CHAPTER 15

286 5 0
                                    

CHAPTER 15

ISANG major subject lang naman ang klase ko ngayong sabado kaya maaga akong makaka-uwi sa bahay. Makalipas ang apat na araw magmula nang maka-uwi si Ian galing Japan ay  pumunta naman sya sa Palawan para magpatayo ng bagong branch ng 'HOME IN PLACE' hotel na pag-aari rin ng pamilya nila. Ngayong araw rin ang uwi nya kaya gusto kong maka-uwi ng mas maaga para ipagluto sya ng paborito nyang pagkain.

Habang naglalakad ako sa hallway ng university ay kinuha ko ang cellphone ko para i-text si Manong Tonyo na magpapasundo na ako sa kanya. Ibinalik ko naman agad sa bag ang cellphone ko pagkatapos kong i-send ang text ko. Umupo ako sa waiting shed sa gilid  habang hinihintay si Manong na makarating.

“Miss Zelenia” isang matamis na ngite ang bumungad sa'kin ng lingonin ko ang may-ari ng boses na'yon.

“Oh sir Aaron, ikaw pala yan!” sinuklian ko ang ngite na binigay nya.

“Wala ka na bang klase ngayon?” tanong nya ng makalapit sa pwesto ko

“Wala na po sir, isang subject lang naman po ang klase ko ngayong sabado” tumango-tango sya saka umopo sa tapat kong inuupuan.

He's wearing his suit which make his look so formal and powerful person at the same time. Halatang respetado sya ng maraming tao dahil sa dala nyang awra.

“Ano pa palang ginagawa mo dito?”
Nakataas ang kilay nyang tanong.

“Hinihintay ko pa po ang sundo ko, sir!” sagot ko at tumango naman sya bilang tugon. Maraming mga estudyante ng Hamilton University ang napapadaan at tumatambay dito sa waiting shed at karamihan sa kanila ay tinatapunan kami ng tingin.

“How's your long quiz by the way? I heard from Ms. Lopez that you have a quiz— oh and please don't be formal, wag mo na akong tawaging sir” I smiled and nood before answering his question to me.

“Mahirap, sabi don sa test paper ay easy part pa lang raw yung test 1 pero parang sasabog na ulo ko kaka-isip ng tamang sagot” I laughed when I remembered how difficult the quiz is.

“tapos si prof Eduardo napaka stri---” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may pamilyar akong boses na narinig at pamilyar na pabango akong na-amoy kaya agad akong lumingon at tama nga ang hinala ko dahil si Ian yun.

Bahagya akong nagulat dahil sa dilim ng mukha nya at bigat kung tumingin kay Aaron na nakatayo na rin ngayon. Tiningnan nya ako saglit bago tumingin ng matalim ulit kay Aaron.

“Chill bro, nag ku-kwentohan lang naman kami ni Zelenia.” he said habang nakataas ang dalawang kamay na para bang sumusuko na.

“Let's go” Napakurap ako at tumingin kay Ian dahil sa lamig ng boses nya. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko saka ako hinila paalis don. Nilingon si Aaron para mag paalam sa kanya, mapang-asar na ngumiti si Aaron sa'kin and he mouth the word ‘Bye’ at me.

NANG MAKARATING kami sa sasakyan nya na nakaparada sa parking lot ng Hamilton University ay agad nya akong pinagbuksan ng pintuan. Sinara nya ang pinto ng sasakyan pagkatapos kong maka-upo. Pina-andar ni Ian ang makina ng sasakyan pagkatapos nyang makapasok at makabit ang set belt nya.

Nakakabinging katahimikan ang namagitan saming dalawa habang tinatahak namin ang daan papunta sa bahay. Sanay naman na ako sa pagiging tahimik nya pero ibang katahimikan ang nararamdaman ko ngayon.

“Anong oras ka nakarating?” masigla kong tanong sa kanya ngunit hindi nya man lang ako nilingon. Alam kong napaka immature pero sa simpleng hindi nya pagpansin sa'kin ay gusto kong umiyak.

“Idaan mo muna sa Market, bibili lang ako ng mga ingredients para sa chicken curry na gustong ipaluto ni Logan, ikaw? May gusto ka bang ipaluto?” Hindi ulit sya sumagot sa tanong ko kaya hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha galing sa mata ko. Tumingin ako sa labas at pasimpleng pinunasan ang luha ko.

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon