"Ilakad mo 'ko sakan'ya, Bray."
"E bro, g-gusto k-s-sige." pautal-utal na sabi ni Bray, at agad namang niyakap ni Borj ang kambal. "Thank you bro, i know na maaasahan kita." sabi ni Borj habang nakayakap sa kambal n'ya, dahan-dahang niyakap ni Bray pabalik si Borj, at pilit na ngumiti.
Hindi alam ni Bray ang gagawin sa panahon na 'to, pero wala na s'yang magagawa kundi itago nalang ang nararamdaman n'ya para kay Roni.
•••
•••
Araw na naman ng practice nila ng basketball and ngayon si Borj na ang papalit kay Bray since bawal pa s'ya magtatakbo pero kahit papaano kaya n'ya naman na ilakad ang paa n'ya. Ngayon, wala si Jelai at Missy, kaya si Roni at Bray lang ang nanunuod sa gilid.
"Huyyy!!" malakas na hiyaw ni Bray na naging dahilan ng pagka-gulat ni Roni.
"Ano ba, Bray!" nainis na sabi ni Roni, agad namang umupo si Bray sa tabi n'ya. "Biro lang" sabi naman ni Bray habang natatawa dahil sa itsura ni Roni, napa-irap nalang si Roni at agad na binalik ang tingin sa mga naglalaro.
"Grabe ang titig sa kambal 'ko ah" pagbibirong sabi ni Bray, na halatang masakit para sakan'ya, na kahit hindi n'ya piliin ang love n'ya for her, hindi naman madali na mawala ito basta-basta. "Alam mo parehas kayo ni Jelai, lagi n'yo nalang napapansin." sabi ni Roni na nakapag- pangisi kay Bray habang nakatingin sa sahig.
"Bray, p'wede bang magtanong?" sabi ni Roni habang hindi pa rin nawawala ang tingin sa mga naglalaro. "H-huh? Sige, ano ba 'yun?" tanong ni Bray na kagaya ni Roni, hindi pa rin nawawala ang tingin sa sahig.
"Satingin mo ba, magugustuhan ako nung gusto ko?" diretsong tanong ni Roni, napatingin naman si Bray sakan'ya, at agad na tumingin pabalik si Roni. Hindi alam ni Bray kung paano sasagutin ang tanong ni Roni, nalaman n'ya na rin na may gusto na ito, at masakit ito para sakan'ya.
"H-huh? Bakit mo naman natanong?" pagtatakang tanong ni Bray, at agad na ngiti si Roni. "Alam mo Bray, kung satingin mo ay hindi, sabihin mo nalang."
"Ang ibig kong sabihin ay- Oo naman." dahan-dahang sinabi ni Bray at agad na nilihis ang tingin kay Roni.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ulit ni Roni, tiningnan ulit ni Bray ito. "Kasi may bibig ako?" pagbibirong sabi ni Bray na nakapagpa-irap kay Roni. Natawa naman si Bray sa itsura nito dahil halatang naiinis na.
"Ayan na naman s'ya, seryoso kasi." sabi ni Roni at agad na tumingin sa mga naglalaro. "Seryoso naman ako e." pagbibirong sabi ni Bray ulit. "Seryoso na ba 'yun? Sige, mas seryosong sagot naman." sabi ni Roni na in-emphasize pa ang word na "mas"
"Seryoso na talaga." seryosong sabi ni Bray at agad na nilihis ang tingin kay Roni na nakatingin pa rin sa mga naglalaro ng basketball.
"Alam mo, Roni. Sobrang daling magkagusto sa'yo. Bukod sa maganda kana, e sobrang bait at talino mo pa, hindi enough ang words para i-describe ka. Kaya imposibleng walang magkagusto sa'yo, kahit ako magkakagust-" napatigil si Bray sa pagsasalita nang magsalita si Roni. "Bray, gusto mo ba 'ko?" diretsong tanong ni Roni, agad namang napatingin si Bray, nang nakita ni Roni sa peripheral vision n'ya na nakatitig si Bray sakan'ya ay agad n'ya rin ito tinitigan pabalik.
BINABASA MO ANG
The Boys Next Door
Fanfictiona filo boni au, wherein twins from another country arrived in Roni's village, causing confusion in her heart.