Marco's POVFirst honor nanaman ako. As always. Haha. Ang saya ko. Alam nyo ba kung bakit ako nag-aaral ng mabuti? Dahil sa isang babae.
Oo. Totoo yun. Since Grade Schoolx crush ko na sya. Hindi si Avy yun ha. Nakilala ko lang yang Avy na yan nung First Year kami. Tsk. Never kong magugustuhan yan.
Ilang linggo nalang at matatapos na din ang High School Life ko. Haha. Excited akong mag-College. Pero hindi ko pa alam kung saang School mag-aaral yung Crush ko e kaya hindi na muna ako pipili ng School.
Kilala na pala nila Mama at Papa ang Crush ko. Tanggap naman nila kasi mabait naman yun e. Hindi katulad ni Avy na ubod ng kasamaan ang ugali.
Naglalakad ako papuntang gym nanag makarinig ako ng tugtog na galing sa Music Room.
Grew up in a small town
And when the rain would fall down
I just stare out my window.Shet. Ang ganda ng boses. Daig pa si Kelly Clarkson. Hahaha. Dejokelungs.
Dreaming of what coul be
And if I end up happy
I would pray.Trying hard to reach out
But when I try to speak out
Felt like no one could hear me.Wanted to belong here
But something felt so wrong here
So I pray I could breakaway.Sumilip ako sa Pinto at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa likod ng isang magandang boses na napakinggan ko, ay ang babaeng matagal ko nang gusto pala iyon.
Si Ryianne. Oo. Stupido na kung Stupido pero nabihag nya kasi talaga ang puso ko e.
Alam kong hindi sya masyadong kagandahan dahil sa ayos nya pero nakikita ko sa mala-kape nyang mata, na maganda sya.
I'll spread my wings and I learn how to fly
I do what it takes till I touch the sky
I'll take a risks, take a chance, make a change
And Breakaway.Naggigitara sya. Ang ganda talaga ng boses ng babaeng toh. Hindi ko alam na may talento pala syang ganito. Lalo akong nagkaka-gusto sa kanya.
Buildings with a hundrerd floors
Swinging round revolving doors
Maybe I don't know where they take me but
Gotta keep moving on, moving on
Fly away, break away.Kinuha ko ang phone ko saka sya pinicturan. Kaso biglang tumunog yung "click" kaya nagtatakbo ako. Muntik na akong makita nun ah. Woah.
Ryianne's POV
Habang kumakanta ako, naalala ko yung mga sinabi sa akin ni Papa kagabi.
Flashback...
Kumakain kami. Wala akong imik. Siyempre kasi ganun naman talaga ako. Bigla nyang pinutol ang katahimikang pumagitan sa amin.
"Anak, I have something to tell you" sabi ni Papa.
"Ano ho iyon pa?" tanong ko.
Para akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ano bang sasabihin ni Papa?
"Nakausap ko ang Lola mo. At may favor sya na hiningi sa akin" ano nanaman kayang Favor yan. Si Lola talaga.
Sa lahat ng Apo ni Lola, ako ang pinaka-paborito nya. Kasi nakikita nya daw sa akin yung mga katangian nya nung dalaga pa sya. So, ibig sabihin ganyan din ako pag tatanda ako? Maganda naman si Lola e. Nagbibiro lang siguro yun.
"Anong favor nya pa?" pagtatanong ko.
"Dun ka daw mag-aral sa Tates. Pagkatapos ng graduation mo, lilipad ka na papuntang California" sabi ni Papa.
