Ryianne's POVNandito ako ngayon nakasakay sa kotse ni Marco. We're on our way papuntang bahay nila Marco. Dun kami magl-lunch.
Dumaan na din kami sa SM para bumili ng pasalubong ko kay Mama ni Marco. Pati sa kapatid nyang maliit. At sa Papa nya na nagleave muna sa Company nila para makasabay lang kami sa Lunch.
Bumili na din ako ng dalawang black forest cake kasi yun daw ang paborito nilang lahat.
"Ma, ang dami mo yatang pinabili. Hindi naman na kailangan e. Nag-abala ka pa" sabi ni Marco habang nagd-drive. May student license po.
"Okay lang yun Pa. First time kong makasabay at makasama ang Family mo. Nakakahiya naman kung wala akong dala diba?"
"Sabagay. Matakaw si Marcus sa Chocolate Cake"
"Uhm, pa, pwede bang wag natin sabihin yung tawagan natin sa Family mo. Baka akalain nila na Kasintahan mo ako" nahihiyang sabi ko kay Marco.
"Kung yun ang gusto mo, gagawin ko" nakangiting sabi ni Marco.
After 12345 years, nakarating na din kami. Malaki naman ang bahay nila pero hindi maipagkakailang mas malaki ang bahay namin.
Bumukas ang gate tapos huminto kami sa may malapit sa hagdan papasok ng bahay. Bumusina si Marco. Una syang bumaba. Narinig ko naman ang sigaw ng isang bata.
"Kuya! Where's the girl you talking about? I want to see her if you two is bagay or not" sabi ni Marcus. Haha.
"Marcus, keep quiet" banta ni Marco.
Binuksan ni Marco ang pinto sa passenger seat tapos inalalayan akong bumaba. Agad namang sumalubong sa akin si Marcus.
"Hi. Are you Ate Ryianne?" tanong sa akin ni Marcus.
"Yes. I'm Ate Ryianne and you're Marcus right?" tanong ko din kay Marcus.
"Yes. I'm Marcus. Mama! Papa! They're here na po!" sigaw ni Marcus.
Nakita kong nagtatakbo yung Mama ni Marco na lumabas. Tapos si Papa nya, naglalakad. They are smilling. May dalang iPad yung Mama ni Marco.
"Ikaw na ba yan Ryianne?" tanong ni Mama ni Marco. Matagal na pala nila akong nakita.
"Opo. Ako nga po" sabi ko habang nakangiti.
"Honey! Picturan mo kaming dalawa! Kami muna. Ang ganda-ganda. Oh ito ang iPad!" inabot nya ang iPad kay Mr. Valdez.
"Ginawa pa akong Photographer. Tsk. By the way iha, ako ang Papa ni Marco. You can call me Tito Johny. Okay. 1, 2, 3, smile"
Inabot nya na yung iPad kay Mama ni Marco.
"At ako naman ang Mama nya. Tawagin mo nalang akong Tita Mailene. Okay?" tankng nya sa akin.
"Okay po" nakangiting sabi ko.
"Okay, picture tayong lahat. Manong, itigil mo muna yang paglilinis mo dyan. Picturan mo muna kami. Gandahan mo ang kuha Manong ha?" sabay abot sa Gardener ng iPad. Naloko na.
"Sige po Ma'am. 1, 2, 3, smile!"
"I want wacky style!" pagrereklamo ni Marcus.
"Okay Wacky. Walang KJ. Isa pa Manong" sabi ni Tita Mailene.
"Okay. Wacky. 1, 2, 3, say cheese!" kinuha ni Tita Mailene yung iPad.
"Ang cute natin dito. Oh, Marco at Ryianne. Kayo naman" sabi ni Tita Mailene.
"Seryoso ka Mama?" tanong ni Marco. Baliw.
"Oo. Ge na. 1, 2, 3, smile! Yiiiieeee. Bagay kayo!" sabi ni Tita.
"Iha, pagpasensyahan mo na ang Tita mo. Excited kasing makita ka" sabi ni Tito.
"Haha. Okay lang po yun" sabi ko.
Biglang lumapit sa akin si Marcus tapos tinawag nya si Mama nya.
"Mama! Take us some Picture. Kuya and Ate Ryianne is not bagay. Kami ni Ate Ryianne ang bagay" lokong bata. Hahaha.
Pumasok na kami sa loob. Kumain at nagkwentuhan. 6 p.m. na nung naisipan ko nang umuwi.
"Uhm, Marco, uuwi na ako. Magpapaalam na ako kina Tita at Tito" sabi ko kay Marco.
"Ahh. Sige. Ihahatid na kita" presenta nya.
"Marco, hindi na. Nakakahiya sa kanila" tanggi ko. Nakakahiya naman talaga e.
"Ma, isa. Sige na. Ihahatid na kita. Tara paalam na tayo" sabi nya sabay hawak ng kamay ko at hinila papuntang Sala.
Nandito kasi ako sa Kusina. Nag-volunteer akong maghugas ng pinagkainan namin ng merienda. Nakakahiya kasi kung hindi diba?
"Ma, Pa, ihahatid ko na po si Ryianne sa kanila"
"Tito, Tita, salamat po sa time nyo. Sobrang enjoy ko po" sabi ko.
"Aww. Ate Ryianne, you're not sleeping here?" tanong ni Marcus.
"Hindi baby Marcus e. My father is waiting for me. Maybe next time baby" sabi ko.
"Iha, sa susunod ulit ha? Sobrang na-enjoy ko ang araw na ito. Sa susunod whole day and night ka dito ha?" sabi ni Tita.
"Hehe. Sige po Tita" sabi ko sabay ngiti.
"Marco, anak, ingat sa pagmamaneho ha? Kasama mo si Ryianne. Iha, dalasan mo ang pagdalaw dito ha?" sabi ni Tito.
"Sige po Tito" sabi ko.
"Ate Ryianne, if you're going to sleep here, katabi kita. Kasi mas bagay tayo" sabi ni Baby Marcus.
"Baby Marcus! You're too young! Tsk. You're not allowed to sleep beside Ryianne!" sabi ni Marco.
"Who told you to say that?" tanong ni Baby Marcus.
"Tsk. I'm not allowing you!" sagot ni Marco.
"Why?" pang-aasar na tanong ni Baby Marcus.
"Nothing. Tsk. Let's go Ryianne. Don't mind that squirt" sabi ni Marco sa akin.
"Hahahaha. Bye Ate Ryianne!" sabi ni Baby Marcus sa akin. Niyakap ko sya saka nya ako hinalikan sa Cheecks ng madaming beses.
"HIDE SQUIRT!" sigaw ni Marco na naging dahilan ng pagtakbo ni Marcus.
Tumawa nalang kami ni Tito at Tita.
"Bye iha. Pagpasensyahan mo na ang dalawa ganyan lang talaga sila kapag nagbibiruan. Lalo na pagdating sa Crush nila" sabi ni Tita.
Ha?? Crush?? Ay oo nga pala. Inamin sa akin ni MARCUS na crush nya ako. Sayang sana pati si Marco. Hahaha. Kerengkeng.
"Mama" boses ni Marco na parang nahihiya. Hahaha. Lol. Niyakap na ako ni Tita at nagbeso. Ganun din si Tito.
"Hintayin ka ulit namin Ryianne" sabi ni Tito. Tumango nalang ako.
"Paano ba yan Ma, Pa? Ihahatid ko na sya. Let's go Ryianne"
Sumakay na ako sa Front Seat katabi ng Driver's seat. Habang nagd-drive si Marco, nagkwekwentuhan kami. Humingi lang sya ng sorry sa inasal ng kapatid nya kanina. Hahaha.
After 5292910 years, nakadating na kami sa tapat ng bahay.
"Uhm, salamat sa paghatid Pa" sabi ko.
"Okay lang. Nabusog ka ba sa Lunch natin? Nag-enjoy ka ba? Sorry kung magulo kami minsan" sunod-sunod nyang sabi.
"Ano ka ba? Okay lang naman kayo e. Ang saya nga sa inyo. Nabusog din ako sa Lunch at nag-enjoy ako ng sobra" sabi ko.
"Hehe. Osige. Mauna na ako Ma" sabi nya. Bigla syang lumapit at...
Hinalikan ako sa...
Pisngi lang naman. Kayo ha. Hahaha. Kinikilig ako pipol!
"Bye Ma. Ingat palagi. Text kita mamaya" sabi nya sa akin. Nakasakay na pala sya.
"B-bye! Ingat sa pagd-drive!" sabi ko with kaway ng kamay. Kyaaaaa~~ kinikilig aketch! Makapasok na nga.
