Sa araw mismo ng Valentine's Day ay nahihiya akong pumasok at ipakitang red ang suot ko kaya naman nag jacket ako para hindi halata, blue yung jacket na napili ko.
Oh diba 2in1 naka red na naka blue pa, pak ganern! Pagpasok ko sa school, bumungad agad ang mga nakapulang estudyante, ay wow kabog yarn!? Ano ba naman itong naiisip ko, tinatrato na ako ng tama pero ang bitter ko pa rin, ganito ba talaga kapag paulit ulit sinaktan? sabi ko sa sarili ko.
Noong araw na iyon ay kaarawan ng kaibigan ko na si Aldheia ngunit humingi ako ng tawad dahil hindi ako makakapunta sa birthday niya dahil may date pa akong pupuntahan, wow inuna pa talaga landi bago kaibigan eh, kaya ka iniiwan chariz!
Pagkatapos ng klase ay umuwi muna ako. Nag ayos ako ng sarili ko syempre nakakahiya naman kung haharap ako sa kanya nang haggard face diba? saka inayos ko rin ang regalo ko sa kanya.
Kaya naman naghilamos na ako at nag ayos ng buhok.
Nang matapos ako ay kinuha ko ang regalo ko para sa kanya at lumabas na ako.
Sakto namang nakita ko siya sa labasan namin, nagulat pa ako nang makitang may dala siyang bouquet ng chocolates.
Oh di ba sana all!
Primo's POV :
lumapit ako sa kaniya ng dahan dahan, medyo nanginginig pa ako dahil kinakabahan.
Iniabot ko sa kanya ang bouquet na may mga chocolates sabay sabing Happy Valentine's Day.
Halata sa kanya ang pagkagulat at nagulat din naman ako sa dala niya.
Ang laki ng lalagyan ng regalo niya, mukhang malaki ang laman nito.
Tinanong ko siya kung bakit malaki ito pero ang sagot niya lamang sa akin ay "Bakit" itong babaeng 'to, kapag tinatanong mo ibabalik lang niya sa'yo ang tanong mo.
Pero mahahalata mo sa kanya ang pagkagalak, siguro nagustuhan niya ag bigay ko sa kaniya.
Bumawi ako kasi last time na nagregalo siya hindi ako prepared kaya wala akong regalo, kaya bumawi ako ngayon sa kanya pero sana hindi sumakit ang ngipin niya sa dami ng mga ito.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kanto upang pumara ng masasakyan.
Dahil 2nd time pa lang namin ito na gagala, kinakabahan pa kami pareho at this time kaming dalawa na lang, wala kaming ibang kasama kundi mga sarili namin.
Kaya naman sa likod na ako sumakay ng tricycle dahil baka hindi siya maging komportable kapag nagtabi agad kami.
Pagdating namin sa Walter ay binayaran ko na agad yung driver, mahirap na baka unahan pa niya ako.
Ayokong pinagbabayad siya ng pamasahe kaya sinasabi ko sa kaniya na ako na pero ayaw naman niya at wala rin siyang magagawa dahil ako pa rin ang magbabayad aba kung di siya papayag iiyak ako.
Papasok pa lang kami sa loob ay hiningian na agad kami ng schedule nung guard, iniisip pa atang nag cutting kami ng love ko eh bait bait nga namin.
Mabuti na lang at may picture siya nung schedule nila kung hindi, hindi pa kami makakapasok neto.
Nang makapasok kami sa loob ay umakyat kami sa taas dahil magccr daw siya.
Nasa labas ako at hinihintay siya, ang tagal niya kasi mag cr sabi niya saglit lang.
Iniisip ko tuloy na tumakas na 'tong babaeng 'to at iniwan na ako.
Maya maya ay bigla siyang lumabas, mabuti na lang at hindi totoo ang iniisip ko.
Naupo kami sa isang upuan dahil pagod na kami kakaikot.
Maraming ganap nung mga oras na 'yon, hindi ko mapaliwanag basta sobrang saya lalo na at kasama ko siya.
Habang nakatingin ako sa kaniya napapaisip na lang ako na sobrang swerte ko sa babaeng 'to.
Sa dinami rami nang nagkakagusto sa kaniya ay ako ang pinili niya.
Hindi ko siya sasaktan, hindi ko sasaktan kailanman ang babaeng mahal ko.
Maya maya ay nagsalita siya, inaaya niya akong bumili ng milktea pero dahil hindi ako mahilig don, sinabi ko sa kaniya na tubig na lang ang akin.
Hindi siya umimik. Patay galit ata, anong gagawin ko neto sabi ko sa aking sarili.
Kinausap niya ako ulit at sinabing nauuhaw siya ang sabi ko naman ay bibili ako ng milktea para sa kaniya at tubig ang akin ngunit wala na naman siyang imik.
Mga babae talaga, ang lakas ng saltik. Bumaling siya sa akin, inirapan ako.
Patay galit na talaga siya. Nung sinabi ko sa kaniya na bibili na kami ng milktea ay umayaw na siya.
Wala na, galit na ang love ko na 'yan, ano na naman kaya ang gagawin ko para mawala ang galit nito sa akin tanong ko sa sarili.
Tumagal kami ng ilang oras sa Walter, mag a-alasais na ng gabi pero hindi pa kami nakakauwi.
Umoorder pa kasi siya ng pizza dahil nagpapauwi raw yung ate niya.
Kaya naman eto, nakaupo ako sa gilid at hinihintay siya.
Sobrang ganda niya talaga, hindi ako makapaniwala na yung babaeng 'to in love na in love sa akin. Hindi ko hahayaang masaktan siya, gagawin ko lahat para mag stay siya sa akin.
Maya maya pa ay lumapit siya sa akin at sinabi na nagchat daw ang ate ko, hinahanap na ako.
Sa kaniya ako hinahanap dahil baka kasi tinago na niya ako, yun siguro ang naiisip ng ate ko sabi ko sa kaniya.
Napatawa naman siya at sinabing "baliw na 'to" oo, baliw na baliw sa'yo.
Ang bata ko pa para sabihin 'to pero sobrang mahal kita, masyado pa tayong bata pero kaya ko rin magmahal ng totoo at papatunayan ko yan sa'yo.
Ilang minuto rin kaming naghintay dahil niluto pa yung pizza na iuuwi niya at nung pauwi na kami at nakasakay na ay traffic naman.
Ang bagal ng usad ng mga sasakyan kaya naman ginabi na kami ng uwi.
Bago ako umuwi ay hinatid ko muna siya para masigurong ligtas siyang makakauwi.
Pagbaba niya ng tricycle ay nagpaalam na siya, nagpaalam na rin ako at pinaalalahanan ko ulit siyang mag ingat.
Pagtapos non ay nagkahiwalay na ulit kaming dalawa.
Pauwi na ako sa amin nang may dalang ngiti sa labi.
Napakasaya ko sa araw na yon, hinding hindi ito maikukumpara sa mga araw na naging masaya ako.
Sobrang swerte ko sa kaniya, ayoko na siyang pakawalan pa!
YOU ARE READING
Love Together, Be With You Never
RomanceIt is about a teenage boy and girl who fell in love with each other, they were classmates when they were in the 7th grade in high school, but after admitting their feelings for each other, they quit talking for at least 1 month. When the guy's birth...