Daily Routine

6 2 0
                                    

Kinaumagahan paggising ko ay tinatamad agad ako, wala namang bago ron, palagi naman.

Iniisip ko pa lang ang mga gagawin ay gusto ko na lang ulit matulog.

Hayss palagi na lang ganito ang routine ko kapag walang pasok, gigising - kakain - mag aayos - maglilinis - mamamahinga - kakain - matutulog. Tila ba wala na atang bagong nadagdag sa routine ko kundi ang ha-routine siya, ang harot naman anteh!

Hindi ko alam, bukod sa kahihiyan puro ganyan lang ata ako sa buhay.

Pero mabuti na lang at tahimik ang buhay ko ngayon, walang nanggugulo sa akin kaya nagagawa ko ang mga gusto ko gawin.

Ang tanging nangbubwisit lamang sa akin ay ang kapatid ko, kapag wala siyang hawak na cellphone ay ako ang nakikita niya, edi wow di ba?

Paglipas ng mga araw ay ganoon pa rin ang routine ko, halos bored na bored na nga ako dahil sa paulit ulit na lang ang mga ginagawa ko pero kapag naman mag eexplore ako ng bagong bagay ay tinatamad ako kaya hindi natutuloy.

Sa sobrang bored ko pati kalendaryo ay binabantayan ko na, malapit na naman palang magpasukan, tambak activities na naman pero ano pa nga bang magagawa ko syempre papasok na naman ako.

Dumating ang araw ng pasko, December 25, 2022 tahimik ang bahay namin dahil wala naman sila kuya rito dahilan upang mag ingay kami.

Pero kahit na ganoon ay nagdiwang pa rin kami ng pasko, marami kaming handa pero ayokong kumain ng marami at kapag naman ubos na saka ko hahanapin ang mga ito, lakas talaga ng amats ko hahaha.

Kumakanta sa videoke sila Nanay at ako naman ay nakaramdam na ng antok, binati ko muna ng Merry Christmas si Primo at saka ako nahiga.

Nagulat ako ng magising ako, 2:00 na, shocks! bakit hindi ako nagising sa alarm ko? nagulat na lang ako dahil ang daming chat sa messenger ko, una ko nang nakita rito ang chat ni Primo, may GIF pang umiiyak dahil nakatulugan ko raw siya.

Gosh, I am such a sleepyhead saad ko. Natawa ako sa mga chat ni Primo, ang cute niya talaga kapag ganito HAHAHA at para na naman akong nabaliw dahil sa sobrang tuwa.

Bigla kong naalala na maaga pa pala kaya naman pagkatapos kong reply-an ang mga chats niya ay natulog ulit ako.

Paggising ko ay 6:30 am na kaya gumising na ako, nag good morning ako sa kaniya bago ako bumangon sa higaan ko.

Pagkatapos nito ay nagtimpla ako ng gatas dahil ito ang palagi kong iniinom tuwing umaga.

Nalulungkot na naman ako, hindi ko kasi siya nakausap kagabi dahil nakatulog ako.

Mabilis lang lumipas ang mga araw at bagong taon naman ang sasalubungin namin.

This time naghanda na ako, natulog ako ng tanghali upang hindi ako kaagad antukin mamayang gabi.

Marami kaming handa, umiinom ako ng coke habang umiinom naman ng alak ang pamilya ko. Gising ako hanggang alas dose ng umaga, binati ko siya ng happy new year, proud ako dahil hindi ako nakatulog pero siya naman ang hindi nakapag on.

Inabot ako ng 1 kakahintay sa kaniya pero wala pa rin at inaantok na rin ako kaya nag decide ako na matulog na.

Paggising ko ay 5:00 na ng umaga, pagbukas ko ng cellphone ko ay wala pa rin siyang chat.

Ano ba ito, nakakatampo naman saad ko sa aking isipan.

Ngunit maya maya ay tumunog ang cellphone ko, nakita kong nagchat siya at nagsorry dahil hindi siya nakapag online.

Magtatampo na sana ako kaso kiniss niya ako ng marami, huy hindi tayo magiging marupok! Chinat ko siya at sinabi ko na okay lang yun pero nagtatampo talaga ako sheesh.

Nagtuloy tuloy lang ang pag uusap naming dalawa. Ewan ko, kapag siya ang kausap ko hindi ko mapigilang hindi ngumiti, happy pill yarn?

Malapit na naman ang pasukan, magdudusa na naman ako neto sa mga activities/quizzes/exams hayss bakit ganito, hindi naman ganito yung napapanood ko sa kdrama sabi ko at ginulo gulo ang buhok.

Love Together, Be With You Never Where stories live. Discover now