CHAPTER 14

282 6 0
                                    


CHAPTER 14 


Simula noung pumunta si Claire dito ay inaraw araw na nya ang pagbisita dito kay Logan. Kagaya nalang ngayon pumupunta sya dito tuwing 7:00 am at uuwi sya tuwing 7:00 pm. 


She's wearing a simple white dress but enough to see the beautiful curve on her body. 


Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na nararamdaman ko. Masaya ako pero may parte sa puso ko ang nasasaktan. Aaminin ko na sa tuwing nakikita ko silang masaya ay nagseselos ako, wala naman akong dapat ipagselos kasi unang-una wala akong karapatan. 


Now I know why Ian fall in love with her, she's caring, loving, pure and beautiful inside and out. 


Magiging magkasundo sila ni matet dahil pareho silang madaldal. Nai-kwento nga nya sa'kin kung paano sila nanguha ng bayabas at hinabol ng aso nung high school palang sila. 


"You know Zelenia, Lester is like my brother, a protected big brother to be exact. The way he protect me from all of my suitors when Lester and I are still in highschool and the way he comfort me when I was brokenhearted" she look sincere and serious in every word she said. 


Huminga sya ng malalim saka lumingon kay Logan na naglalaro.


"Hindi anak ni Lester si Logan, tinupad nya lang ang hiling ni Larkin na tumayong tatay kay Logan nung buhay pa sya" Halos hindi maproseso ng utak ko ang narinig ko 


"Ano? Paanong nangyaring hindi si Ian ang tatay ni Logan eh magkamukha silang dalawa" hindi maitago sa expresyon ng mukha ko ang pagkagulo. 


"its because, Larkin, my boyfriend and Lester are brothers. Larkin also asked Lester to marry me so Logan and I could have someone to take care of when he is gone " May tumulong luha sa mga mata nya 


"But I didn't agree to marry Lester because first, alam kong may nagugustohan syang ibang babae at ayaw kong pati yun ay mawala sa kanya. Naalala ko noon kung paano ka nya tingnan, lagi ka nyang ini-stalk sa social media account mo at kung paano nya kulitin yung kasamahan mo sa cafeteria na pinagta-trabahohan mo para makuha ang pangalan mo" pinunasan nya ang luha sa mga mata at natatawang tumingin sa'kin 


"He like you I mean he's in love with you, na love at first sight ata sayo eh" umawang lang ang labi ko dahil sa mga nalalaman ko ngayong araw, hindi ko kinakaya! 


"Ikaw rin yung dahilan kung bakit lagi naming dinarayo yung cafeteria kahit na ang layo-layo at walang aircon" sabi nya habang tawa ng tawa 


"second, pinangako ko sa sarili ko na si Larkin lang ang una at huling mamahalin ko ng lubos" bakas sa mukha nya kung gaano kasakit ang pagkawala ni Larkin.


May mga tao talagang ganito kung magmahal, yung wala na silang Ibang mamahalin kundi ang taong minamahal nila ng lubos. 


"I left here in the Philippines after Larkin's funeral because I couldn't take the pain" isang panibagong luha na naman ang pumatak galing sa mga mata ni Claire


"But being away from Logan still hurts more and I regret leaving him" hindi ko mapigilang ang hindi maiyak dahil sa nakikita kong paghagolgol ni Claire. 



"shh tahan na, babawi ka naman sa kanya diba? Babawiin mo yung mga taong hindi nyo nakasama ang isa't isa diba?" Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit para patahanin 


"Mommy?" napalingon kaming sabay ni Claire ng marinig namin ang boses ni Logan 


"Why are you crying? Is tita Claire made you cry?" Nilapitan ko sya at nag squat para maka-usap sya


"No baby, what do you want? Water?" 


"Yes please" Tumayo ako at hinarap si Claire na ngayon ay nagpupunas ng luha. Alam ko na sa tuwing naririnig nya ang pagtawag sa'kin ni Logan ng mommy ay nasasaktan sya. Kahit sino namang Ina ay masasaktan kapag ibang tao ang tinuturing nanay ng anak nya. 


"Uhm Sige, aalis narin ako Zelenia medyo magdidilim na rin eh" ngumite sya kahit halata sa mga mata nya na nasasaktan sya. 


"Dito ka nalang maghapunan Claire,saglit lang naman yung lulituin ko eh" umiling sya saka kinuha ang bag nya


"No need, Thanks for your offer and I also promised to Mommy and Daddy that we will eat dinner together" Tiningnan nya naman si Logan saka ngumite 


"Good bye Logan, kain ka ng marami ha." niyakap at hinalikan nya si Logan katulad ng lagi nyang ginagawa sa tuwing aalis na sya. 


"Hatid na kita" 


"Naku, you don't have too I can do it, magluto ka nalang ng kakainin nyo" sabi nya habang naglalakad papuntang pintuan. Lumingon sya nang mabuksan nya ang ang pintuan. 


"Good bye!" sabay kaway at kasabay nun ang paglabas nya. 


Tiningnan ko si Logan na naka upo sa counch na tahimik lang nakatingin sa'kin. Ngumite ako saka inaabot ang kamay ko sa kanya. 


"let's go?" sabay abot nya rin sa kamay ko. Hindi naman lumaking maarte sa pagkain si Logan kaya kung anong nakahain sa hapag ay kakainin nya. 


HABANG kumakain kami ay narinig naming bumukas ang pintuan. Alam kung si Ian yun kasi bukod sa kanya ay ako lang naman ang pinag bigyan nya duplicate key ng Condominium na'to. Nakangite kong nilingon si Logan. 


"Your Dad is here!" lumiwanag naman agad ang mukha nya dahil sa narinig at agad na tinuon ang paningin sa pintu sa kusina 


"I'M HO--- DADDYYYY!" Tumakbo agad si Logan papunta kay Ian ng makita sya nito sa pintu ng kusina. 


He's wearing his business suit, medyo magulo rin ang buhok nya na mas lalong nagpalakas ng charisma nya. 


"I missed you son" parang may kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko dahil sa narinig ko, sobrang lambing ng tono ng boses nya.


Sabi nga nila 'Don't judge the book by its cover' hindi sa kung ano na ang nakikita natin ay yun na agad ang paniniwalaan natin, subukan nating kilalanin ang isang tao gamit ang puso at makikita mo ang totoo. 


"We missed you too!" Sabi ko agad na lumapit at hinalikan sya sa labi. 


—𝗛𝗔𝗣𝗣𝗜𝗟𝗬— 


***

Author note: Enjoy reading but don't forget to vote, comment, share this story to your Wattpader Friend na mahilig sa ganitong genre and Do follow me, thankies My Hea's!!

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon