Chapter 7- fear
Mark’s pov
Dahil sa galit ko, hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin si leon dahil kasalanan naman nya eh, kaya nahulog si mitch dahil binitiwan nya.
Wala akong magawa, kundi magalit sa walang hiyang leon na iyon, binitiwan nya ang pinsan nya.
Napasandal ako sa pader ng kwarto ko, kauuwi ko lang galing sa pulis station kasama ang mga barkada ko dahil iniimbistigahan ang pagkamatay nang dalawa.
Mas lalo akong umiyak ng maalala ko nuong sinagot nya ako kanina. Hindi ako makapaniwala na wala na ito. Mahal ko si mitch noun pa, naghintay ako para sa kanya. Nang sinagot nya ako walang humpay ang kaligayahan ko pero nang mawala sya wala ding humpay ang sakit na naramdaman ko.
Hindi ko mapigilan ang mag wala para mawala ang sakit na nararamdaman sa puso ko, halos ang mga gamit sa kwarto ko ay sisirain ko na dahil sa galit ko.
“ahhhhhhhhhhh”napasigaw ako para lang mailabas ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala ni mitch.
Tumunog ang cp ko, alam kong may nagtext, tiningnan ko ito, pagtingin ko text ni gwen.
“NASAAN KANA, MARK ANDITO NA KAMI SA FUNERAL” binalewala ko lang, inihagis ko ang cp ko, at iyon ang dahilan ng pagkabasag nito.
Nakatalungko akong umiyak.
Narinig kong may sumutsot sa kin mula sa bintana, kinakabahan akong tingnan, nilingon ko ito, laking gulat ko ng Makita ang babae na nasa labas ng bintana at matalim ang titig nya sa kin, nahintatakutan ako, di ako makagalaw, at unti unti itong lumapit sakin, napakabilis ng kilos nya,andito na sya saking harapan, di ako makakilos dahil inilapit nya ang mukha sakin, naamoy ko ang naagnas nyang mukha dahil agnas na ito.
Mula sa likod ko may kinuha syang isang matulis na bagay at sinaksak sa tiyan ko.
“ahhhhhh”sigaw ko dahil sa sakit. Tiningnan ko kung anong bagay ito, ang sungay ng usa pala .
Maraming dugo ang umagos mula sa tiyan ko, maging sa aking bibig lumalabas din ang mapupula kong dugo.
At unti unting nawala ang patingin ko.
Gwen’s pov
“kanina ko pa tinext si mark, ayaw magreply” sabi ko sa kanila.
Tawagan mo!”sabi ni chris sakin.
Kinuntak ko si mark pero, cannot be reach ito.
“wala,talaga eh,,cannot be reach!”ako.
Napailing si chris”tsk..saan ba sya nagpupunta,kamamatay lang ng kanyang girlfriend, pambihira”narinig kong sinabi ni chris.
“anong sabi mo,wui chris…hayaan na lang natin yun, alam natin na nagdadalamhati iyon sa pagkamatay ni mitch..puntahan nalang natin mamaya.”sabi ko sa kanya.
“k.nagkibit balikat sya.
Agad kaming pumasok , lima sa funeral.
BINABASA MO ANG
THE REVENGE
ParanormalThe revenge Walong magbabarkada ang naghang out papuntang tagaytay, habang binabagtas nila ang karsada may nabangga silang isang babae. Dahil sa takot na makulong, itinapon nila ang babae sa tulay kahit buhay pa ito . One week after the incident...