CHAPTER 17

304 9 0
                                    


CHAPTER 17 


ARAW NG LINGGO at nasa simbahan kaming tatlo ngayon para magsimba. 


I wore a simple baby blue dress and with a pair of white shoes that I bought online and small black shoulder bag. I layered some silver necklace and wore a simple pair of white pearl earrings. I tied my hair into a bun.


"sigurado ka na bang sasabihin mo na kay Logan ang totoo?" tanong ko kay Ian habang palabas kami ng simbahan. Hawak nya ng mahigpit ang kamay ko na para bang ayaw nya akong mawala, habang hawak ko naman sa kabilang kamay ko si Logan. 


Sa totoo lang, hindi ko maalis sa isipan ko ang matakot dahil sa oras na malaman ni Logan na hindi ako ang totoong nanay nya baka hindi nya na ako kailangan, na hindi na nila ako kailangan ni Ian. 


Natatakot ako na dumating ang araw na'yon. 


"Karapatang malaman ni Logan ang totoo, kaya sigurado na ako sa desisyon ko" tumango lang ako at hindi na muling nagsalita pa hanggang sa narating namin ang sasakyan. Inalalayan ko muna maka-akyat si Logan sa backseat ng kotse bago ako pumasok sa nakabukas na pinto ng sasakyan. 


Pupunta kami sa isang sikat na restaurant para makipagkita kay Claire at don sasabihin kay Logan ang lahat. Tahimik ang naging byahe namin papuntang restaurant pero ang kamay ni Ian ay nasa hita ko at pinipisil 'yon na para bang gusto nyang ipahiwatig na "Magiging ayos rin ang lahat" 


NANG MAKARATING kami sa restaurant ay nandoon na agad si Claire na matiyagang naghihintay sa pagdating namin. Ngumite agad sya saka sinalubong kami ng yakap ng makita nya kaming papunta sa table nya. 


"nagugutom ba kayo? Anong gustong kainin o inumin?" bungad nyang tanong samin bago muling tumingin kay Logan. 


" I want fried chicken, chicken curry with a lots of rice and the one that you bought for me, it has a lot of onion on top of it" sagot ni Logan na kumikinang ang mata dahil sa tuwa. 


" okay sige, kayo? May gusto kayong kainin?" ulit nyang tanong samin bago tinatawag ang isang waiter na nakasuot ng puti. 


Tiningnan ko muna ang menu bago umorder pero bigla atang umurong ang dila ko dahil sa mahal ng mga pagkain dito. 


Jusko! Tig- Nine hundred ninety nine (999) ang order ng adobong manok!! Ang mahal-mahal ng adobo nila eh pare-pareho naman ng lasa ng katulad sa karinderya. Atsaka nahiya pa sila, hindi nalang nila ginawang isang libo! 


Sosyal talaga ng mga bituka ng mayayaman, para sa isang kainan lang ay gagastos sila ng sampong libo. 


Narinig ko pang natawa si Claire kaya tiningnan ko sya, mukang napansin nya yata ako na namamahalan sa pagkain dito. Parang gusto ko nalang mag tubig ah! 


"Don't mind the bills Zele, my treat!" nakangiti nyang sabi kaya ngitian ko nalang sya na nauwi sa ngiwi ulit ng tiningnan ko pa ang ibang nasa menu. 

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon