Minulat ko ang mga mata ko at kinusot ito pero madilim parin ang nakikita ko, umupo ako at tinignan ang kurtinang nakatakip na ngayon sa bintana, iniwan ko yun kagabi na walang kurtina dahil kita ko ang mga stars kaya masarap matulog pero nakasara na ito ngayon, Si Dane siguro ang may gawa.
Bumangon na ako ng dumiretso sa banyo at nagayos tska ako lumabas, nakita ko si Dane na naglalagay ng dalawang box ng pagkain galing sa microwave.
Kagabi ganun din ang kinain naming, galing sa box na minicrowave. Hindi yata to marunong magluto, ng makita niya ako ay nginitian niya ako at niyayang pinaupo para kumain. Sumunod ako dahil kumakalam na rin ang sikmura ko.
"You didn't know how to cook."
Hindi yun tanong dahil panigurado akong hindi nga siya marunong.
Tumawa siya habang umuupo. "Yeah, Napansin mo pala."
"Sino ba namang hindi? E mula pa kagabi tropa na kayo ni Microwave at mag-brad na kayo ng box ng pagkain nato" sabay turo ko sa box na may laman ng tapsilog.
Lalo lang siyang tumawa sa sinabi ko. Natawa na din ako.
"Sorry. Hindi talaga kasi ako marunong magluto, ito ang madalas kong kainin, minsan sa labas nalang akong kumain" Nahihiya niyang sabi at nagkamot ng batok.
"Okey lang naman, pero para sayo na laging nakain ng ng ganito hindi ito masustansya."
Binuksan ko na ang box at natakam ako sa amoy.
Not bad!
"Pero okey naman ah. Look mukha namang masustansya ito para sakin."
Sabay pakita niya ng muscle niya sa braso. Natawa ako habang ngumunguya. Oo nga, maganda ang katawan ni Dane dahil kita sa hubog nito.
Naggym siguro to.
Hubog palang yan ah? E pano pag nakita po in 3D? Ipinilig ko ang ulo at kumain nalang.
"Ikaw? Maybe you can cook right?"
Nakangisi niyang tanong habang sumusubo ng pagkain. Nakakapanibago ang hindi niya pagsusuplado sakin.
"Oo no! kaya ko lutuin lahat ng masasarap na pagkain! Name it I can cook it!"
Itinaas ko pa ng konti ang tinidor ko.
"So maybe sometimes pwede ko rin matikman ang luto mo?""Uhmmm. Sige, Minsan pag nagluto ako papatiman kita. Baka di ka makamove on pagnatikman mo yung luto ko." Biro ko sakanya.
Nagsalin siya ng tubig sa baso ko at binigay niya ito sakin bago nagsalita.
"e di mas okey kung di ako makamove on, para ipagluto mo pako ng ipagluto."
"Di mo ko magagawang chef mo!"
"Ay! Sayang!" Nagtawanan nalang kaming dalawa.
"Nga pala, sobrang galing mong magtagalog, sino nagturo sayo? Mommy mo? Daddy mo?"
"Uhmm? Si Mommy actually kasi siya yung may Filipino blood, my daddy is half English." Aniya habang mukhang nagiisip.
Natawa ako ng may naisip ako bigla. "Bakit?" kunot noo niyang tanong.
Tumingin ako sakanya at tumawa ulit."Kung titignan ka kasi parang ikaw yung tipong foreigner na magsasalita na 'Mehel ke keye'" Ginaya ko yung mga boses at accent ng mga half-pinoy na nagtatagalog,tumawa ulit ako pero kunot na kunot pa rin ang noo niya.
Uh-oh!
Suplado Mode! Hindi to pwede, nagiging close na kami.
Nginisihan ko siya ang nag peace sign.
"Joke lang! to naman di mabiro."