Patulan ko na ba?
Humarap ako ng seryoso kay Kery at nag simula na ring umatake. Tumahimik naman ang paligid ng makita na nila akong pumatol.
Nag salubong ang kilay ni Kery ng maiwasan ang suntok ko sakanya na sinadya ko namang ipatama talaga sa gilid nya. May awa parin ako sa kanya baka mabalian kasi siya ng buto.
Sinipa niya ako sa gilid pero hindi na ako umiwas kaya napa aray nalang ako, hindi na ako iiwas para matapos na'to. Gusto ko ng matulog sa kwarto, puyat ako eh!
Napahawak ako sa gilid ko which is yung sinipa niya, Pakshit may sapatos syang suot at matigas pa yun!
Pero iniling ko lang ang ulo ko at umaktong masakit ang gilid ko na totoo naman talaga pero yung ekspresyon ko ngayon ay more like oa. Sinulyapan ko si Kery na nakangisi na saakin, umirap nalang ako sakanya na nagpalaki ng mata nya saakin. Bumalik ako sa harapan nya na parang walang nangyare, iniinda ko yung sakit. Nakarinig ako ng singhapan. Oh diba? ang o-o-a?
Sinuntok ko sya kasi ayoko ng gamitin ang paa ko baka mapalakas ko pa, edi mag ka broken ribs pa sya? ako nanaman may kasalanan? tsk. Natamaan ang pisngi nya sa suntok ko kaya napaatras sya, tumaas ang kilay ko.
Ba't di ka kasi umilag?
Nakita kong nag-iba ang ekspresyon nya habang hawak ang pisngi na para bang nasaktan pero agad nya namang tinanggal ang eskpresyon na yun sa mukha nya. Huminga ako ng malalim, I will take the risk. Sumugod naman sya saakin na may masamang tingin, and again! natamaan nya nanaman ako pero sa ngayon ay sunod sunod na suntok at sampal ang natanggap ko, punterya nya pa ang mukha ko! Sinipa nya pa ulit ang gilid kong pinatamaan nya din kanina na naging dahilan para mag double ang kirot niyon.
Anak ng! Alam ko namang may galit 'to kay Ziarkia pero bakit naman ako ang tatanggap ng galit nya!? Hindi ko maiwasang pag digkitin ang mga braso ko sa harapan ng mukha ko para ito ang tumanggap ng mga suntok niya.
Napaatras ako ng napaatras, pinagsisipa niya pa ako sa gilid para syang galit na asawa na nahuli ang mister nyang nambababae tas ako yung babae, yung gigil na gigil kulang nalang sabunutan niya ako eh!
Narandaman kong may tumulo galing sa noo ko na pula ang kulay..wews there's a blood on my forehead! Pinag hiwalay ko ang mga braso ko at tinanggap ang paparating nyang suntok at dumeretso ito sa panga ko.
"Aray!"-Sabi ko ng makaatras ako, hinawakan ko ang panga ko at tumingin sakanya. Lumapit sya sa akin at sinipa ang dibdib ko, parang naipit ang puso at baga ko sa ginawa nyang yun kaya napahiga ako ng tuluyan sa gitna.
Itinabingi ko ang ulo ko at nakita sila Mia na napatayo sa mga upuan nila, habang si Zack naman ay parang walang pakealam na nakatutok sa baba more like sa buhangin, buhangin kasi o lupa ang training ground dito at hindi cement. Si Ben naman ay nakatingin sa akin ng nakataas ang kilay at nasa ekspresyon ang bigla at pag-aalala.
Huminga muna ako ng malalim at nag-antay muna ng ilang segundo habang dahan-dahang umupo't napaubo ng dugo.
"A-Ahukk! Ahukk!"-Pag-ubo ko, nakita ko ang mga nailabas na dugo ko sa buhangin.
"THANK YOU LADY KERY AND LADY ZIARKIA FOR PARTICIPATING! YOU MAY SEAT NOW!!"-Sigaw ng lalakeng trainer namin, pinunasan ko ang mga labi ko gamit ang likod ng aking mga braso. Gamit ang peripheral vision ko nakita kong dali daling tumakbo sila Mia papunta sa direksyon ko.
"M'lady! Are you okay?"-Tanong ni Mia.
Bored kong tiningnan si Mia, kaya nahampas siya ni Avy which i... didn't expect? nanghahampas pala si Avy? Narinig ko pang napa aw si Mia at kinamot ang ulo nya
BINABASA MO ANG
Reincarnated as the Hated Daughter of Mafia Boss [ON HOLD]
Fantasyshe is Niana Janes Zamora a "gangster leader, a trained assassin, boyish, a soon to be one of the biggest mafia group leader," but one day on her birthday night she left to the party and walk on the road alone but suddenly she got hit by a truck, sh...