"Bray, ikaw ba?" "Ikaw ba si B?" mga tanong ni Roni, halos ilang segundo rin s'yang tinitigan lang ni Bray.
"Bray, please.. Ikaw ba?" tanong ulit ni Bray, tiningnan ni Bray ang bulaklak na hawak n'ya at tumingin kay Roni.
"Roni, hindi ako si B." mahinang sagot ni Bray. Hindi alam ni Roni kung dapat ba s'yang ma-disappoint sa sagot ni Bray na hindi s'ya si B.
"Kung ganun, kanino mo ibibigay 'yan? At bakit araw-araw ka pumupunta dito at kinwento mo pa ako kay Tita Grace? Bray, please lang. Nagsasabi ka ba ng totoo?" mga tanong ni Roni, ngumiti ng tipid si Bray.
"Kasi ano, Roni." nagdadalawang isip si Bray kung dapat n'ya na bang aminin. "Ano, Bray?"
•••
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
"Si B, si B-Borj..Uh ano, s-sya S'ya nga, si B." utal-utal na sabi ni Bray.
"Si Borj?" pagtatakang tanong ni Roni dahil n'ya may ibang gusto si Borj, tumango lang si Bray. "Ako bumibili pero sakan'ya galing lahat 'yun, since nangako ako na tutulungan ko s'ya." "Kagaya ng dati, mo na naman ako." sabi ni Bray.
"Pero paano n'ya ako nagustuhan? Kelan pa? At bakit?" maraming tanong ni Roni na hindi alam ni Bray kung paano sagutin.
"Matagal ka na n'yang gusto. And satingin ko, s'ya ang dapat magsabi sa'yo ng mga sagot sa tanong mo. But Roni, please 'wag mo sabihin kay Borj na alam mo na." sabi ni Borj at tumango nalang si Roni na nagulat din sa mga nalaman n'ya.
Tumalikod si Bray, "Roni, una na ako. Ingat ka pauwi." sabi n'ya kay Roni at napabuntong hininga. Hindi n'ya alam kung tama bang sinabi n'ya ito. Agad namang s'yang lumabas sa shop at naiwan nga si Roni na hindi pa rin makapaniwala.