Ryianne's POVWaaaah! TGIF! Next week na pala ang Graduation namin.
Musta ako? Ayun, madalas ang dalaw ko kina Marco. Hindi pa ako natutulog dun. Sa Bakasyon nalang daw sabi ni Papa.
Araw-araw na pala akong hatid-sundo ni Marco. Akala nga ni Papa, boyfriend ko na. Pero hindi nuh. Asa pa ako.
Nandito ako sa sala. Hinihintay si Marco. Tsk. Ang tagal naman ng lalaking yun. 7:30 sya pumupunta dito ah. 7:54 na oh. Baka hindi nya na ako sunduin. May problema ba?
Kinuha ko na yung susi ng Kotse ko sa Cabinet ko sa kwarto. Nauna na si Papa. May meetings pa daw sya ngayon. Nag-drive na ako. Habang nagd-drive, hindi maalis sa isip ko ang maaring dahilan ng hindi pag-sundo sa akin ni Marco.
Baka nagsawa na sya sa akin. Baka hindi nya talaga ako gusto. Baka kasama nya na si Avy ngayon. Baka na-realise nya na hindi ako ang para sa kanya.
Nangingilid na ang luha ko. Nang biglang nag-ring ang phone ko. I answer that call kahit na unregistered ang number. Kasi kinakabahan talaga ako e.
"H-hello? Who's this?"
(...)
"Hello?! I'm asking you! Who the hell is this?!"
(R-ryianne, si Christian toh. May nangyari kay Marco. D-dito sa Confession Room sa School)
"What?! Shet! What happened?!"
(He fell. He's dying Ryianne)
"A-alam ba nila Tita ito?! Gosh bakit hindi nyo pa itakbong Hospital?!"
(Ayaw nya. Ayaw nyang ipaalam kahit kanino. He needs you. Please, Ryianne, faster!)
The call End.
He's dying...
He's dying...
He's dying...
He's dying...
He's dying...Paulit-ulit yun sa utak ko hanggang sa makarating ako dito sa School.
Hindi sya pwedeng mawala. Tumulo ang luha ko. Hanggang sa tuloy-tuloy na. Hindi ko na mapigilan. Lahat ng estudyante nakatingin sa akin. Takbo lang ako ng takbo.
Hindi nya ako pwedeng iwan kasi Mahal ko sya.
Nakita ko si Christian, lumabas galing Confession Room. Naka-yuko at... umiiyak? Don't tell me!
Tumingin sa akin si Christian saka umiling. Humagulgol na ako sa iyak at napagdesisyonang pumasok na sa loob. Kailangan ko syang makita. May buhay man o wala. Aaminin ko na ang nararamdaman ko sa kanya.
Hinawakan ko na ang Door knob at pinasok ang Confession room.
Nagulat ako.
Kasi...
Puno ng Red and White Balloons ang floor ng Confession Room. At may mga balloons din na nasa kisame na. Pink and Blue naman.
Pero akala ko...
Don't try to make me stay or ask if I'm okay
I don't have the answer
Don't make me stay the night
Or ask if I'm alright
I don't have the answerHeartache doesn't last forever
I'll say I'm fine
Midnight ain't no time for laughing
When you say goodbyeBiglang may pamilyar na boses ang kumanta galing sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita ko.
Ang lalaking minahal ko ng matagal na. Ang lalaking nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ang lalaking nagpapasaya sa akin. Ang lalaking tinanggap ako. At ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa Confession Room.
It makes your liiips so kissable
And your kiiis unmissable
Your fingertips so touchable
And your eyeees irresistible.Nagpatuloy ang Guitarista at Nagv-violin sa pagtugtog. Huminto si Marco at nakatitig sa akin.
Nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. Naramdaman ko din na nakayakap sya sa akin.
"Walang hiya ka! Pinag-alala mo ako, alam mo ba yun?" sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din at umiiyak.
Bumitaw sya sa pagkakayakap at hinarap ako. He cupped my face with his two hands while wiping my tears using his thumb.
"Sssssh. Sorry na. Yun kasi ang ang binigay sa akin ni Papa mo na plano para masabi sayo ang totoo e"
Ha? Si Papa? At anong totoo? Teka, naguguluhan ako.
"Totoo? Anong totoo?" tanong ko.
"Ryianne, kaya dito kita dinala sa Confession Room dahil ito ang tamang lugar para mag-confess" sabi nya saka hinawakan ang dalawang kamay ko.
Napansin ko din na may mga estudyante pala dito sa loob. Nagpipicture atsaka nagsisigawan.
"Confess your what?" tanong ko ulit.
"My feelings for you Ryianne" natigilan ako sa sinabi nya.
F-feelings nya for me? Ito na ba ang hinihintay ko Lord?
"I Love You since I met you. Hindi ko lang pinapahalata kasi, tsk , torpe ako. This feeling for you is a speciall feeling just for a speciall person. And that's you Ryianne. Hindi ko na kasi mapigilan e. Baka sumabog dito sa puso ko kaya hindi na ako nagdalawang-isip na sabihin sayo. I really Love you Ryinne. I will do everything just to be a Good Boyfriend for you"
"Sorry if nabigla kita. Sorry kung dahil sa confess na ito masisira ang friendship na nabuo natin. Alam ko namang hindi mo ako mahal e"
"Ssssssh. Marco Joseph Valdez, hindi mo alam kung gaano ko hinintay ang pagkakataong ito. Sa araw-araw na nagkakasama tayo sa iisang Room, isa lang ang nasa isip ko. Mahal na mahal ko ang lalaking nagngangalang Marco Joseph Valdez. Nung naging close tayo, sobrang saya ko nun. Kasi dating stalker mo lang ako sa Facebook, Twittera at IG e. Pero hindi ko aakalaing ang isang katulad mo ay magkakagusto sa isang katulad ko. Unstoppable nga din itong feelings ko para sayo e. Ayaw paawat. You maje me smile for no Reason and make me Love that you is the Only Reason. I really love the way you treat me like your girlfriend or worst, a wife. I like that feeling. I want to experience waking up in the Morning with the man who make me feel so Special and Comfortable. I Love you because I Love You"
Maluha-luhang sabi ko. Niyakap nya ako ng mahigpit. Niyakap ko din sya pabalik.
"So, tayo na ba?" tanong nya.
Pinahid ko ang luha na nasa mata nya. I cupped his face at tumango. Ngumiti sya. Ang lapad ng ngiti at nagtatatalon. Humarap sya sa mga Schoolmates namin na naghihiyawan ngayon.
"Oh, nakita nyo yun. Girlfriend ko na toh ha? Wala nang agawan ng nobya. Yes! I'm really happy. Thank you! Thank You Lord sa pagdinig mo ng mga dalangin ko! Woah!"
Humarap sya sa akin at saka ako hinalikan sa Pisngi na sya namang ikinamula ko.
Ang saya-saya nya ngayon. Ipinagmamalaki nya ako sa lahat.
Thank you Lord for giving me a man like him. Patatagin mo kami Lord. Sana lahat ng problema namin ay malutas. At sana magtagal kami.
Salamat Lord God :)
