CHAPTER 12

279 3 0
                                    

CHAPTER 12

Bukod sa mga guard ng Hamilton university ay ako palang ata ang nandito

Napa-aga ata ako ng pasok eh.

Naglakad-lakad ako upang malibot ko ang buong university hanggang sa mapagod ang binti ko kakalibot dito kaya naghanap ako ng pwedeng mau-upoan

Habang naka-upo ay sandali akong nagbuklat ng mga books na binigay sa'kin nakaraang araw

“Ang aga mo naman miss, ikaw palang ang unang estudyanteng pumunta dito ng ganito kaaga” mabilis akong napalingon sa taong nagsalita mula sa likoran ko. Narinig ko pa ang pagtawa nito habang papalapit sa'kin

kahit medyo madilim pa ay naaaninag ko parin ang mukha nya.

“nagulat ba kita?” tanong nya ng makalapit na sya sa'kin

“medyo lang naman”

“Aaron Acosta” saka naglahad ng kamay

“Zelenia Chandria Ham--” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maalala ko na hindi ko pala apelyedo yun.

Parang may kung anong sakit akong naramdaman sa salitang hindi ko pag-aari ang apelyedong yun.

“Zelenia Chandria?” bumalik ako sa reyalidad ng magsalita si aaron

“Samaniego” tumango lang sya nilang tugon sa sinabi ko.

“Transferee? Bago lang kita nakita dito eh” tumango naman ako

“Anong year?”

“2nd year, Bachelor in secondary general science”

“gusto mo bang ilibot kita dito?”

“okay lang ba yun sa'yo? Are you sure”

“Oo naman bakit hindi?”

“baka kasi makakaistorbo lang ako sayo,kaya ko naman sarili ko” umiling lang sya saka ngumite

May naaalala ako sa ngeti na yan.

“sige, mauuna na'ko sayo,nice to meeting you!”

“nice to meeting you too!” kumaway pa ako habang naglalakad sya paalis.

Nang mawala sa paningin ko si Aaron ay niligpit ko ang mga book na inilabas ko kanina at nagsimulang maglakad-lakad.

“MA'AM! MA'AM! MA'AM!” agad akong lumingon sa taong sumisigaw at tumatakbo papunta sa gawi ko.

“Ako po ba?” tanong ko sabay turo sa sarili

“Opo, pinapabigay po ito ni sir Lester” saka inabot sa'kin ang susi

Susi para saan?

“para saan naman itong susi?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa susi na nasa kamay ko

“Hindi ko po alam pero ang sabi nya lang po sa'kin ay ibigay po sayo yan at nakita nyo po yung pinakahuling building nayon?” tumango naman ako.

Nakahiwalay ito at masasabi kong kakaiba kumpara sa Ibang building na nandito.

“Punta ka nalang po  dyan ma'am, aalis napo ako” tumango lang ako at nagpasalamat.

Kahit nagugulohan ay pinuntahan ko ang tinuro ng guard.

WOW!

I didn't expect na merong ganitong kagandang building dito sa HU!

pinapamuka talaga sa'kin na nasa lower middle class lang ako sa lipunan!

Binuksan ko ang pinto gamit ang susi na binigay ni manong kanina at napa-nganga nalang ako dahil sa sobrang gara ng mga gamit sa loob at ang ganda pa ng design.

“Magkano kaya ang nagastos sa pagpagawa nito?”

“millions”kahit hindi pa ako lumilingon ay alam ko na kung kanino nanggagaling ang boses nayon. Ian.

Nakangite akong lumingon sa kanya at habang papalapit sya ay doon ko napatunayan na favorite syang nilalang ni lord. Halos perfect na sya eh mula ulo hanggang talampakan!

“ anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pupunta ka pa sa Negros at magiging busy ka ngayon araw” agad kong tanong nang tuluyan na syang makalapit na sya sa'kin.

Sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay marahan nya akong hinila at niyakap. Ramdam ko naman ang pag-bilis ng tibok ng puso ko sa simpleng kilos nya!

“hindi na ako matutuloy sa Negros, kailangan kong pumunta sa japan to meet mr. Nakashigi”

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya “ehh? sino palang mag-aayos ng problema ng hotel mo sa Negros?”

I heard him chuckle before answering my questions.

“Si James na ang bahala don, he's my secretary” sabi nya na titig na titig sa mukha ko.

“I missed you!” he whisper in a husky voice while planting a small kiss on my neck.

Ang bango,amp!

“Nagkita naman tayo kaninang umaga diba” May kunting dismaya akong naramdaman nong lumayo sya sa'kin at tinitigan ako.

Hindi ko maiwasan hindi kiligin sa uri ng pagtitig nya, para kasing wala ng bukas kung makatitig!

“mawawala ako ng isang linggo and fuvk! I'm going to miss you as hell, wife!”

“Isang linggo lang naman eh, atsaka pwede naman tayong mag video call diba?” pampalubag loob ko sa kanya habang nakatitig sa mata nya.

“damn! Hindi pa ako umaalis pero missed na agad kita” sabi nya habang nakasimangot

“Ang korni mo, para alam mo” I said between my laugh

Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil ang kaninang nakasimangot nyang mukha ay naging seryoso na.

“sige lang tumawa ka pa, baka hindi ka na makakapaglakad sa loob ng isang linggo at nakaupo ka lang sa wheelchair” sabay nakakalukong ngumite.

Parang gusto kong tumikhim pero hindi ko alam kung paano. Wala akong Ibang nagawa kundi ang yumuko at kagatin ang labi feeling ko buong katawan ko namumula dahil sa hiya.

“Dont bite your own lips boss, let me do that for you!”

—𝗛𝗮𝗽𝗽𝗶𝗹𝘆










Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon