Chapter 8 ◑◐ Babe

0 0 0
                                    


Ryianne's POV

Ito ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ang makatapos kami ng High School. Nandito ako ngayon sa kwarto. Nag-aayos. Susunduin daw ako ni Babe.

Bakit babe? Napag-isip-isip namin ni Marco na ibahin ang endearment namin kasi kapag nasa public place kami napagkakamalan kaming mag-asawa. Tulad nalang nung nasa Grocery kami.

Flashback...

Umulan ng malakas. Walang tao sa bahay. Nasa Macau si Papa para sa isang business meeting. Tapos yung katulong nag-day off. Kaya isa ko lang sa bahay.

(bzzzzt.bzzzzt.bzzzzt.)

From: Pa Marco ♥
Good Morning Ma. Nag-bfast ka na ba? Take Care babe. I Love You :*

Natuwa naman ako nung nabasa ko yun. Dalawang linggo na kami ni Marco. Madaming may ayaw sa akin sa kanya pero sabi lang nya wag ko na daw patulan kasi gusto nya ako para sa kanya. Sweet divah? Haha.

To: Pa Marco ♥
Good Morning too Pa. Hindi pa nga e. Walang kasama dito. Take care din babe. I love you too :**

Pumunta na ako sa kusina. Baka may makitang pwedeng iluto. Maya-maya may narinig akong busina. Sino kaya yun? Hindi naman pwedeng si Papa yun kasi kakaalis nya lang kagabi.

Pumunta ako sa sala. Kumuha ako ng payong at lumabas. Lumabas ako ng Gate. Kaninong kotse ito?

"Ma, papayong nga. Hindi ako makalabas"

Si Papa? Marco? Bakit sya nandito? Lumapit ako sa kanya at pinayungan sya. Pumasok na kami sa loob. Medyo nabasa pero okay lang.

"Ikaw, alam mo namang umuulan ng malakas, lumalabas ka pa ng bahay nyo. Paano kung nagkasakit ka? Malilintekan ka nanaman kay Tita. Hindi ka na nadala" sunod-sunod na sabi ko sa kanya.

"Ma, ang dami mo namang sinabi. Daig mo pa si Mama. Ikaw, kumain ka na ba?" tanong nya sa akin.

"Tssss. Hindi pa! Magluluto na sana kaso bigla kang dumating"

"Tamang-tama. Hindi pa din ako kumakain e. Hehe" ang cute nya.

Aish! Hindi pa sya kumain tapos pumunta sya dito! Anong klase! Aish!

"Hindi ka pa kumakain?!" sigaw ko sa kanya.

"Hindi pa po" sagot nya habang nakatingin sa tiles.

"Diba sabi ko sayo kumain ka muna bago ka aalis ng bahay nyo? Gusto mo talagang mayari kay Tita nuh?" sabi ko.

"Magluto ka nalang Ma. Ano bang iluluto mo?" pag-iiba nya.

"Hotdog with Rice lang" sabi ko.

"Halika Ma punta tayo sa supermarket. Bili tayo ng ingredients for soup" alam nyang magluto??

"Alam mong magluto nun??" pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Oo. Parang yun lang Ma. Baka ikaw ang hindi alam" sabi nya sabay ngiti nya sa akin. Nakakaloko.

"Wui. Alam ko kaya. Tara na nga" hindi na ako nagbihis.

Naka-maong short lang ako tapos Vneck Plain shirt lang ako. Sya? Naka-pants na maong tapos naka-white shirt na printed sya. Gwapo pa din naman sya.

Palabas na sana kami ng biglang...

"Oooops. Umakyat ka tapos kumuha ng jacket mo. Para hindi ka lamigin" ang sweet naman ng Pa ko.

Unstoppable FeelingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon