chapter 4- broken hearted

227 7 0
                                    

Gwen’s pov

                Nakauwi na ako sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto ko, nadatnan ko si mommy nanonood ng tv sa salas. Parang napansin nya na malungkot ako.

                “anak, k ka lang? parang hindi maipinta yang mukha mo huh..?”pansin ni mommy sa akin, hindi ko na lang pinansin at umakyat na lang ako sa kwarto.

                Pagdating ko sa kwarto, diretso ako sa kama ko, hindi ko mapigalan ang lumuha.

                Bakit hanggang ngayon mahal ko pa si joey,?hindi mawawala sa isipan ko ang mga nangyari.

--flashback—

                Gabi na, hindi pa rin ako umuuwi sa amin, nagkukulitan  pa kami ni joey sa park,im happy na nakilala ko sya, dahil mahal na mahal ko sya.

                Nang may nagtext sa kanya cellphone.

                Gustong kong tingnan ang  nagtext sa kanya, pero ayaw nyang patingnan, nag aagawan pa kami ng cellphone nya, para kaming mga bata na nag aagawan ng cellphone nya sa park.

                Nang makuha ko ito, kaya pala ayaw nyang patingnan dahil ito ang text”HI..BEBZ,,I MISS YOU,,,” ang sakit para sa kin, napaluha ako, hindi ko napigilan ang sarili ko nasampal ko sya ang sakit eh, minahal ko sya pagkatapos may 3rd party pala.

                Nabigla sya sa ginawa ko ,hindi sya makapagsalita.

                Umalis na ako sa harapan niya.

                “bebz..mag usap tayo.hindi ko kilala ang nagtext sa kin..”hinahabol nya ako, para mag explain.

                isang sampal na naman ang dumapo mula sa mga pisngi ni joey.

                “hindi kilala??bakit joey..huh, kung hindi mo kilala ang babaeng yun,,sino yun?”napalakas ang boses ko dahil ang sakit eh, ang sakit sakit para sa akin na may 3rd party sa relasyon namin.

                “hindi ko kilala iyon..maniwala ka naman sakin..mahal kita..walang 3rd party ang namamagitan sa atin?”pagmamakaawa ni joey sa akin, pero hindi pa din ako natinag sa mga awa nya.

                Tumawa ako ng mapakla pagkatapos nagsalita.” Mahal,?sorry hindi ko na alam ang salitang iyan,,im sorry joey, but its over!”masakit man ang desisyon ko, pero ayaw ko ng magpakatanga.

                Tumalikod na ako para umalis, hinabol nya ako. umiyak sya, naawa ako sa kanya gusto kong bawiin ang mga sinasabi ko pero huli na nasabi ko na, masakit sa kalooban ko ang desisyon na walang kasiguraduhan.

                Pagdating ko sa bahay, dumiretso na ako sa kwarto, at dumapa sa kama ko, umiyak ako ng sobra dahil nagsisi ako kung bakit ko iyon nasabi, napakaselosa ko kasi, paano kung na wrong send lang iyong babae sa kanya, oh god.

                Tumunog ang cp ko, may nagtext si lorren ang best friend ko sabi nya, andun daw si joey sa park.

                Babalikan ko si joey at mag aapologize ako.

                Dali dali akong lumabas sa kwarto ko at tinungo ang kotse ko at pina arangkada.

                Pagdating ko sa park laking gulat ko nakita ko si lorren at si joey nagyakapan, hindi ko malaman ang nararamdaman ko. may tiwala ako kay lorren pero ngayon parang wala na akong tiwala sa lahat ng tao.

THE REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon