09

92 3 0
                                    

Halos dalawang taon na ang nakakaraan simula nung nangyari ang confession ni Bray kay Roni, nung nalaman n'ya na si Bray si B. And hindi s'ya nagsisi na nireject n'ya si Bray kasi sobrang saya n'ya ngayon sa boyfriend n'ya, si Borj. Yes! sila na, 7months ago. Nanligaw s'ya kay Roni for 1yr, s'yempre nagpaalam muna s'ya kila Tito Charlie at pumayag naman sila kasi alam naman nilang mabuting bata si Borj at hindi n'ya papabayaan si Roni. About naman sa kambal, naging okay din sila nung araw na nangyari ang away nila and Roni won't let them fight just because of her. Sinabihan ni Roni si Borj na intindihin muna n'ya ang side ni Bray, and sinunod n'ya naman ito.

Hinihintay ni Roni si Borj ngayon, kasi 7th monthsary nila ngayon. Medyo naiinis na s'ya kasi kanina pa s'ya naghihintay, sabi ni Borj na papunta na s'ya pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Nasaan na ba 'yon? Ayaw naman sagutin ang phone n'ya.

Habang nag hihintay si Roni kay Borj ay napagdesisyonan n'yang mag-ayos nalang muna ng kwarto. Habang nag-aayos s'ya ay biglang nahulog ang lipstick at gumulong ito sa ilalim ng higaan. Agad naman s'yang yumuko para kunin ito. Dahil madilim, kinapa- kapa n'ya lang ang sahig pero hindi n'ya pa rin maramdaman ang lipstick na nahulog. Kinuha ni Roni ang phone n'ya at agad na binuksan ang flashlight. Nang tinapat n'ya ang phone sa ilalim ng higaan ay bumungad ang isang box na nakabalot pa sa gift wrap na halatang hindi pa nabubuksan, ito ay nababalot na ng alikabok. Natuon ang atensyon ni Roni sa regalo at kinuha ito. Pinagpag n'ya ang alikabok nito at napansin ang letter na nakadikit "Just open this once I've left, okay? Happy Birthday Roni. From B- ray."

Ngayon n'ya lang naalala ang gift na ito na galing ni Bray, halata naman at hindi n'ya naopen pa ito. Dalawang birthday na ni Roni ang lumipas, pero ngayon n'ya lang ito mabubuksan. Ngayon naman siguro ay p'wede n'ya na buksan dahil halos 2 taon naman na wala si Bray. Pero nagtataka si Roni, bakit gusto ni Bray na buksan n'ya lang ito kung kelan nakaalis na s'ya? Just open it, Roni. Para hindi kana mag-overthink d'yan, sabi ni Roni sa sarili n'ya. Tinanggal n'ya ang notes at nilagay sa study table, agad na pinunit ni Roni ang wrapper at binuksan ang box. Bumungad ang isang red box na may note ulit na nakadikit dito, kinuha n'ya ang letter at binasa ito.

"Yey! You've finally opened it. I overheard when we were at the mall that you wanted this, but you didn't have enough money to buy it, so I decided to save up and get it. Ibibigay ko sana sa'yo 'to kapag nagconfess na ako pero wala na palang chance at hindi ko na nabigay ito sa'yo, ayoko namang ibigay ito sa iba or ikeep dahil pinag-ipunan ko naman talaga ito para sa'yo, sa'yo lang talaga. Ngayon, I decided na ibigay na ito sa'yo once na nakaalis na ako. I hope you like it."

Pagkatapos basahin ni Roni ang letter ay binuksan n'ya ang lid nung box at nakita ang kumikinang na necklace. Nagulat si Roni dahil sobrang mahal nito nung huling beses n'ya itong nakita sa mall, gusto n'ya 'yung necklace pero wala s'yang balak bilhin dati kasi sobrang mahal nito. Parang nagbayad na s'ya ng tuition, kung bibilhin n'ya ito. Tinanggal ni Roni sa box ang necklace at pinagmasdan ito. "I don't deserve this from you, Bray." sabi ni Roni habang tinitingnan ang necklace.

Napatingin si Roni sa box at napansin ang puting papel na nakatupi sa loob. Binaba n'ya ang necklace at kinuha ang papel. Binuksan n'ya ito at nabasa ang mga nakasulat dito. Sobrang hindi n'ya ito ineexpect na galing ito kay Bray, at ngayon n'ya lang ito nabasa. Her reaction is very late, considering that Bray gave this to him 2 years ago, and ngayon n'ya lang talaga ito nabuksan. Kung hindi pa nahulog ang lipstick ay baka never n'ya na ito mabuksan.

"Dear Roni. I hope this message find you in good health and high spirits. Today, my heart is a mix of memories, acceptance and resolution as I write these words. Our journey, marked by friendship and unspoken emotions, has brought me to a point of understanding and growth."

"When I first saw you, I felt something different na para bang first time ko lang itong naramdaman sa buhay ko. With every glance into your eyes, I truly felt sparks. The moments we shared- laughter, conversations are etched in - my heart. You are a special person to me, and I am grateful for the moments we had. But now, I am ready to tell you that whenever I see you and your eyes, I no longer feel anything. The sparks are gone."

The Boys Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon