Chapter 1

40 3 0
                                    

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

 Napangiti ako 'Ang ganda ko talaga' . I giggled as I said that.

Tumingin ulit ako sa salamin at tinignan ang magandang gown na suot ko. Hapit na hapit ito sa aking katawan kaya kitang kita ang hubog na katawan ko, kulay itim ito at may mahabang slit sa gilid kaya kita na ang itaas ng hita ko .


' Ang sexy ko' I giggled again, pagkatapos kong pagsawaan ang kakatitig sa magandang repleksyon ko sa salamin tinungo ko ang malaking pintuan ng kwarto ko at lumabas, dumiretso ako sa mahabang staircase sa harapan ko.

Ang daming taong naghihintay sakin, dahan dahan akong bumaba ng hagdan. 

Lalo kong na-feel ang paglalakad ko pababa ng may pumailanlang na tugtog. 

I smiled.


Patuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan at sa pinakadulo nun, nakita ko siya.


Nakalahad ang isang kamay niya sa akin, inabot ko iyon at lalo akong napangiti ng halikan niya ito!

Hinila niya ako sakanya, nakiliti ang tenga ko nung bumulong siya.

'You're perfect' iniharap niya ko sakanya at ngumti siya dinala niya ko sa gitna ng dancefloor, napapalibutan kami ng maraming tao at samin nakatuon ang tingin nila.


Isinayaw niya ako. Sa loob loob ko nagtitili na ako sa sobrang kilig!

My True Love!

Nagulat ako ng may biglang humatak sa akin at iniharap ako, mas lalo akong nagulat sa tatlong babaeng nakita ko sa harap ko ngayon na nanlilisik ang mga mata nila.

'A..Anong ginagawa niyo rito?'


Hindi sila nagsalita, mas lalo akong nagulat ng sampalin ako ng babaeng may hawak ng branded na bag 'GAGA KA' sigaw niya.

Di pa nakakahuma ng sampalin naman ako ng babaeng nakasuot ng branded na dress 'GUMISING KA SA KATOTOHANAN!'

Masakit na ang magkabilang pisngi ko ng mas lalo akong nagulat ng sapakin ako straight sa mukha ng babaeng nakasuot ng branded na sapatos ' WALANG FOREVER!'



















"AH!"sigaw ko at Napabalikwas ako ng bangon! Nakarinig ako ng kalabog sa baba ng kama ko.

Tinignan ko yun.


"Courtney naman e!"nakasimangot ang mukha ni Grey habang nakatingin sa akin.

Tinignan ko rin siya ng masama.

"What's wrong with you? Im just trying to wake you up! Di mo ko kailangan itulak!" Galit na sabi niya sakin

Napatingin ako sa sunod na nagsalita. Shey. "We only have 3 days para mamasyal at magshopping, masyadong maikling oras yun para ikutin ang Los Angeles".

Lalong tumalim ang tingin ko sa sunod na nagsalita. Miyisha.

"Right! Masyado kasi kayong nagenjoy sa mga club sa New York kaya kinulang tayo ng araw dito" She smiled at tinignan ako."Kaya get up there at magbihis ka na!"

Lalong tumalim ang tingin ko sa kanilang tatlo. These Brats! My dream! They ruin it!

Agad kong kinuha ang mga unan ko at pinababato sila. Mga panira talaga kayo ng mood! Ang sarap ng tulog ko at perfect na ang panaginip ko!

Nagtitili sila, dahil pati yung mga box ng shoes at paper bag na nasa tabi ko pinagbabato ko sa kanila, ng wala na kong makita yung lampshade naman yung kinuha ko pero bago ko pa maibato sakanila yun tumili ng malakas si Grey. 

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon