Chapter 4

11 0 0
                                    

"No his not my type" umiiling-iling ko pang sabi sa tatlong makulit na babae sa harapan ko.

"WEH?! E bakit ka kinikilig habang kinikwento siya?" nakangising sabi ni Grey na itinapat pa ang muka at kitang kita ko ang bilog na bilog niyang mga mata.

"Hindi ako kinikilig. Bakit? Nakita mo ba kong nangingisay habang nagkekwento sayo?"natatawa kong sabi sakanya.

"Hindi pero malapit na" Nakataas na kilay niyang sabi.

Tumawa pa ko lalo, kahit kalian talaga tong babaeng to.

"Hindi ako kinikilig okey?Bakit ba pati kayo pinagpipilitan niyong gusto ko yun? Tama na nga ako. Puro ako! Kamusta kayo kanina bakit ang aga niyong nagsi-uwi?" Pag-iiba ko ng tanong sa kanila, alam kong kukulitin lang ako ng mga to kaya mas mabuti pang ibahin ang usapan.

" ewan ko sa dalawang to. Maagang natapos yung enrollment mo kaya umuwi na ko, ang init kaya" Sabi ni Miyisha habang naglilinis ng kuko.

"Magkikita dapat kami ni Kane pero may lakad daw siya e, kaya umuwi nalang din ako"Kibit-balikat na sabi ni Shey.

"Enroll nako. Pupunta dapat ako sa bahay ng mahal ko kaya lang sabi niya sawa na daw siya sa kagandahan ko kaya umuwi nalang ako" Kumukindat kindat pang sabi ni Grey.

"Ahhh. So ? Bar tayo?" pag-aaya ko sa kanila.

"10 na kaya, tsaka may pasok ka pa ng maaga bukas diba?" Tanong  ni Shey habang papunta sa kusina.

"Kaya nga, ako palang ang may pasok bukas sating 4, I want to enjoy the rest of the night bago man lang magkumahog ako pag pumasok nanaman" Nakakunot noo kong sabi sakanila, sigurado nanaman akong di nanaman kami madalas makapg liwaliw kahit na magkakasama lang naman kami sa isang bahay paniguradong magiging kaunting oras parin ang magkakaroon kami para makapagsaya ulit.

"And I want to have fun with you guys, hindi nanaman tayo madalas makakapagbonding nyan"

"Awwwwwwwww! How sweet. Pakiss nga"Natatawang sinabi ni Grey habang papalapit ang nguso niya sakin, hinarangan ko yun ng una. Ngumuso siya lalo na ikinatawa namin.

"Alam mo naman di sanay sa kasweetan yang kaibigan natin" Natatawang sabi ni Miyisha.

Umirap ako. "Alam niyo namang di ako sanay, Basta alam niyong mahal ko kayo tama na yun haaaa?!"

"Asus! E pano pala kung yung sinasabi mong True Love mo na yung lumambing sayo? May kiss and Hug pa!" With Re-enachment pang sabi Grey. May kiss sa kawalan at niyayakap ang sarili.

"E di sasapakin niya With flying Punch and Flying Kick" Sabay ng malakas na tawa ni Shey na may dalang malaking mangkok ng Chips.

Nagsalubong ang kilay ko at Binato sila na una. Anong akala nila sakin? Minsan nagdududa na ko kung Mahal ba talaga ko ng mga to e. Lalakas mang-asar!

"Oy!Oy! Courtney! Pare-Parehas lang tayo malakas mang-asar sa isa't-isa minsan nga mas matindi pa yung iyo e, Alam ko ang iniiisp mo!" Sabi ni Miyisha sabay tapon ng unan na ibinato ko sakanya. Nginisihan ko sila.

"Ewan ko sa inyo! Tara na kasi! Umuwi rin tayo ng mga 1! Sige na Pls?"

At syempre sa huli napapayag ko sila!

Ako pa ba? Pumunta kami sa Bar kung san madalas kami tumatambay pag gusto naming Mag-Party , MAgchill o di naman ay Malunod sa kakainom. We're not that alcoholic, may mga pagkakataon lang talaga na madalas naming napagdedesisyunan na pagtripan ang mga sarili namin at na lunudin ang sarili namin sa alak tapos sabay-sabay kaming pipilipit sa sakit ng ulo kinabukasan dahil sa sobrang Hang-over.

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon