CHAPTER 21
“MA!” Malakas kong sigaw sa tapat ng gate namin kasabay ang malakas na buhos ng ulan na para bang dinadamayan ako sa nararamdaman ko ngayon.
Dala ko lahat ng gamit ko.
“MA!!” sigaw ko pa sabay alog ng gate namin. Maya-maya pa bumukas ang pintuan ng bahay at lumabas si mama at papa na may dalang payong.
“Nakong bata ka, anong ginagawa mo dito?” rinig kong natatarantang boses ni mama habang si papa naman ay binubuksan ang gate.
“alam mo na ngang gabing-gabi na at umuulan pa, bakit pumunta ka pa dito?” boses naman papa at alam kong galit sya.
Napapikit na lamang ako ng marinig ko ang boses nilang dalawa saka tuluyang tumulo na naman ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Pagbukas ng mata ko ay saktong pagbukas nila ng gate.
“Jusko Zelenia, basang basa k--” hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama at bigla ko na lamang syang niyakap. Gusto ko lang ng yakap nya, yakap ng isang Ina ang kailangan ko. Saglit pang natigilan si mama dahil sa pagkabigla nya sa aking pagyakap bago ko naramdaman ang kanyang kamay sa aking likuran na humahaplos-haplos doon.
“ Anong nangyari? Magkwento ka anak‚ makikinig sayo si mama” mas lalo naman akong naiyak sa simpleng salita na iyon. Hinaplos ni papa ang ulo ko sabay hinalikan ako sa noo. Gawain yun ni papa para matahanin ako.
“Pumasok na muna tayo sa loob, doon nalang tayo mag-uusap lumalakas na ang ulan.” tumango ako saka kinuha ang mga dala kong gamit.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay dumiretso kami sa dati kong kwarto
“magpalit ka muna ng damit para hindi ka magkasakit, ako nalang muna ang bahala dito sa mga damit mo siguradong basa ito” umiling ako saka kinuha ang maleta ko sa
“Ma alam ko pong pagod kayo kaya ako nalang ang bahala dito, baba nalang po ako kapag natapos na ako dito” bumuntong hininga si mama atsaka tumango na lamang bago sila umalis.
Wala si kuya, nasa duty raw sabi ni papa.
Nang maisara ko ang pinto ng aking kwarto ay dumiretso ako sa banyo saka naligo at nagpalit ng damit. Pagkatapos non ay lumabas na ako at sinimulang asikasohin ang gamit ko sa loob ng maleta. Hinanger ko ang mga basang gamit ko at ibinalik sa drawer ang tuyo.
Bumaba na ako pagkatapos at nakita ko si Papa at Mama sa mesa ng kusina habang seryosong nag-uusap, may baso sa harapan nila na alam kong kape ang laman non.
Malakas akong bumuntong hininga saka dumiretso sa kanila. Umupo ako sa tabi ni mama habang si mama naman ay tumayo at kumuha ng tasa atska sinalinan yon ng tubig na mainit bago tinimplahan ng kape.
“Pa, Ma” panimula ko at tiningnan sila saglit bago bumalik ang tingin ko kapeng nasa harapan ko.
“ Wala po talaga kaming relasyon ni Ian, pagpapanggap lang po ang lahat ng iyon kapalit naman ay pampagamot mo, pambayad sa mga utang at pag-aaral ko—alam ko naman na simula pa lang ay masasaktan ako pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa kanya, wala sa trabaho ko ang mahalin sya pero mahal ko na sya!” umiyak ako ng maramdaman kong hinaplos at niyakap ako ni mama ng mahigpit saka paulit-ulit sinasabing “ hush andito lang si mama, dadamayan kita”
Halos mag kalahating oras akong umiyak at sa kahating oras na'yon ay ganon lang ang posisyon namin. Kumalas ako sa pagkakayakap ni mama ng medyo gumaan na ang pakiramdam ko at sinimulan na ulit ang pagkwento sa nangyari kanina.
**
Alas siyete na kami ng hapon umalis sa rest house nila Aaron sa Ilocos at nakarating kami ng alas otcho ng gabi. Medyo masama ang panahon makapal ang ulap kaya hindi makita ang bituin at buwan.Bago ako bumaba ng sasakyan ni Aaron ay nagpasalamat muna ako. Hindi ko alam ang dahilan pero kinakabahan ako, iba ang kabang nararamdaman ko. Habang papalapit ng papalapit ay mas lalong dumodoble ang kabang nararamdaman ko, parang ayaw kong buksan ang pinto natatakot ako hindi ko alam ang dahilan.
