Ryianne's POVUmaga nanaman!
Yawn...
Pumunta ako sa banyo. Naghilamos then nag-toothbrush. Bumalik ako sa kama para kunin yung salamin ko sa side table. Pagka-suot ko, napansin ko ang oras.
"8 a.m. na?!"
Sabi ko sabay takbo sa closet. Hanap. Hanap. Hanap. Hanap. Hanap.
Patay! Ubos na ang maong pants ko?! Seriously?!
"Manang! Meron ka na po bang nalabahan na pants ko? Kailangan ko po kasi e" tanong ko kay Manang.
"Ay naku Ma'am, wala pa po akong nalalabhan. Bukas pa po ang sched ng paglalaba ko" sabi nya sabay kamot ng ulo.
No Choice. Mags-short ako o kaya dress. Nagpili ako ng magandang damit. Urgh! Parang ang laswa naman. Tsk. Bahala na si Spiderman.
Sinuot ko na ang napili kong outfit. Yung picture po sa unahan yung isinuot ko. Naglugay lang ako ng buhok tapos naglakad na pababa."Good Morning Papa" bati ko kay Papa sabay beso sa kanya.
Nakatulala lang sya sa akin. Nanlaki kasi ang mata nya. Hala. Baka pangit. Baka malaswa. Naku naman.
"Papa, malaswa po ba? Magpapalit lang po ako" aalis na sana ako.
"No anak. Nagulat lang kasi ako. For the first time, nasuot mo ang mga regalo sayo ng mga Tita's mo. Sigurado akong masaya si Mama mo sa langit"
