Papalapit sa akin ang mukhang nagaalalang si Dane at agad ako pinasukob sa payong niya pagkalapit na pagkalapit sa akin.
Tinignan niya ako sa mga mata. Nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ko sa sobrang lamig, hinawakan niya ko sa braso, ramdam ko ang init ng hawak niya.
"You're freezing! What happened?" Nilingon niya ang sasakyan ko sa likuran ko.
"I don't know, bigla nalang nagstop yung engine then ayaw na ulit magstart"
"Come on, dun ka muna sa sasakyan ko, I'll try to check your car, basing basa ka"
Naglakad kami papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan ako ng front seat, hindi ako agad pumasok,.
"Hop in, you're cold"
Nilingon ko siya, nakakahiya basing basa ako.
"Mababasa ko yung loob".
Tangi ko lang nasabi dahil narin sa panginginig ng labi ko. Damn! So cold!
Itinaas niya lang ang gilid ng labi niya at iginaya ako papasok.
"Its okey, kesa naman mamatay ka sa lamig, sige na".
Sinunud ko ang gusto niya at umupo na, pumunta siya sa likod ng kotse niya at pagkabalik ay may dala siyang towel.
"Dry your self, I'll check your engine."
Sabi niya at agad pumunta sa kotse ko, pumasok siya dun at rinig ko na tinatry niyang magstart ito.
Ginamit ko ang tuwalya niya at amoy na amoy ko dun ang pabango niya. Pati sa loob ng kotse niya maamoy mo ang mabangong amoy niya. Kinunot ko ang noo ko habang Pinipunasan ang sarili ko.
Sige pa Courtney! Amoy pa!
Ang linis sa loob ng kotse niya. May mga gamit sa likod pero kitang kita mo kung gano kaayos ito.
Maybe he's OC. I thought.
Maya maya lang ay nakita ko siyang lumabas sa kotse ko at diretso siyang pumunta sa drivers seat. Nakakunot ang noo niya ng lumingon sa akin.
"Nagover heat siguro. Can't start it"
"It's okey! Minalas lang siguro talaga ko. Can I use your phone?"
"Lowbat na ko kanina pa. Saan ka ba nakatira?" pansin ko ang kunot pa rin niyang noo. Naiinis ba siya dahil nakakaabala ako sakanya?
"Makati" ayun lang ang tangi kong nasabi atTinignan ko ang expresyon sa mukha niya at lalong kumunot ang noo niya.
"That's too far from here, kung ihahatid kita ay di na kakayanin ng sasakyan ko dahil paniguradong baha dun"
"Yeah, iknow"
"Ang alam ko ay may Shop dito para magayos ng sasakyan, malapit lang puntahan natin."
Inabot niya ang susi ng sasakyan ko pati na rin ang bag ko at pinaandar niya ang sasakyan niya at pinuntahan namin ang shop na sinasabi niya.
Malapit nga lang. Siya nalang ang lumabas dahil sobrang lakas parin ng ulan. Nahihiya ako dahil naistorbo ko siya, pero natatakot naman akong tumanggi sa tulong nita dahil ayokong maiwan magisa. Delikado.
May kumatok sa bintana ng sasakyan at ibinaba ko ang salamin nito, nakita ko ka agad ang mukha niya ng kunot pa rin ang noo.
"Pinakuha ko ang sasakyan mo, we'll leave it here after, sumama ka muna sakin"
"In your place?"
"Yeah" Ang tangi niyang sagot.
"U-uhm, I can wait my car here to be fixed, pwedeng umalis ka na." Tinaas niya ang kilay niya bago nagsalita.