"Bro, gusto mo bang sumama sa'kin sa mall?" tanong ni Borj sa kambal n'yang nakahiga lang sa sala. "Kasama si Roni" dagdag pa nito.
"Ayoko, kayo nalang." sagot ni Bray na halatang walang pake.
"Sige, alis na 'ko." pagpapaalam ni Borj sa kambal n'ya. "'Ge, enjoy kayo." sarkastikong sabi ni Bray.
•••
•••
"Umm Borj, bakit ka nga pala nagpasama sa'kin dito? Buti nalang pinayagan ako ni mommy at daddy pero basta saglit lang tayo." sabi ni Roni kay Borj habang naglalakad sila sa mall. "Saglit lang naman tayo, may bibilin lang akong gift." sabi naman ni Borj at ngumiti kay Roni.
"Roni, satingin mo ba anong gift ang gusto ng girls?" tanong ni Borj, nagtaka naman si Roni sa tanong n'ya. "Huh? Bakit mo naman natanong?" tanong ni Roni.
"There's this girl, and I want to give her something. I want it to be special since I'll give it once I've told her what I've wanted to say for a long time. I like her, Roni."
sagot ni Borj, na ikina-lungkot ni Roni, hindi n'ya alam kung ano bang dapat n'yang maramdaman lalo na't nalaman n'yang may gusto na si Borj na babae.
"Roni, can you help me come up with the perfect gift for her?" tanong ni Borj kay Roni na hindi makatingin sakan'ya. "Oo naman." maikling sagot ni Roni at pilit na ngumiti.
•••
•••
"Do you think magugustuhan n'ya 'to?" tanong ni Borj habang pinapakita ang box ng bracelet na hawak n'ya kay Roni. "Sure, magugustuhan n'ya 'yan." sagot naman ni Roni.
"You think? I hope so." nakangiting pinagmamasdan ni Borj ang bracelet, tumango naman si Roni sa tanong ni Borj. "Kahit ano namang gift ang ibigay mo sa babae ay maa-appreciate n'ya ito." sabi ni Roni.
•••
BINABASA MO ANG
The Boys Next Door
Fanfictiona filo boni au, wherein twins from another country arrived in Roni's village, causing confusion in her heart.