Saglit akong tumitig sa pinto saka malakas na bumuntong hininga bago dahan-dahang binuksan ang pinto. Pagpasok ko ay wala namang binagbago sa dito maliban sa nakakalat na wine glass at bote ng
alak.Wala ata dito si Logan dahil ang araw na ito ay na'kay Claire sya.
Bumalik ako sa kusina para kumuha ng garbage bim para doon ilagay ang bote ng alak na wala ng laman pagkatapos non ay ibinalik ko iyon sa kusina saka bumalik upang kunin naman ang dalawang baso.
Dalawang baso, ibig sabihin may kasama syang ibang uminom.
Akmang kukunin ko na ang isa pang baso ng makarinig ako ng nahulog na bagay na galing sa kwarto. Inilapag ko ulit ang baso at pumunta sa kwarto para tingnan kung ano iyon.
Unang bumungad sa'kin ay ang aking mga gamit na nakalagay sa maleta at garbage bag ngunit nawala don ang atensiyon ko ng may mapansin ako.
Hindi ko alam ang dapat gawin o kung ano ang reaksyon ko, nanlamig ang buo kong katawan at hindi makagalaw sa nakita ko. Nakapatong ang babae kay Ian habang naghahalikan. Napahawak ako sa pader at nasagi ko ang flower vase na nakalagay doon dahilan upang magkaroon ng ingay at mapunta ang atensiyon nila sa akin.
Umalis sa ibabaw ni Ian ang babae kaya nakatayo si Ian at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Napayuko na lamang ako dahil sa pagkahiyang naramdaman ko.
Umangat akong muli ng tingin upang sundan ng tingin ang bawat galaw ni Ian, pumunta sya sa side table at may kinuhang papel. Napalunok ako.
Is that the agreement we signed?
“nai-transfer ko na ang bayad ko sa bank account mo at makakapag-aral ka pa rin. Our agreement is done. Now, sign this paper and leave” wala akong mabasang lungkot o kahit anong emosyon sa mukha nya. Gusto kong magsalita at tumotol pero wala naman akong karapatan diba? Disesiyon kong pumayag sa ganitong deal kaya dapat hindi ako masaktan pero kahit anong pigil ko hindi ko kaya. Hindi ko kayang sya mahalin at hindi ko kayang hindi masaktan!
“I SAID LEAVE THIS FUCKING HOUSE, WAG KA NG BABALIK!” Napapikit ako at hinawakan ang tyan ko ‘sorry baby’
Tango lang ang aking nagawa sabay kuha ng papel bago pinirmahan iyon, nanginginig pa ang aking kamay ng ibalik ko iyon sa kanya. Tumalikod na ako atsaka naglakad bago kinuha ang gamit ko na nakatapat sa pinto.
Ang sakit namang magmahal, ang sakit magmahal ng isang Lester Ian Hamilton! Pinapangako ko mula sa araw na ito, ito na rin ang huling luhang ibibigay ko para sayo at huling besis na makikita mo ako.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ng humarap ako ulit
“ Do me a favor, pwede bang wag ka na ring bumalik sa buhay ko” dala ang mga gamit ko ay lumabas ako ng building at umuwi sa mga magulang ko, sa totoo kong pamilya at totoo kong bahay. Bahay namin ng anak ko.
***
“ kumain ka na ba 'nak? Gusto mo ipaghain kita ng makakain?” ayaw ko na sanang kumakain pero may buhay ng nabubuhay sa aking sinapupunan.“sige po‚ pahinga na po kayo ako ng bahala dito” nagtinginan pa silang dalawa bago tumayo at pumunta na sa kanilang kwarto.
Wala pa naman silang sinabi sa'kin pero alam kong galit si papa at sinisisi nya ang sarili nya. Lagi nya namang sinisisi ang sarili nya simula nong magkasakit sya.
Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko ang aking pinagkainan bago umakyat sa taas at humiga sa aking kama. Kailangan kong makatulog para mabawasan ang stress na nararamdaman ko, kailangan kong alagaan ang baby ko.
Simula ngayon mas lalo kong aalagaan si baby sa abot ng aking makakaya, lalaki syang hindi hahanapin ang pagmamahal ng isang ama.
pagod na akong umiyak, ang dami ko ng luhang nailuha pero parang walang katapusan o kaubusan ang luhang umaagos sa aking mata. Pagod na akong punasan ang luhang para sa taong hindi marunong makaramdam. Pagod na akong mahalin sya.
***
Author note: not edited
BINABASA MO ANG
Mr. CEO hired wife [COMPLETED]
عاطفيةZelenia Chandria Samaniego a good daughter and sister. She will do everything to her family, she have a beauty inside and out. Lester Ian Hamilton one of the richest in the whole wide world,he has a child but he doesn't have a wife, in short he's c...