CHAPTER 28

497 7 3
                                    

CHAPTER 28

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nong pag-uusap namin ni Ian ay naging maayos na ang lahat at hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko talaga sya.

“ate chan‚ nandyan sina ate matet at ate claire” Ani ng pinsan kong babae kaya lumabas ako para puntahan sila.

‘sigurado akong may mga dala na naman silang mga pakakailangan ko at pangangailangan ng kamag-anak ko’ sabi ko sa sarili ko at wala sa sariling napangite. Sa tuwing binibisita nila ako ay lagi silang may dala.

“ano na namang dala nyo ngayon?” agad kong tanong sa kanila nang makarating ako pero imbes na sagutin ako ay yumuko si matet para halikan ang bilogan kong tiyan bago ako kinausap habang si Claire naman ay hinahaplos-haplos ang tiyan ko.

“namiss ka ni ninang baby!” sabi ni matet

“your fairy godmother missed you” Ani Claire bago tumingin sa'kin at inabot ang paper bag. Tinanggap ko nalang dahil alam kung hindi sila papayag kapag hindi ko tanggapin.

“ilang besis ko bang sasabihin sa inyo na hindi nyo na kailangan bumili pa ng kung ano-ano” ngumuso lang si Claire at umirap naman si matet.

“ilang besis ko rin bang ipapaalala sa iyo na hindi naman ito para sayo‚ para ‘to sa ina-anak ko” sabi nya
habang panay ang himas sa tiyan ko atsaka pumasok kami sa loob ng bahay para doon magkwentohan.

“hindi pa sya lumalabas pero ini-spoiled nyo na masyado” natatawang ani ko. Tumawa naman silang dalawa saka inilabas ni matet ang isa na namang paper  bag na may logo ng isang sikat na brand.

“hihinge na ako agad ng tawad kasi mas lalo ko syang i-spoiled kapag lumabas na sya” ani matet

“me too‚ I will surely spoil my first ina-anak kaya advance apology agad sayo channie” saad ni Claire sabay apir pa nilang dalawa

“bakit nga pala kayo pumunta dito? akala ko ba sa susunod pa na linggo ang punta nyo dito?” nagtinginan muna sila bago ako sagutin at nagsi-senyasan pa kung sino ang sasagot sa kanilang dalawa. Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang bago pinanliitan ng mata.

Siguro akong may tinatago sila sa'kin.

“namiss ka na kasi namin kaya bumisita kami” sagot ni Claire na medyo hirap pa rin magsalita ng Tagalog.

“Oo nga chan miss ka na namin‚ tara labas tayong tatlo” napatayo ako dahil sa mahinang paghila ni matet sakin.

“teka‚ magpapa-alam na muna ako kay papa at m--” hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita agad si matet

“pinag-paalam ka na namin kina Tito at tita kaya bihis ka na dali!” inabot naman sa'kin ni Claire ang kanina hawak ni matet na paper bag

“wear this dress channie!” kinuha ko ang paper bag at kinuha ang laman non bago ko sila tingnan na may pagtataka sa mukha.

Lalabas lang naman kami bakit kailangang itong damit pa ang isuot ko?

“hindi naman party ang pupuntahan natin diba? bakit ito ang ipapasuot nyo sa akin?” (description of dress)

“huwag ka ng maraming tanong chan magbihis ka nalang‚ pwede?” sakrastikong sagot ni matet na inirapan ko lang bago ako pumunta sa kwarto para magbihis. Nang masuot ko na ang damit ay nag apply ako ng light makeup para matakpan ang eye bag ko. Pagkatapos ng sampong minutong pag-aayos ko ay lumabas na ako.

“ikaw talaga lagi mo nalang syang iniinis. Kapag talaga naging kamukha mo ang baby sigurad---” rinig kong saad ni Claire kay matet na nagpairap sa kanya

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon