chapter 9 - run for your safety

164 4 1
                                    

Chris pov..

                Napadpad kami sa di pamilyar na lugar, isang masukal na gubat ang napuntahan namin, nagtaka ako bakit ditto, diba ang sabi ni tandang maria na babalik daw kami sa simula, hindi naman pamilyar sa amin itong lugar na ito, nagkatinginan kami ng makahulugan at may katanungan???

                Napansin namin may dumaan na babae sa di kakayuan, sinundan namin ang babae dahil baka alam nya ang palabas sa masukal na kagubatang ito.

                Parang napansin kami ng babae, dahil lakad takbo ang ginawa nya, parang nagmamadali at takot na takot.

                Pagdating namin sa nilabasan ng babae,nagulat kami ng Makita ko si leon na nagdadrive at sasagasaan ang babae, nasindak kami sa nakita, ang sarili namin nakikita namin.

                Dahil sa takot ni lorren na masagasaan ang babae, tinulak nya ito.

                “hwaagggggggggggggg”sigaw ni lorren.

                Bogshhhh.

                Nanginignig kami sa takot ni gwen at ni leon dahil sa nasaksihan naming ito.

                Nakita namin na nakahandusay si lorren sa karsada duguan ito. Parang nilinlang lang kami nito, dahil sana iyong babae ang masagasaan at hindi si lorren. nangyari na ito noon, ganun din ang dalawa si leon at si gwen, nanginginig sa takot sa nasaksihan.

Gwen’s pov..

                Nagulantang kami sa nasaksihan isang malaking paglinlang ang ginawa ng babae sa amin, naalala nya ang sinabi ng matanda bago ito mamatay.

 “pero bilin ko lang sa inyo, medyo dilikado ito..wag kayong magpadala sa lahat ng nangyari dahil baka isa sa inyo ang mahulog sa patalim”..

                “Si lorren.. si lorren ang nagpadala sa mga pangyayari” nasambit ko.

                “what are you talking about gwen?”natakot na din si leon.

                “naalala nyo noong sinabi ni tandang maria sa atin na hindi tayo magpadala sa pangyayari dahil isa sa atin ang mamamatay.”sabi ko.

                Natahimik ang dalawa.

                Narinig namin sa di kalayuan na nag aaway na nga si leon at si joey, naguguluhan parin kami sa nangyari sa amin, dahil nakita namin ang sarili namin, napaluha ako, dahil sa awa ng bestfriend ko. Ganun din sila leon at chris, napaluha na din dahil sa takot.

                “no..nahihibang ka naba joey,,ha!”narinig naming ng sinabi ni leon kay joey.

                “wala na tayong choice,,atsaka ikaw naman ang may kasalanan nito huh,,dahil hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo” leon

            Nagsuntukan silang dalawa, parang nanonood lang kami ng pelikula dahil alam namin na nangyari na ito.

            “tama..na..ano ba kayo..huh,imbes  na magtulungan tayo paano ito malulutas,,nagaaway pa kayo.” mitch

            “may punto si joey,,itapon natin sa tulay ang babaeng iyan.”ako

Pagkaraan ng ilang minute, nagimbal kami dahil pinagtutulungan na nilang akayin ang katawan ni lorren, at itinapon sa ilog.

“no..hindi dapat..sya”napaiyak nalang ako dahil sa awa kay lorren..

Niyakap ako ni chris, ganun din sya nadama ko din ang awa nya.

Nang makaalis na ang mga sarili namin, agad kaming tumakbo patungong tulay.

“lorrrrrrrrrrreeeeeennnnnnn” sigaw ko na tumutulo ang luha, ganun din sila.

Napasipa si leon sa simento.

“shit..hindi sana nagyari ito”humagulhol si leon, niyakap ako ni chris para mawala ang sama ng loob ko. Dahil sa yakap ding iyon nagging komportable ako.

“enough na..gwen”pagpatahan ni chris sa kin pero di parin ako tumigil sa pag iyak.

“wala na si lorren, chris!”sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Nagulantang kami dahil mula sa kinarorounan namin narinig namin na bumubula ang tubig sa baba ng tulay, napatingin kami, at biglang lumabas ang babae at hawak hawak nya si lorren. Nakalutang sila sa ere, si lorren ay lupaypay na at basang basa bunga sa pagkahulog sa tulay.

“lorreeen”sigaw ko sa best friend ko.

Ang babae naman nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa amin, pagkaraan tumawa ito ng mala demonyong pagtawa at idiniin ang pagkahawak sa kaliwang dibdib ni lorren.

“ahhhhhhhhhhhhhhhhhh..”sigaw ni lorren, ramdam namin ang sakit na naranasan nya.

Nakita namin na umaagos na ang dugo bunga ng pagdiin ng babae sa dibdib ni lorren. At hanggang makuha na nito ang puso ni lorren. Napaigtad si lorren at pagkaraan nawalan ng buhay, inihulog ng babae ang walang buhay na katawan ni lorren, at humalakhak.

Inihagis sa amin ang puso ni lorren natapunan pa si leon na ngayon ay hysterical na dahil sa takot,

Takot na takot kami, nanginginig kami sa takot, dahil hindi tao ang kalaban namin kundi isang demonyo.

“TAKBO, PARA SA KALIGTASAN NYO, BUMANGON AKO SA HUKAY PARA MAGHIGANTE SA INYO!!!HAHAHAHAHA”  nanginig ang buong katawan namin dahil sa sinabi ng babae.

Takot na takot kaming tumayo at tumakbo, pero kahit anong lakas naming tumakbo ay maabotan rin nya kami dahil espirito sya, umiyak nalang ako sa takot at tumakbo, ito na siguro ang lakas na pagtakbo ko sa buong buhay ko.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry tagal kong magupdate, sowe sa paghihintay..hahahahaha..

senxia kung medyo sabaw ang istorya..hahaha

tnx sa mga readers ng the revenge..heehehe

plz vote and comment

THE REVENGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon