03

129 8 0
                                    

"Roni.. Roni!" malakas na tawag ni Missy at agad namang lumingon si Roni na tila ba'y nagulat pa ito. "Ano na naman ba ang iniisip mo?" tanong ni Jelai, habang hindi nawawala ang tingin n'ya sa laptop n'ya.

"Ah an-wala..wala lang" sagot ni Roni at agad kinuha ang papel na nasa harap n'ya para ayusin, nang magsalita si Missy. "Alam mo Roni, ang weird mo lately? Simula nung dumating si Bray."

"Kaya nga, hindi ba't ayos na kayo? Ano pa iniisip mo d'yan?" tanong naman ni Jelai, napabuntong hininga naman si Roni.

"Alam n'yo bang may kambal si Bray?" tanong ni Roni at nang laki ang mga mata ni Jelai at Missy na halatang nagulat din sa sinabi ni Roni.

"Si Bray, may kambal?!" sabay na sabi ni Jelai at Missy, tumango naman si Roni. "Nakita ko sila sa school kanina, napagkamalan ko pa ngang si Bray 'yung kambal n'ya." kwento ni Roni.

"And ang weird part is yung kambal ni Bray, sinasabing naka-bangga n'ya ako kahapon." dagdag pa ni Roni, at nagkatinginan naman ang dalawa. "Kaya ba't hindi maalala ni Bray na nagbanggaan kayo dahil yung kambal n'ya pala ang naka-banggaan mo?" tanong ni Missy. "Siguro." maikling sagot naman ni Roni na halatang naguguluhan na rin.

"E, anong sabi mo nung nakita mo silang dalawa?" tanong ni Jelai, at inaalala naman ni Roni ang nangyari kanina. "Sa gulat ko, hindi na ako nakapagsalita pa and tumawag si Dad kaya umalis na rin ako." sagot ni Roni.

"Anong itsura ng kambal ni Bray?" tanong ni Missy na sinagot naman ni Jelai. "S'yempre kamukha ni Bray? since napagkamalan ni Roni."

"Kung yung kambal nga ni Bray ang nakabanggaan mo? Ibigsabihin sakan'ya ka unang nagwapuhan?" tanong ulit ni Missy, napabuntong hininga nalang si Roni. "Siguro nga, dahil mas una mo palang nakita si Bray kesa sa kakambal n'y— wait, ano nga ba ang pangalan nung kakambal ni Bray?" tanong ni Jelai, nang biglang may nagsalita.

"Hi, girls!" tawag ni Tonsy na kasama si Yuan at Junjun, nilapit naman nila sila Roni sa dining table. "Bakit parang may problema kayo dito? Anong meron?" tanong ni Yuan, na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Missy at dahan-dahan na pinatong ang braso n'ya sa balikat nito pero bago pa dumampi ang braso n'ya, agad namang pinalo ng malakas ni Missy ang braso kaya naman napalayo s'ya ng bahagya bago n'ya ininda yung sakit. "Aa-ouch"

"E kasi kuya, nalaman ko kanina na may kambal pala si Bray." sagot ni Roni na medyo natatawa pa dahil sa nasaksihan n'ya si Missy at Yuan.

Napatingin naman ang tatlo kay Roni na halatang nagulat din. "May kambal si Bray?!" tanong ni Junjun, na agad namang sinagot ni Jelai. "Oo nga Junjun, kakasabi lang di ba?" sarkastikong sabi ni Jelai, anong meron sa dalawa na 'to?. "Oo nga pala hehe"

"Paano mo naman nalaman, Roni?" tanong ni Tonsy at agad namang kinwento ni Roni ang bawat detalye sa nangyari kanina

"Kung ganun, bakit hindi natin nakita ang kambal n'ya kahapon?" tanong naman ni Yuan, habang hinihimas ang braso n'yang pinalo ni Missy. "Actually, nalaman ko rin na hindi naman pala si Bray ang nakabanggaan ko, yung kambal n'ya pala." sagot ni Roni.

•••

•••

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Boys Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon