"Ikaw yung kumuha ng sapatos ko! Leche ka!" Nabuhay ang dugo kong naiinis at naalala ang pag kawala ng sapatos ko na kinuha ng letseng lalaking to!
"WOAH?! What's your freaking problem Miss?"Nakakunot niyang tanong,
Anaknang, Hinampas ko ulit siya."What's my problem? YOU!" sabay turo ko sakanya "YOU are my problem!"
Lalo lang kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
Tinitigan niya ko.
"Look Miss? I really didn't know you okey?"
I can't believe this.!
Napabuntong hininga ako.
"Really? Paris ? Red stilettos?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.
Unti-unting nawala ang kunot ng noo niya at bahagyang itinaas ang sulok ng kanyang labi .
"Sorry Miss, I still can't remember you, sadyang hindi ko lang talaga tinatandaan ang mga bagay na hindi importante"
There he goes. Ang mayabang na accent niya sa pagtatagalog na ginamit niya rin sakin nung una kaming nagkita.
Natawa ako sa sinabi niya.Wow. What a jerk. Grabe speechless ako!
Nagsalita ulit siya.
"But I remember the shoes. Don't tell me you still want to get those shoes? Sorry but you can't"
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya
Yes I'm mad because he stole my shoes but I'm not that cheap para bawiin pa yun sakanya.
Yuck!
Di ako kumukuha ng second hand.
"No! why would i? sayo na yun! Jerk!"Sumeryoso ang expression niya. "Then why are acting like that? Nilapitan mo pa ko para lang sa sapatos na wala ka naman palang balak kuhanin?"
Napaisip ako. Bakit nga ba? Is it my ego? Lumapit siya at itinaas nanaman ang gilid ng labi niya.
"Don't tell me you like me from the very first time that we saw each other? Nagpapansin kalang ata"
Lumayo siya ng bahagya sa akin.
Ako? Magpapansin. Oo I admit it! Gwapo siya to the highest Level. Pero ako magpapansin?
Umiling-iling ako at nginitian siya ng plastic.
"First. Di kita gusto! Second hindi ako nagpapansin kasi hindi kita gusto! Third kaya kita hinapas dahil binangga mo ko ng papasok ako ng pinto at ng nakita ko ang mukha mo naalala ko yung pagkuha mo ng isa sapinakamagandang sapatos na nakita ko sa entire life ko, pero kung iispin mo na gusto kita? Pwes, sayo na yung sapatos nayun dahil hindin ko kailangan yun! Bakla ka nga siguro talaga!"
Dire-diretso kong sabi sakanya.
He chuckled.
"You still insist it that I'm gay and I'm very disappointed of your accusation"
Umiling-iling pa siya.Inirapan ko siya at humalukipkip.
"Yeah Right! Why? Am I wrong Mr? You don't look like one but the shoes? malay ko ba bakamapagpanggap ka lang, alam mo na sa panahon ngayon" Ngumiti pa ko sakanya ng plastic.
Seryoso nanaman ang mukha niya at lumapit sa akin, napaatras ako lalo na nung ni-level niya ang mukha niya sa mukha ko, mas lalo kong napatunayan na gwapo siya at ang mata niya ang isa sa pinakamagandang tanawin na nakita ko sa buong buhay ko.
"Judgemental, You are very Judgemental. You want me to prove to you that im not what you think I am?"
At mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang mata ko, maduduling na ata ako sa sobrang lapit niya.
Napapitlag ako ng may biglang nagsalita ng malakas pero hindi ko yun maharap dahil napako ang tingin ko sa mga mata ng gwapong kaharap ko.
"Ahhhh Mga ate at kuya! Kung gusto niyong maghalikan wag sa Faculty room! Ang sikip na nga rito pakalat-kalat pa kayo!"
Humiwalay siya sa akin at bahagyang nilingon ang nagsalita at humarap ulit sa akin. At walang Sali-salitang umalis.
Napakurap-kurap ako.
"Ay te? Suplado bofriend mo?"
Nilingon ko ang babaeng nagsalita na siya ring nanggulo sa titigan moment naming na lalaking iniwan nalang ako bigla.
Tinaasan ko siya ng kilay "He's not my boyfriend" at pagkatapos nun ay tinalikuran ko na siya.
Narinig ko pa siyang nagsalita "Ay! Suplada rin! Bagay nga sila"
Napairap ako sa kawalan."I think you like him!" Nakangiting sabi sa akin ni Ania at niyugyug pa ako, Tinitigan ko siya at kinunutan ng noo.
"Hindi ah! Ayoko sa mayayabang"
"Sus! Ayaw raw. I know you Courtney, hindi ka basta-basta na eexert ng effort sa mga taong di mo naman gusto, especially lalaki"
Tinutusok tusok pa niya ang tagiliran ko habang sinasabi yun.
"Ano ba?Hindi ko naman siya binibigyan ng effort ah?"
"Talaga? E yung awayin mo siya kahit nagmamadali ka na, hindi pa ba effort yun? at nakita ko ang kinang sa mata mo habang kinekwento siya"
Yeah!
Dahil sa pakikipagsagupa ko sa lalaking masungit na yun hindi ko na tuloy naabutan yung isa naming Professor kaya hindi pa ako tapos sa mga requirements ko.
"Masyado kang time conscious at hindi dapat nasasayang ang oras mo sa mga walang kwentang bagay, and I think that he is important to waste your precious time" Sabay kindat pa niya sa akin.
"Hindi rin"tanging nasagot ko lang sa pangaasar ni Ania.
Siguro nga gwapo siya at may pagka mesterious type ang dating dahil sa mga mata niya at sa yabang ng pagsasalita niya.
But the fact that 'I like Him?' it's unbelieveable.
Napapitlag ako ng bigalng may uumakbay sa akin. Nilingon ko yun at kitang kita ang mapuputing ngipin ni James dahil sobra ang pagkangisi niya sa akin. Inirapan ko lang siya.
"Ang sungit naman ng Prinsesa ko"
Sabay kurot sa pisngi ko.Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay "Yuck! Di moko prinsesa" Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya at lumayo sa kanya. Tumawa lang siya
"Kahit kailan talaga. Ang ilap-ilap mo sakin, ang dami ngangnaghahabol sa akin e"
"E di dun ka sakanila because I don't like you" Kibit-balikat kong sabi sakanya.
Humagikgik si Ania at lumukot naman ang mukha ni James.
Bakit? I'm just telling the truth. Simula palang naging malinaw na sa aming dalawa ng walang mapupuntahan yung pagkagusto niya sa akin dahil wala nga kong nararamdaman para sakanya, pero siya tong makulit at pinagpipilitan ang gusto niya.
"Kuya may nagugustuhan na kasi si Courtney!"
Pinandilatan ko si Ania at hinampas. Pero tumawa lang siya.
"I told you! I don't like him!"
Napatingin sakin si James "Really?"
"Hindi. Wala yun, wag kang maniwala sa kapatid mong malakas ang tama"
"Sus! Sakin ka maniwala kuya. May nagugustuhan nayan. May Karibal kana!"
Nakakunot ang noo niya. "Matagal na kong maraming karibal, pero tignan mo wala sila lahat! Kaya yung sinasabi mong nagugutuhan mo Courtney! Wala yan!"
Napailing nalang ako sa sinabi niya.