Marco's POVNandito kami ngayon ni Ryianne sa Office ng Papa nya. Pinapapunta kasi sya dito. May sasabihin daw sya kay Ryianne.
May kinalaman si Papa nya sa pag-confess ko ng Feelings ko kay Ryianne. Alam nya simula pa lang na mahal ko na si Ryianne. Alam nya din na malinis ang intensyon ko sa anak nya.
"Sir, pasok daw po kayo sa loob. Gusto daw kayong makausap ni Mr. Buenaventura" sabi sa akin ng secretary ni Tito.
Tumango ako at Pumasok sa loob ng Office. Nakita ko si Tito na nakangiti at si Ryianne na nakangiti din pero umiiyak? Shit! What happened?
"M-marco…" sabi ni Ryianne saka tumakbo sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Alam na pala ni *sniff* Papa e. Pinagkaisahan nyo ako" sabi nya habang nakatingala sa akin. Matangkad kasi ako.
I cupped her face using my two hands and wipe her tears.
"Ryianne, wag ka nang umiyak. Alam kong Tears of joy yan pero masyado ka na yatang masaya. I Love You Ryianne" and i kissed her in her forehead.
"Marco, iho, inaasahan kita. Alagaan mo ang anak ko, wag mo syang sasaktan kung ayaw mong ikaw ang saktan ko. Haha. Mahalin mo sya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya. Maasahan ko ba iyon Marco?" tanong ni Tito.
"Yes Tito. Maasahan nyo ako. I'll make sure na hindi masasaktan si Ryianne. Kasi mahal na mahal ko sya" ngumiti ako.
"Ryianne, anak, nung una akala ko wala kang Crush e. Yun pala matagal ka nang may gusto kay Marco. Di mo manlang sinabi sa akin. Anak, siguradong mas masaya ang Mama mo ngayon. Magpakatatag kayo ha? At kung may away, pag-usapan ng maayos" sabi ni Tito kay Ryianne.
Bumitaw si Ryianne sa pagkakayakap sa akin and lumapit kay Papa nya. Tito hugged his daughter.
"You're the best Pa. I love you" sabi ni Ryianne.
"I Love you too anak. Sabihin mo lang sa akin kung sinaktan ka ni Marco ha? Anak, mahal na mahal ka niya. At alam kong mahal na mahal mo din sya. Alagaan nyo ang isa't isa" sabay kawala sa pagyayakapan nila ni Ryianne.
"Thank You Pa" sabi ni Ryianne.
"Okay lang anak. Mahal ka ni Papa" sabi ni Tito.
Nagkwentuhan lang kami at napagdesisyonan namin na dito nalang sa Office ni Tito mag-Lunch.
Bumaba kami ni Ryianne para bumili ng Lunch.Pumunta kami sa Mall. Bibili daw ng Cake at Ice Cream. Paborito daw ng Papa nya.
Habang pumipili, nakita ko si Avy. Bigla syang lumapit sa akin at inilagay ang kamay nya sa braso ko.
"Hi dear. May ginagawa ka ba? Let's have some lunch together with my friends" sabi ni Avy.
Nakita ko ang mga kasama nya. Tsss. Mas maganda pa din ang Girlfriend ko na walang make up kesa sa kanila na paranf binudburan ng Flour ang mukha.
Inalis ko yung kamay nya sa braso ko. Tumingin sya sa akin ng What's-Wrong-Dear-Look.
"I'm sorry but I have some lunch with my Lovely Girlfriend together with her Father" nangaasar na sabi ko sa kanila.
"What the? Who's that bitchy girlfriend of yours?!" galit na tanong ni Avy.
"She's not Bitch. You don't have any rights to say that in front of me" sabi ko.
Namumula na sa galit si Avy.
"Marco, may napili na ak…"
Napatigil sa pagsasalita si Ryianne nang makita nya si Avy.
"Sya ba ang lovely girlfriend na tinutukoy mo dear. Hahahaha" tawa nya pati ng mga kasama nya.
Swear. Pinagtitignan na kami ng mga tao dito.
"Yes. She's my One and Only Lovely Girlfriend" sabi ko sabay akbay kay Ryianne.
"No. That's not True. Tell me Marco, it is just a bad dream" sabi ni Avy.
"Friend, magising ka sa katotohanan. Just let them free. Ang cute nila oh. Atsaka bagay silang dalawa" sabi nung kaibigan ni Avy.
"Will you please shut up! At kayong dalawa, hindi nyo ako mapapaniwala. Paano magiging kayo, even endearment wala kayo. Kami ni Marco Dear meron" pagyayabang ni Avy.
Si Ryianne, nakatungo lang. Mulang-mula sa kahihiyan. Ako na ang bahala dito.
"Everybody! May I have your Attention please. This girl beside me named Ryianne Buenaventura is the girl who make me love and make feel loved. She's the my One and Only Lovely Girlfriend I'm talking about" naghiyawan ang lahat ng tao sa Kayedilocks. What a name!
"And our endearmaent? It's just Ma and Pa. Right ma?" tanong ko kay Ryianne na nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay nya. Ang lamig at halosmabali ang mga buto ko sa higpit ng hawak nya.
"Kyaaaaa! Parang mag-asaw na sila. Bagay sila diba friend?" sabi nung isang kaibigan ni Avy. Si Avy ang sama ng tingin sa aming dalawa ni Ryianne.
"And that Marco Dear thingy? Sya lang po ang tunatawag sa akin nun. Hindi po ako nakikipag sweet endearment sa babaeng hindi ko naman mahal. Thanks for Listening. Now ma, we're legally in a relationship. Buong madlang pipol ang nakarinig. So now, let buy some cake na. Tito is waiting us" sabi ko kay Ryianne na ngayon ay nakangiti.
Umalis na si Avy. Naghihiyawan pa din ang mga tao. Nakapili na kami ng Cake. Dalawa ang Cake.
"Ma'am and Sir, nakapili na po ba kayo?" tanong ng staff.
"Yes. This one and this one" sabi ni Ryianne na nakangiti.
"How much is this Miss?" i asked.
"Actually po 550 ang isa but because of your sweet eksena kanina dito, sabi po ng owner ay libre na daw po kayo at may dagdag pang isa" sabi ng staff.
"Really? Tell the owner thanks" sabi ni Ryianne with yuko-yuko pa. Ang galang at ang bait talaga ng girlfriend ko.
Umalis na kami sa Kayedilocks at pumunta na sa MLavaKaye Ice Cream Parlor. Hahaha. Ang ganda talaga ng pangalan.
Pumasok kami at pumili ng flavor ng Ice Cream. Nakapili na si Ryianne. Chocolate and Rocky Road flavor.
Babayaran na sana namin sa counter pero libre nanaman daw at may dagdag pang isa. But…
"Ang Owner ng Kayedilocks at MLavaKaye Ice Cream Parlor ay iisa lang po. Thank you Ma'am. Cone again"
Yung totoo? Hahaha. Pumunta na kami sa Office at kumain. Alam na din nila Mama at Papa na kami na ni Ryianne. Dun kasi nagdinner si Ryianne kagabi. Si Marcus naiiyak pa nga e kasi bakit daw ako ang naging boyfriend at hindi sya. Bata nga naman.
Ngayon, masaya ako kasi Legal kami ni Ryianne. Hindi lang sa pamilya namin. Dahil alam kong all over the universe, malalamang kami! Hahaha.