Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
"Oh kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Roni kay Yuan bago ito makalabas sa pinto. Napahinto si Yuan nang narinig si Roni. "Ah, d'yan lang kila Borj."
"Sama 'ko." maikling sabi ni Roni at nagtaka naman si Yuan. "Bakit?"
"Wala, bakit bawal ba?" tanong ni Roni. "Alam mo Ronalisa, kagabi pa kita napapansin e." sabi ni Yuan, napangiti naman si Roni at nagmaang-maangan. "H- huh? Ano?"
"Parang iba mood mo simula nung dumating ka galing kila Bor-saglit?! 'Wag mong sabihin na-" tinakpan ni Yuan ang bibig n'ya at natawa naman si Roni sa itsura nung kuya n'ya.
"Alam mo kuya, kung ano-ano napapansin mo d'yan. Tara na nga." sabi ni Roni at hinila ang braso ni Yuan palabas ng bahay.
•••
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
"Borj, Bray! Anak, tapon n'yo muna sa labas 'yung basura natin! Para makuha ng truck mamaya." sigaw ng mommy nila Borj, agad namang sumunod ang dalawa at kinuha ang black plastic bin.
Nang makuha ni Borj ang isang plastic bag ay napansin n'ya ang laman nito. Kinuha n'ya ito at binasa ang nakasulat. Habang binabasa n'ya ito, sakto papalapit na rin si Bray. "Ano 'yan, bro?" tanong ni Bray, lumingon si Borj kay Bray at pinakita ito.