002 | Messenger

28 3 3
                                    

MESSENGER

lifetime :)
1:59 AM

aliping cyan
@madam ciela kasama ko na si Janella. may nangyari kaya hindi niya tayo mareplyan kanina pero hayaan muna natin siyang magkwento.

madam ciela
???

anong nangyari???

@madam janella ayos ka lang ba?

madam janella
ayos na. on time naman no'ng dumating si cyan kanina eh. baka mas hindi naging okay kung hindi siya pumunta para sunduin ako.

madam ciela
this is making me nervous. ano bang nangyari talaga?

or do you want to breathe first before telling me everything?

aliping cyan
baka tayo. wala rin akong alam.

madam janella
alam ko. i'm sorry.

madam ciela
maiintindihan namin, ja. pero magkwento ka kung kailan ka handa.

siguro magpahinga ka na muna ngayong gabi? diyan ka ba matutulog @aliping cyan?

aliping cyan
kung komportable si ja.

madam janella
mas komportable ako kung dito ka ngayong gabi, cy. masiyadong mabigat 'yong nangyari. pero wala akong damit na mapapahiram sa'yo.

aliping cyan
lagi naman akong may dalang extra. may isa ako sa bag, huwag mo na isipin 'yon.

saglit. bibili lang ako ng makakain. lock mo 'yong pinto.

madam janella
sige.

madam ciela
ingat ka, cyan.

aliping cyan
yes madam.

madam janella
magkekwento na ako ngayon.

aliping cyan
kung kailan ako bumaba ha.

madam janella
sinadya ko nga. hindi ko kayang ikwento 'to nang buo kung nandito ka kaya huwag ka munang bumalik hangga't hindi pa natatapos 'to.

madam ciela
would that make it easier to tell us?

madam janella
oo.

madam ciela
okay.

aliping cyan
sige. dito na muna ako basta 'yong lock. double check mo janella.

madam janella
okay na nga.

so...

loan sharks 'yong naabutan mong hinaharass ako kanina, cyan.

hindi ko agad sinabi 'to sa inyo noong mamatay si Papa at no'ng tumigil ako sa pag-aaral pero ayon, simula no'n palagi na nila akong hinahanap at tinatakot.

nag-iwan pala si Papa ng pamanang utang sa'kin. half million ang kabuuan. dalawang grupo ng loan sharks.

noong malaman nilang wala na si Papa at hindi pa bayad sa kanila, ako naman ang pinuntirya nila. kahit sa campus pinupuntahan nila ako. hindi raw sila titigil hangga't hindi ko nababayaran lahat.

ang hirap na sa'kin kaya huminto ako at nagtrabaho para makapag-ipon at mabayaran silang lahat. hindi ko naman inexpect na mahahanap pa rin nila ako.

araw-araw sila ang problema ko. may mga bayarin na nga ako dito sa apartment may tatakbuhan pang loan sharks. ang bigat na rin talaga. 6 months pa lang wala si Papa pero ang hirap hirap na.

madam ciela
janella :(

bakit hindi mo sinabi sa amin?

aliping cyan
bakit tinago mo sa sarili mo lahat ng 'yan? tangina janella anim na buwan ka nang natatakot habang kami walang magawa?

madam janella
ayokong makaabala. ciela, alam kong magpupumilit kang bayaran nang buo 'yong 500k. malaking tulong sa akin 'yon pero hindi kaya ng konsensiya ko na tanggapin nang libre 'yong gano'n kalaking tulong. mapride na kung mapride pero problema namin 'to ni Papa eh. gusto kong ayusin 'to nang ako lang.

ikaw naman cyan alam ko kung gaano ka kaoverprotective sa'min ni ciela. ngayong may boyfriend siya, sa akin ka mas nagfofocus. kung sinabi ko sa inyo baka hindi ka na rin mapakali palagi. may pamilya kang binubuhay eh. hindi ko kayang agawin sa kanila ang oras mo.

madam ciela
my god this is so heavy.

hindi ako mapapakali nang ganito. pupunta ako diyan ngayon. pag-usapan natin kung anong pwedeng gawin.

aliping cyan
kaibigan mo kami, janella. kung sinabi mo sa amin ang sitwasyon mo noon at may mga nagawa kami, hindi 'yon dahil obligado kami. gagawin namin 'yon dahil mahal ka namin.

'yong sinasabi mong oras na maaagaw mo sa pamilya ko, wala namang gano'n eh. kaya kong balansehin ang oras ko sa'yo at sa kanila. mas gugustuhin ko 'yon kesa 'yong makitang gano'n ka pala takutin at kausapin ng mga taong 'yon.

madam ciela
cyan tama na 'yan. alam kong nasasaktan ka na gano'n 'yong nangyari pero wala na tayong magagawa para ibalik lahat ng naranasan ni janella from 6 months ago. kung meron man tayong maitutulong, ngayon na lang na nasabi niya na sa'tin.

she needs us as her friends, cyan. not someone to blame her for her choices.

bumalik ka na sa apartment niya. papunta na rin ako.

aliping cyan
susunduin na kita. wala si jedan dahil madaling araw na.

madam ciela
si janella ang unahin mo, cyan. ayos lang ako. kaya kong magmaneho.

madam janella
pumunta kayo rito nang sabay please. mas okay na rin sa'kin 'yon. hintayin mo na si cyan diyan.

alam ko rin kung anong nararamdaman niya ngayon.

madam ciela
sure ka?

madam janella
yes :)

antayin ko kayo rito. ingat.

madam ciela
we'll be there fast. i love you, jaja ko.

madam janella
i love you so much :)
[💗] 1

Coffee, Maybe? Love, Maybe. Where stories live. Discover now