3rd person pov
Hindi pumasok si may sa school dahil pagod sya at isa pa hindi pa naman finals.
Tambay lang sya ngayon sa kwarto, nanood sya ng dvd sa kwarto nya.
Nang may kumatok sa kwarto nya.
“shit,sino ba iyan,”napakamot sya ng ulo dahil sa inis at binuksan nya ang pinto.
Nabungaran nya ang kanyang mommy sa labas.
“what..?”tanong nya sa mommy nya..
“anak..may bibilhin lang ako, sa mall, huwag kang aallis dito k..” bilin ng mommy niya.
Nagkibit balikat lang sya”k..”
Humalik muna ang mommy niya sa kanya bago umalis.
Napabuntong hininga sya bago inilock ang pinto.
Patuloy sya sa panonood ng movie,nang makaamoy sya na baho ng kandila, kinakabahan sya lalo, lalo pa’t nararamdaman nyang may nakatingin sa kanya mula sa likod nya.
Napalunok sya at dahan dahang tumingin sa likod, wala namang tao, kinakabahan sya at binalik ang mata sa panonood ng tv.
Nagulat sya ng may sumaksak mula sa likuran nya, napatili sya dahil sa sakit, ramdam nya ang mainit na likido na umaagos sa kanya likod.dahan dahan niyang hinablot ang nakatusok sa kanyang likod, sa bawat pag hablot nya bumubuga sya ng dugo sa kanyang bibig. Nang matagal ito, isang bamboo decoration, isa sa mga collection nya.
Tinapon nya ang bamboo decoration sa sahig na puno ng dugo, habang paika ika syang pumunta sa pintuan habang umaagos ang dugo sa sahig galling sa likod nya. Nang hindi sinasadya, nabangga nya ang flower vase nahulog ito at nabasag, hindi pinansin ni may iyon, ang mahalag maligtas sya. Pagdating nya sa pintuan, agad itong sumirado.
“tulong..tulungan nyo ako!”kahit namimilipit sa sakit sumigaw sya , pero walang makaririnig sa kanya.
Nang biglang may humalakhak isang babae, paglingon nya, nakita nya iyong babae na tinapon nila sa tulay. “oh..my god..shit..!”pinihit nya ang door knob pero ayaw pa ding mabukas.. umiyak na sya, halo halo ang emosyon nya, sakit mula sa pagsaksak sa likuran nya, takot dahil sa babaeng nasa likuran nya.
Narinig nya ang mga kalinsing ng mga bubug mula sa flower vase na nabasag nya, napalinga sya, nagulat sya na ang mga bubug ay lumipad patungo sa kanya.
“ahhhhhhhhhhhhhhhhhh..”sigaw nya, dahil ang mga bubug ay isa isang tumutusok sa kanyang mukha, at may isang bubug na humiwa sa leeg nya, duon sya nalagutan ng hininga.
Puno ng dugo ang kwarto ni may.
Joey’s pov
Uwian na namin sa school dahil 4 pm na, sabay kaming magbabarkada lumabas ng school, nakita ko si gwen at lorren parang maayos na ang pagkakaibigan nila. Napatitig ako kay gwen.
Gwen bakit, hanggang ngayon mahal pa rin kita, naisip ko yung sinabi ni chris sa kin kanina, you know bro, I think im falling inluv w/ gwen.paulit ulit na sumisigaw sa kanyang utak.
Mas lalo akong nasaktan sa tuwing maalala ko yun, napabuntong hininga na lang ako.
“ui,bakit absent si may?”tanong ni mitch sa amin.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE
ParanormalThe revenge Walong magbabarkada ang naghang out papuntang tagaytay, habang binabagtas nila ang karsada may nabangga silang isang babae. Dahil sa takot na makulong, itinapon nila ang babae sa tulay kahit buhay pa ito . One week after the incident...