Araw ng sabado ngayon, at nagre-ready na ang lahat para manuod ng liga nila Borj. S'yempre, excited ang lahat pero si Bray medyo malungkot kasi gusto n'ya talaga maglaro pero bawal pa talaga. Kumpleto ang barkada ngayon para manuod.
"Goodluck, guys! Kayang-kaya n'yo 'yan!" sabi ni Missy habang naka-thumbs up. "Missy, wala bang goodluck kiss d'yan?" pagbibirong sabi ni Yuan habang nilalapit ang pisngi n'ya kay Missy. "Ayan, kiss mo." sabi ni Missy nang sinampal nang mahina ang pisngi ni Yuan.
"Paano naman ako, Jelai? Wala bang goodluck d'yan?" tanong ni Junjun habang naka-pout, napa-ngiti naman si Jelai. "Goodluck, Junjun! Cheer kita mamaya." sabi ni Jelai, at abot tenga naman ang ngiti ni Junjun.
Nagkatinginan naman si Roni at Borj, "Goodluck pala, Borj." naka-ngiting sabi ni Roni. "Thank you, Roni." sabi naman ni Borj na halatang desididong manalo.
Napansin naman ni Bray ang tinginan ng dalawa, at agad nalang s'yang umiwas ng tingin para hindi sila makita. Nasasaktan pa rin s'ya pero wala na s'yang magagawa pa. Kailangan n'ya nalang maghintay na mawala ang feelings n'ya at magtiis. Ngumiti nalang at maging masaya para sa kambal n'ya.
"Sasakit n'yo sa mata, paano naman ako na walang goodluck?" pagbibiro ni Tonsy na nakapagpatawa sa barkada. Imbis na malungkot si Bray ay sinakyan nalang n'ya ang pagbibiro ni Tonsy.
"Goodluck my bebeboy Tonsy, may kiss ka sakin later." pagbibirong sabi ni Bray na boses babae pa, sabay kindat at kumapit pa sa braso ni Tonsy. Ganito na talaga si Bray, gusto n'ya nalang maging masaya at magpatawa. He's Brandon Jimenez, the happy pill of the group.
•••
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
•••
"Oh Roni, bakit parang kinakabahan ka?" tanong ni Jelai kay Roni na parang hindi mapakali kakatingin sa basketball court. "S'yempre, e baka kung ano na naman mangyari. Sana lang manalo sila." sabi ni Roni. "Roni, 'wag kana kabahan d'yan. Sure ako, mananalo sila." sabi naman ni Missy at napatango nalang si Roni.
Nagsimula na nga ang laro, todo cheer naman ang barkada kay Borj, Yuan, Junjun at Tonsy. Halos mapaos na rin sila kakasigaw. Samantalang si Bray, tahimik lang nanunuod ng laban.
Huling set na ng game, dikit na ang laban, kaya mas lumalakas ang cheer nung lahat.
"Go Borj!!!" malakas na sigaw ni Roni na halos nakapagpatigil sa lahat. Napalingon naman si Borj sa pwesto ni Roni at napangiti. Dahil dito desididong manalo si Borj.
Sunod-sunod ang points na galing kay Borj, kaya lamang ang team nila Yuan.
Last 2 points para manalo ang team nila Borj. Na kay Yuan ang bola at agad n'yang pinasa kay Borj na malapit sa ring. Hanggang sa shinoot na ni Borj ang bola, napatigil ang saglit ang lahat kasi ito na ang chance para manalo ang team nila. Agad na nag layup si Borj at saktong pumasok ang bola, na nakapagbigay panalo sa team.