CHAPTER 27

477 7 6
                                    

CHAPTER 27

Halos mag da-dalawang buwan na dito si Ian samin. Wala na ata syang balak umuwi‚ ilang besis ko ng pinapaalis pero iisa lang ang sagot nya na hindi raw sya uuwi hanggat hindi ako kasama.

Bakit ako uuwi kasama sya eh dito ako nakatira!!

“Wala ka ba talagang balak umuwi? Hindi ka ba nahihirapan sa pinapagawa sayo ni papa? huh?” naiirita kong tanong sa kanya habang sya naman ay pinag-iigib ni papa.

Umalis ka na please. Kunti nalang bibigay na ako sayo!

“How many times have I told you that I will not leave here without you. Besides, you haven't even heard my explanation” alam kong sa bawat masasakit na salitang nasasabi ko sa kanya ay nasasaktan sya. There's a pain in his eyes.

“and how many times do I have to tell you that I will not go with you? Bakit ba ang kulit mo!” itinigil nya ang ginagawa nya bago ako hinarap at tiningnan sa mata. Ian's eyes showed pain and sadness.

“kaya ko na ang sarili ko‚ hindi na kita kailangan. Hindi mo naman kailangang gawin lahat ng ito‚ hindi mo kami responsibilidad kaya bumalik ka nalang don sa babaeng kasama mo!” medyo napalakas ang boses na sabi na ikina-iwas ng mata nya sa mata ko.

“hindi mo ako kailangan pero ako‚ ako kailan kita. Hindi ko alam kung saang mental hospital ako pupulutin kapag nawala ka pa ulit sa'kin. You are my responsibility the moment you signed our contract‚ wife.” huminga sya ng malalim para pakalmahin ang sarili nya. Ginulo nya ang buhok saka tumalikod sakin‚ ang akala ko ay aalis na sya kaya tumalikod na rin ako para punasan ang luha ko. Nagulat nalang ako ng niyakap nya ako mula sa likod habang hinahalikan ang buhok ko.

“ shh don't cry wife‚ please. Is that what you really want? Okay‚ I'll give you the space that you want. I think we both need to heal our heart first. I love you so f*cking much!” nakagat ko ang aking labi para pigilang hindi humikbi nang nagsimula na syang maglakad paalis. Hindi ko kayang lingonin sya‚ pakiramdam ko mas lalo akong masasaktan kapag nakita ko syang paalis.

Bakit ba ako nasasaktan? Diba yun naman ang gusto ko? na umalis sya. Dapat masaya na ako diba? Pero bakit ganito? Bakit parang dinoble ang sakit na nararamdaman ko?

Saka ko lang pinakawalan ang paghikbi ko ng marinig ko ang tunog ng pintuan. Senyales na lumabas na sya. Lalabas na sya sa buhay ko.

“Anak? Bakit ka umiiyak? Anong nangyari hmm?” napa angat ako ng tingin nang dumating sina mama at papa. I immediately run to them and hug them both and start crying again. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

“ma‚ W-wala na si I-ian. U-umalis na s-sya. Pina-alis k-ko sya ma” hinagod nilang dalawa ang likod ko.

“D-dapat masaya a-ako kasi u-umalis na sya d-diba pero b-bakit n-asasaktan ako‚ b-bakit parang dumoble ang sakit na nararamdaman ko?” lumayo ako mula sa pagkakayakap sa kanila saka sila tiningnan sa mata.

“tama naman po yung ginawa ko diba?” pinupunasan ni mama ang luha ko habang si papa naman ay umalis para kumuha ng tubig. Dinala ako ni mama sa sala at pina-upo. Umupo sya sa kaharap kong upuan atsaka hinawakan ang kamay ko.

“mahal mo pa ba sya nak?” saglit akong natigilan sa tanong ni mama. Napayuko naman ako at hindi makatingin ng maayos sa kanya.

“Alam kong mahal ko pa sya mama‚ marupok ako eh. pero may parte sa'kin na ayaw ko na. Natatakot po ako sa totoo lang. Natatakot ako baka kasi masasaktan ako ulit.” napatingin ako kay papa nang ilapag nya ang baso ng tubig sa harap ko atsaka umupo sa tabing upuan ni mama. Ininom ko ang isang basing tubig para kumalma.

“zelenia anak‚ normal lang masaktan dahil sa pag-ibig pero desisyon mo yan kung ayaw mo na talaga sa kanya” hinaplos ni mama ang pisnge ko. Sabay ngite sa'kin na para bang sinasabing magiging okay din ang lahat.

Mr. CEO hired wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon