maanghang ito.

Pati sa sandwich gusto sinusubuan pa rin siya, ayaw talaga paawat, awayin ko mamaya 'to eh tugon ko sa sarili ko.

Nang matapos kami kumain ay agad na kaming umalis dahil malaki ang dilim, nagbabadyang uulan ng malakas kaya bago pa kami abutan ay inaya ko na agad siyang umuwi.

Bago lang din ako nakapunta rito kaya hindi ko alam kung saan ang sakayan pauwi.

Nung nagsalita siya na doon kami dumaan banda roon ay hindi ako naniwala, akala ko pa nga ay naliligaw kami ngunit iyon pala talaga ang dinaanan naming dalawa.

Sumakay na kami sa tricycle at sinabi ko kung saan kami ibababa.

Nagpupumilit pa siya na ihahatid muna niya ako pero tumanggi ako.

Malaki na rin kasi ang dilim, baka biglang umulan at wala siyang dalang payong.

Wala siyang nagawa kundi pumayag. Pagdating sa Santa Monica ay bumaba na ako agad.

Kumaway ako sa kaniya at nagpaalam, pagtalikod ko rinig ko ang sinabi niyang "ingat ka" ngunit hindi na ako nakapag sabi sa kaniya ng ganon sapagkat mabilis ang andar ng tricycle na sinasakya niya.

Umuwi akong may ngiti sa labi, sobrang saya ko kahit na inaway ko siya nang wala siyang ginagawa, feeling ko ay iniisip na niyang may saltik ako, bakit hindi nga ba totoo? HAHAHAHA

Pagkarating ko sa bahay ay agad ko siyang chinat at binati ulit ng happy birthday.

Minyday ko rin ang picture naming dalawa at marami sa mga kaibigan ko ang bumati sa kaniya.

Nakatulog ako ng maaga kaya naman hindi kami nakapag usap kinagabihan.

Nagising na naman ako nh madaling araw kaya inopen ko ang cellphone ko at nag fb.

Laking gulat ko ng makita ko ang post ng mama niya, picture naming dalawa which is yung myday ko.

Sobrang na-shocked ako dahil hindi ko inaasahan na ipopost ng mama niya iyon. Nagchat ako sa kaniya at sinabi ko na nahihiya ako dahil pinost ng mama niya yung picture namin at naka public pa. Pero tinawanan lang niya ako, baliw talaga 'tong lalaking 'to.

Nung araw na 'yon nakaramdam ako ng saya dahil alam kong boto sa akin ang pamilya niya at ganun din naman ang pamilya ko sa kaniya ngunit kailangan pa rin namin unahin ang pag aaral para sa magandang kinabukasan.

Love Together, Be With You Never Where stories live. Discover now