Prologue

52 3 1
                                    

"I LOVE YOU!" naiinis kong sigaw sa letseng lalaking na sa harapan ko, pero parang wala siyang narinig at pinagpatuloy pa rin ang pagbabasa niya.



"Ano ba?! Kanina pa ko salita ng salita dito di mo ko pinapansin!" nilingon niya ako saglit.


Akala ko ay magsasalita na siya pero ibinalik niya lang ulit ang tingin niya sa binabasa niya.

Parang gusto ng pumutok ng mga ugat ko sa noo at batok sa sobrang pagkakainis ko.


Wala sa tanang buhay ko na dinedma ako ng kahit na sino!


Kinuha ko yung bag ko sa lamesa ko at hinampas sakanya, nagulat man ako sa bigla niyang pagtayo ay hindi ako nagpatinag at pinatili ko ang aking postura.

"What the f---Ano ba Courts! Hindi mo kailangan manghampas!"

"E bakit di mo ko pinapansin" naniningkit na mata na sabi ko sakanya.

Bumuntong hininga siya at umupo ulit. Nang akmang magbababsa ulit siya kinuha ko na yung libro niya.

"Ano ba Dane! Bingi ka ba? Ang sabi ko I love you!"

Bumuntong hininga ulit siya at humarap sakin..

"I heard your clearly okay?"

"E bakit wala ka man lang sinsabi? bakit mo ko dinededma? bakit parang wala lang ako sa harap mo e!" walang pigil hininga kong sabi sakanya. 

Pakiramdam ko ay puno na ng hiya ang buo kong katawan dahil sa pag amin sakanya. Halos inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko, pagkatapos ganito?

Bumuntong hininga ulit siya at tumingin sa malayo saka nagsalita.

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

Parang recorder sa utak ko ang sinabi niya..

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

"Ano bang gusto mong isagot ko?"

Kung salamin lang ako?

Pakiramdam ko ay unti unti nababasag ang bawat parte ko.


Nasasaktan ako.

Bakit ganito! Mali ba ako ng pagkakaintindi saming dalawa?

This is not true! Umiinit nanaman ang dugo ko!

"Anong gusto mong isagot sakin?! Bakit sa akin mo tinatanong?" Nakapamewang ako sa harapan niya habang nagha-hyperventilate. 

"Babae ang nagsasabi sayo ng I love you tapos hindi mo alam ang isasagot? Huwag mong sabihin na ngayon lang may nagsabi sayo ng salitang yan? At wag moong sabihin sa akin na hindi mo man lang nararamdaman na gusto kita? Aba! Halos sundan na kita kung saan saan, sinusunod ko ang gusto mo kahit ang ugali ko hindi ako basta namamanduhan! Tapos ikaw? Oh my Gosh! Manhid ka ba?"

Walang hinga hinga ulit na kong litanya sakanya.

Tumayo siya at kinuha ang libro sa mga kamay ko,

Tinitigan niya ako sa mga mata at sinabi ang mga salitang dumurog ulit sa salamin kong pagkatao.







































"Hindi ko nga alam kasi ang isasagot ko."

Pagkasabi niya nun tumalikod na siya sa akin at naglakad palabas ng pinto at iniwan akong nakatulala lang at iniisip kong ano bang problema ng lalaking yon.

















--------------------------------------------------------------------------

***

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon