Ryianne's POVRyianne Buenaventura ba kamo? Not so Pretty. Hindi naman talaga. Tahimik. Clumsy. Hindi ko na kailangan ng powers kasi meron na ako nyan. Invissible.
Pakiramdam ko kasi hindi ako nakikita e. Kasi anu mang maganda ang gawin ko, wala. Hindi pa din ako napapansin. Lalo na ng lalaking gusto ko...
Si Marco Joseph Valdez.
Sikat sa School bilang Varsity ng basketball. Gwapo. Matalino. Tinitilian ng lahat ng mga Babae at Bakla kasi nga masyadong Hot.
Alam ko namang may taste yan sa babae e. Kaya hindi ko sinasabi na gusto ko sya kasi baka ma-reject. Iiyak lang ako atsaka mapapahiya.
Paano ako makakapag-confess kung hitsura pa lang wala na ako sa mga "NANLILIGAW" dun.
Oo. Babae na ang nanliligaw sa kanya. Kasi wala syang nililigawan. NGSB daw yan e. Nung una nga hindi ako naniwala kasi sa gwapo nyang yan? Tsk.
Laging naka-ponytail ang buhok tapos may bangs, may makapal na salamin at braces. Yan ako. O diba? Wala na.
E yung iba, maka-suot ng mga maiikli parang wala nang kailangang itago e.
Kahit ganito ako, alam ko kung paano ingatan ang perlas ng silanganan ko nuh. Babae pa din ako.
Hindi naman kami mahirap. Sa totoo nga ako ang pinakamayaman sa School. Hindi alam ng mga classmates ko kasi hindi naman halata sa hitsura ko diba?
Bumaba na ako kasi kanina pa ako tinatawagan ni Butler. Kakain na kaming pamilya.
Agad akong dumiretso sa Dinning Room malapit sa may Door papuntang Pool Side namin.
"Good Morning Honey" sabi ni Papa saka ako hinalikan sa pisngi.
"Good Morning Pa" bati ko sa kanya.
Nagtataka ba kayo kung nasaan si Mama? Nasa Heaven na sya. Nabaril kasi sya e. Urgh. Wag na muna nating pag-usapan yan. May iba pang Chapter na nakalaan para dyan. Haha.
"Ihahatid na kita sa School mo baby" presenta ni Papa.
"Uhm, wag na pa. Magb-bike nalang po ako. Malapit lang naman e" hindi naman kasi ako sanay na mag-kotse. Nakakahiya kaya.
"O sige. Kung yun ang gusto ng Princess ko. Atsaka nga pala, darating ang Tita Vilma mo galing US. May ibibigay daw sya sayo"
"Uhm, pa, pwede po bang kayo nalang ang kumuha? Madami po kasi akong gagawin e" pagtutol ko.
Aapihin lang naman kasi ako ng mga pinsan ko e. Kesyo daw ganito ganyan, magpaganda nalang daw ako kasi wala daw pangit sa dugo namin.
"Sige nak. Hayaan mo na sila Chandrea. Talagang Spoiled lang ang mga yun. Maganda ka naman e" pagbibiro ni Papa.
"Papa, mambola ka pa. Sige po papasok na ako. Bye Papa" paalam ko sabay halik sa pisngi nya.
"Totoo yun. Sige. Eto, allowance mo. Galawin mo naman nak. Okay? Masyado kang matipid e" sabi nya.
Lumabas na ako at kinuha ang bike ko sa Garrage namin. Kinuha ko yung bike na ginagamit ko. Bawal kasing paiba-iba ako ng Bike. Baka mahalata.
Habang nagba-bike, nakakabit ang headset ko sa tenga ko. Magaling akong kumanta pero hindi ko pinaparinig sa iba kasi baka hindi maganda para sa kanila.
Ilang minutes ang nakalipas, nakarating na din ako sa Clifford High Academy. Fourth Year High School pa lang ako. At isang buwan nalang, Graduation na namin. Kaya pwede na daw na hindi na mag-uniform.
Inilagay ko sa may Guard House ang bike ko. Alam ng Guard at mga Teachers ang tunay na identity ko.
Pumasok na ako. Hays. Habang naglalakad ako sa hallway, naririnig ko ang mga bulungan ng ibang mga estudyante.
"Gosh! Sya daw ang Valedictorian. Grabe!"
"Perfect Package ang Lalaking yun."
"Ang taas ng mga Grades."
Kilala ko na kung sino yan. Edi si MJKo. Haha. Feelingera na. Sya ang Valedictorian namin. Ako? Fifth Honorable lang. Bobo kasi ako.
Dumiretso na ako sa Room. Nakita ko si MJKo na nakaupo na sa upuan habang nakikipag-kwentuhan sa mga kaibigan nya. Maaga naman talaga yan pumapasok e.
Umupo nalang ako sa upuan ko habang nakikinig sa music. Inilagay ko yung headset sa tenga ko. Wala naman kaming teacher e. Kasi madami silang inaasikaso.
Biglang may dumating. Si Avy Gail Ruiz. Ang pinakamaganda sa Campus. Salutatorian sya. Matalino e. Magagawa ko ba. Isa sya sa mga may gusto kay MJKo.
May panama ba naman ako dyan? Mas maputi nga ako sa kanya pero tignan mo naman. Pananamit palang. Model sya ng isang Fashion Magazine. Nganga na.
"Marco dear, sabay tayong mag-break mamaya ha?" sabi niya kay MJKo.
"Ahh, sorry Avy kasi kasabay ko ang mga kaibigan ko mamaya e" pagtutol ni MJKo.
"Okay lang. Sasama nalang ako sa inyo mamaya" pagpipilit naman netong babaeng toh. Ayaw nya nga e!
"Sige. Bahala ka" sagot ni MJko. Tapos hinarap ang mga kausap nya kanina. Halatang ayaw nyang kasama si Avy. Haha.
Kinuha ko ang iPad ko. Nag-log ako sa Facebook. Nag-scroll down ako. Mga walang kwentang post. Puro "peg-ebeg" tsss.
Sinearch ko ang Facebook Account ni MJko. I-add ko kaya. Hala baka i-nkt now. Try lang naman. Sige na nga. Yan. Oh. Na-add na. Tsk.
Biglang dumating ang Adviser namin. Pero walang dalang libro. Yes!! Alam na. Tinago ko na iPad ko.
"Good Morning Class. Pinapapunta lahat ng honor student sa Conference Room. Ngayon na. Thanks" sabay alis ni Ma'am. Okay.
Faculty...
"Good Morning ulit. May sasabihin lang ako. Sino ba ang may talent sa inyo? Kanta? Mag-intermission lang. Kahit saglit lang. Kahit graduate na kayo kailangan meron pa din" tanong ni Ma'am.
Nagtaas ng kamay ang Seventh Honorable namin. Magaling tong kumanta e. Mala-anghel boses neto.
Matapos nun ay pinabalik na kami. Yun lang pala. Haha. Break time na kaya dumiretso na kami sa Canteen. Hindi nila ako kinakausap. Okay.
Pumila ako sa pilahan. Hulihan pa ako. Shocks. Nasa unahan si MJKo. Nasa likod nya si Avy. Desperate talaga.
After 47202539352 years, ako na din ang mag-oorder.
"Manang isa nga pong..."
"Manang isa pa pong Coke at Chocolate Cake, yung buo" singit ni Avy. Ako muna ah.
"Excuse me pero nauna ako" sabi ko sa kanya.
"Ahh, ikaw pala. Hindi kita napansin e. Sorry, pero nandito na ako e. Atsaka, may magagawa ka ba? Wala diba? Thanks Manang" nakuha nya na yung order nya.
Tsk. Nag-order na ako. Saka umupo malapit sa table kung saan natatanaw ko si MJko. Nakaharap sya sa side ko. Ganun.
Nagkwe-kwentuhan sila ng mga kaibigan nya tapos si Avy OP. Haha. Paano ba naman kasi puro about sa basketball ang topic nila. Pati Foul hindi nya alam. Haha.
Nakita kong nagpho-phone si MJKo. Ang gwapo nya. Napangiti ako kasi napikon si Avy tapos nag-walk out. Hahaha.
Umalis na din ako tapos dumiretso sa Room. Matutulog nalang ako.
