chapter 1- fear is going on..

453 11 0
                                    

Chapter 1-the fear is going on

MARK’S POV

            Dalawang linggo na ang nakaraan buhat ng mga pangyayari, araw araw nakokonsensya ako, dahil pumatay kami ng inosenteng babae, alam naming buhay pa iyon dahil bago namin sya inihulog sa tulay pinulsuhan ko pa nga sya, pumipitik pa ang pulso nya, buhay pa ito.

            Pero ayaw naming makulong kaya itinapon namin sa ilog ang babae.

            Napapikit ako sa naiisip ko. Binuksan ko na lang ang tv dahil kami lang dalawa ng kapatid kong si jess ang nandito, natutulog na ito sa kwarto nya, dahil past 7 na, sila mommy umalis sandali dahil may dinaluhan na party, kaya ako lang talaga magisa na nanonood ng tv.

            Laking gulat ko sa balita.

            “may isang babaeng nakita sa tulay, patay, sabi ng ina ng biktima , isang linggo na daw hinahanap ang anak,”

Ani reporter, kinakabahan ako

            “walang awa ang gumawa sa anak..ko..mabait ang anak ko..bakit nyo ginawa kay luisa ito..magbabayad kayo..”hagolhol ng misis, bakas sa mukha nito ang hinagpis na iniinterview ng reporter.

            Kinabahan ako, kaya dali dali kong inioff ang tv dahil takot na takot ako.

            Mula sa pheripheral version ko, may nakita akong babae na dumaan sa likod ko, nakalutang ito sa ere.

            Lalo akong kinakabahan, kasi matatakutin ako.

            “lord..hwag sana”mahina kong dasal na nanginginig. Mabagal ang lutang babae, napapikit sya dahil sa takot.

            Nagulat ako ng marinig ang celpon ko na tumunog  na nakalagay sa bulsa ko. Dahan dahan kong binuka ang mga mata ko at nagpalinga linga ako. Pero walang tao sa loob ng bahay, mag isa lang ako.

            Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang celpon. Pagtingin ko sa caller si chris pala ang tumawag.

CHRIS POV

                Nanood kami ng pamilya ko ng tv, may update news, “may isang babaeng nakita sa tulay, patay, sabi ng ina ng biktima , isang linggo na daw hinahanap ang anak,”

Ani reporter, kinakabahan ako

            “walang awa ang gumawa sa anak..ko..mabait ang anak ko..bakit nyo ginawa kay luisa ito..magbabayad kayo..”hagolhol ng misis, bakas sa mukha nito ang hinagpis na iniinterview ng reporter.

            Napalunok ako, dahil iyan ang babaeng tinapon naman sa tulay isang linggo na ang nakararaan.

            “hahai..walang hiya talaga ang gumawa nyan..tsk..tsk..tsk”napailing na sabi ng daddy ko.

            “oo..nga..sana hatulan iyan ng kamatayan,,diba kuya?”tanong sa kin ni ruth, kapatid ko.

            Napalunok ako ulit dahil sa kaba, hindi ko alam kong ano ang isasagot .

            “e..excuse me..”sabi ko nalang,,at pumunta sa kwarto ko.

            “anong nangyari doon”narinig kong tanong ni ruth. Pero binalewala ko lang kasi natatakot na ako.

            Pagdating ko sa kwarto, dali dali kong kinuntak si mark.

            “hello..mark..nakita mo ba ang news..”sabi ko.kinakabahan ako.

THE REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon