54 | CMLM

7 1 0
                                    

JANELLA

Hindi pinag-usapan pero natapos din agad ang Truth or Dare namin. Paano pa eh awkward na kaming lahat matapos marinig ang sinabi ni Cyan kanina? Kung pwede ko lang mabatukan ang lalaking 'yon ngayon baka kanina ko pa ginawa. Eto namang si Zev, talagang ilinagay pa sa loudspeaker ang phone niya. Nahalata niya na ngang hindi ko gusto na malaman ng iba ang connection namin talagang pinili niya pa ring gawin ang gusto niya.

"So..." Quentin trailed off before clicking his tongue. "magkakilala nga kayong dalawa prior to Janella's arrival here?"

Huminga ako nang malalim. Ayoko sana talagang sabihin lalo na matapos kong makita ang tweet ni Blaire kanina pero ano pa bang magagawa ko? Mas awkward naman kung idedeny namin.

"Oo. Kaibigan niya ang boyfriend ng isa ko pang bestfriend," saad ko na lang.

Zev didn't say a word. He was just in front of me, the bonfire setting in between us. Apoy ang nasa pagitan namin pero parang mas tumatagos pa ang mga titig niya sa'kin ngayon. Inirapan ko siya while he just shrugged his shoulder. Parang timang.

"Parang hindi lang 'yon ang narinig namin kanina," ani bigla ni Vigo kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Oo nga! I'm sure I am not mistaken pero... crush mo raw si Janella, sir?" si Celeste naman ang nagtanong. Buti na lang kasi at least umiwas na rin ng tingin si Zev sa akin.

Kinakabahan nga lang ako sa tanong. Sinilip ko si Blaire at halatang hindi siya okay. Eh kung ako rin naman ang makakarinig na may ibang gusto ang taong gusto ko eh hindi rin ako mapapakali eh. Ayokong mag-assume but with the way Zev acts around and towards me, it's safe to say that he really does like me. While it's not my fault, I just can't invalidate how Blaire might be feeling right now. Birthday niya pa naman.

"I think we're all a bit too old to call it simply just a crush so I'll say it now, gusto ko si Janella."

From intently staring at Blaire, my eyes immediately darted towards Zev whose eyes were now on mine again. Sa gilid ng mga mata ko, kita ko kung paanong linapitan ni Celeste si Blaire. Siya lang ata ang may alam sa nararamdaman nito.

"I do hope this won't affect our work ethics, guys," Zev said when he finally decided to cut off staring at me. Ramdam niya sigurong hindi na ako natutuwa sa mga trip niya ngayong gabi.

"I won't be giving Janella any special treatment just because we have known each other for long before she came here. Kung anong work load ang ibinibigay ko sa inyo ay gano'n din ang sa kaniya. We're just all here tonight to celebrate Blaire's birthday together and also because you've all been doing well since we were assigned to work at the coffee shop."

Tumango ang lahat pero wala na ring nagsalita. Sumeryoso na rin kasi si Zev. If he thinks, though, that he's got a free pass for explaining that to the team, nagkakamali siya. Gusto ko ngang professional sana kami tapos sinabi niya pa 'yon. At some point hindi naman maiiwasang makiramdam sa'min ang iba eh.

This guy really knows the right buttons to push me to my peak. Alam na alam niya kung paano ako asarin. Malas ko lang, alam niya rin kung paano ako i-handle entirely, hindi lang kung paano ako galitin.

"Oh. It's 11:59. Countdown na tayo para sa birthday ni Blaire?" Azalea saved the situation by bringing up the time.

Doon lang naman tila kumalma at nakahinga ang lahat, maliban siguro kay Blaire. I should heed in my mind that I should talk to her. Baka mamaya o bukas bago kami umuwi.

10

9

8

7

6

5

4

3

2

1

"Happy birthday, Blaire!" still, all of us screamed at the top of our lungs as the clock struck 12.

Hindi ko alam kung kailan nahanapan ng oras pero biglang nagkaroon ng fireworks display kung nasaan kami ngayon. It spelled out Happy Birthday, Blaire! which I think helped Blaire calm down a little. Nakangiti lang siya at tila ina-appreciate ang gesture na 'yon.

While everyone was busy watching the fireworks display, naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. I didn't need to guess. Of course, it's Zev. Sino pa bang pasaway na lalaki ang kilala ko rito di'ba?

"I know you're upset. Can we talk later?" he whispered very closely to my ear. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa leeg at tenga ko. Mainit 'yon dahil nakainom din siya.

"I'm not letting you decide for us anymore and I'm telling you right now that I'm not in the mood to talk to you. Maghintay ka kung kelan kita gustong kausapin kasi naiirita pa ako sa pagmumukha mo ngayon," sagot ko na lang.

I heard him sigh. Sana alam niyang seryoso ako dahil isang pakulo niya pa talagang aalis na ako rito sa Casa Hera. Bahala na kung hindi man ako ligtas sa Manila basta makalayo lang ako sa kaniya.

"Seryoso ako Zev," I warned and grabbed my hand away from him.

"Mhm," he hummed. "I'll wait for you then."

Iyon lang at naramdaman ko na rin siyang lumayo sa akin. Just when I was about to focus on the surprise in front of us which was still on going, I saw Blaire and Vigo looking at me. Pakiramdam ko nakita nilang nag-usap kami ni Zev. Hindi lang nila narinig ang pinag-usapan namin dahil malayo naman kami sa kanila. Hindi ko tuloy alam kung paano dapat ako kikilos ngayon.

Blaire smiled at me though. It was warm but I couldn't understand. Mas lalo ko lang ginustong magkaroon kami ng chance na mag-usap. Vigo, on the other hand, nodded at me. Hindi ko alam kung totoo ang hinala ko na attracted 'to sa akin pero wala naman siguro akong dapat ipaliwanag sa kaniya tungkol sa sitwasyon namin ni Zev. If it's true, though, I hope he won't change how he acts around me.

Nakakairitang pag-ibig kasi 'to. Wala nang ginawang tama sa buhay ko.

Coffee, Maybe? Love, Maybe. Where stories live. Discover now