January 2023, panibagong taon na naman, ano na naman ang gagawin ko buong taon? magkakape? tanong ko sa isipan ko.Bumangon na ako at naghanda na dahil may pasok na naman, back to normal na naman na gigising ng maaga.
Habang nag aayos ay biglang pumasok sa isipan ko si Primo, matagal tagal na rin pala kami at sa June ay mag iisang taon na.
Napag isip isip ko na ipakilala siya sa pamilya ko kahit na maging komplikado ang sitwasyon, gagawin ko.
Nanghingi ako ng advice sa kaibigan ko na si Aldheia kung tama ba ang naisip ko at sumang-ayon naman siya.
Wala naman sigurong masama kung ita-try ko, wala namang mawawala sa akin saad ko.
Basta para sa kaniya, handa akong gawin lahat at handa akong mag take ng risk bulong ko sa aking sarili.
Simula sa mga araw na iyon ay nagdesisyon ako na magsabay kaming magrecess sa court para na rin maging magka-close kami sa personal, hirap pala kapag sa chat ka lang madaldal titiklop ka sa personal.
Sa bawat araw na may pasok ay palagi kaming magkasama sa court na nagrerecess, nagkukwento siya minsan tungkol sa naging lesson nila o mga ginawa nilang activities.
Minsan ay nakakaramdam pa rin ako ng hiya sa kaniya, ay meron pala ako non?! pabiro kong sabi sa sarili.
Maraming ganap sa bawat araw namin, isa na ron ang pagod dahil sa walang sawang activities na pinapagawa sa amin pero kahit na ganon ay ayos pa rin kami at walang pagbabago.
Paparating na ang Valentine's Day at biglang may pakulo ang school namin.
May color coding na magaganap. Dali dali kong tiningnan ang post ng page ng school namin at totoo nga, Red kapag relationship at Blue naman kapag wala pang label at marami pang iba.
Syempre dahil assuming ako kahit wala pa kaming label ay sinabi kong mag red kaming dalawa.
YOU ARE READING
Love Together, Be With You Never
RomansaIt is about a teenage boy and girl who fell in love with each other, they were classmates when they were in the 7th grade in high school, but after admitting their feelings for each other, they quit talking for at least 1 month. When the guy's birth...