045 | CMLM

8 2 0
                                    

JANELLA

"It's 1:30, Zev. Uuwi na ako. Maaga pa mamaya eh," saad ko kay Zev matapos i-check ang wrist watch ko.

Napacheck na rin siya dahil sa sinabi ko and upon confirming na masiyado na kaming natagalan dito, tumayo na rin siya.

"I'll go on my own. Sa kabila lang naman 'yan," I told him.

Inasahan ko na but it still brought warmth to my heart when he shook his head no. Ilinigpit niya lang saglit 'yong pinagkapehan namin at sinamahan niya na ako sa labas.

"Rest up, Janella. It's okay if you'll be late," anito noong nasa tapat na kami ng pinto ko.

Umiling naman ako. "Ayos lang ako. Sanay na ang katawan ko sa puyatan tas maagang duty. Unfair din sa iba kapag malate ako. I don't want to take advantage of their kindness."

Natigilan siya saglit bago ngumiti na parang proud siya sa sinabi ko. Ang random talaga ng taong 'to minsan eh.

"Alright then. I'll see you later?"

A smile crept up on my face as I nodded at him. "See you, Zev."

Iyon lang at pumasok na rin ako sa loob. Nauna na ako dahil sigurado namang hindi siya papasok kung hindi masiguradong nasa loob na ako. I texted him good night after I was settled in bed and went to sleep, feeling peaceful than ever.

Hay. Ang sarap din talaga kapag siya ang kasama.

Coffee, Maybe? Love, Maybe. Where stories live. Discover now