CHAPTER 18

337 8 1
                                    

CHAPTER 18


THIS PAST few weeks iba talaga ang pakiramdam ko, ang hilig ko masyado sa maaasim, ayaw ko sa amoy ng kumukulong sinaing at mas lalong ayaw ko sa amoy ng ginisang bawang at sibuyas tapos para pa akong magkakasakit tuwing umaga kasi pakiramdam ko masusuka at iikot ang paningin ko kapag gumalaw ako.

What if. . . .  What if I'm pregnant?

Agad kong iniling ang ulo ko dahil sa naisip kong 'yon.

Maagang umalis si Ian papuntang trabaho habang ako naman ay mamaya pang Nine thirty am (09:30) ng umaga ang klase ko. Wala dito si Logan dahil sinundo ito ni Claire kanina para mamasyal at makapag-bonding sila.

Saktong Nine am nang makarating ako sa Hamilton University. Habang tinatahak ko ang daan papuntang room ko ay nakatanggap ako ng text galing sa unknown number. It was a picture, a picture of Ian hugging a girl.

I immediately delete that picture and blocked the number.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi sa panahon ngayon marami ng application ang pwedeng makapag-edit ng picture pero mukang totoo 'yon.

I take a deep breath bago nagsimulang maglakad ulit.

Nanghihina ang tuhod ko habang naglalakad at hindi mawala sa isip ko ang picture na'yon, paano kung totoo yon? kakayanin ko ba?

Dahil sa picture na'yon ay naapektohan ang buong araw ko, wala akong naintindihan sa ni-lecture ng professor namin. Kung hindi tulala habang nakatingin sa labas, minsan naman ay nakakaob-ob sa armchair ng upuan ko ang ginagawa ko.

Kahit pa pilitin ko ang sarili kong mag focus sa tinuturo ng professor ay wala talagang pumapasok sa isip ko.

“Mommy, yung ulam po nangangamoy sunog na!” bigla naman akong napabalik sa wisyo ng marinig ko ang boses ni Logan mula sa likuran ko saka tiningnan ang ulam na niluluto ko.

7:58 na pero wala pa rin sya hanggang ngayon, nag-aalala na ako baka kung ano ng nangyari sa kanya.
Tatawag o mag te-text si Ian kapag gagabihin sya ng uwi pero ngayon ni isang text o tawag wala akong natanggap.

Pinatay ko ang apoy saka sinalin ang ulam sa mangkok at naghain na ng kanin.

“Kain ka na baby!” tawag ko atsaka pina-upo sya sa tabi ko at sinimulan ang pagpakain sa kanya.

“ikaw po mommy? Hindi ka pa po ba kakain?” Logan ask while chewing his food

“Mamaya na baby, busog pa naman si Mommy” saka sinubuan ko ulit sya. Panay kwento lang si Logan sa ginawa nila ni Claire kaya napatagal ang kain nya.

Nang matapos ng kumain si Logan ay pinaliguan ko ulit sya atsaka binihisan ng pantulog. Pagkatapos kong basahan sya ng story at nasigurong tulog na sya ay agad na rin akong lumabas para maghintay kay Ian na makauwi.

10:37 pm . . . .

11:24 pm . . . .

12: 43 am . . . .

Pero wala paring Ian na umu-uwi. Habang unti-unting pumipikit ang talukap ng mga mata ko, kasabay non ang pagtulo ng luha ko.

NAGISING nalang ako ng nasa kwarto na ako.

Anong oras sya umuwi kagabi?

Bumangon ako para hanapin sya pero wala akong makitang Ian sa loob ng condo. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko habang dahan-dahang umupo sa kama.

MAG DADALAWANG linggo ng ganito ang pangyayari, uuwi sya ng hating gabi at aalis sya ng maaga. Sa loob ng dalawang linggong 'yon ay walang tigil naman ang pagpapadala sa'kin ng mga picture ni Ian.

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon