Marco's POV
Nandito na kami ngayon ni Babe sa School. Agad kaming pumunta sa pwesto nila Mama at Papa. Kasama nila si Marcus at Kuya.
"Ma, we're here na. Kuya, this is Ryianne. My girlfriend. Babe, this is my older brother Marlo"
Inabot ni Kuya Marlo ang kamay nya kay Ryianne. Inabot din ni Ryianne ang kamay nya kay Kuya at nag-shake hands sila. Nagngitian lang sila.
"Nice to meet you Ryianne"
"Nice to meet you din po" inalis na ni Ryianne ang kamay nya.
Nagkwentuhan lang kami nila Mama at Papa kasama si Ryianne pati si Marcus at Kuya Marlo. Nung dumating yung Papa ni Ryianne, sumama na din sya sa kwentuhan.
"Good Afternoon po. Sa mga Graduates at mga Parents, mag ready na po kayo for Graduation March na pangungunahan ng Principal, next ay ang mga teachers and the class Valedictorian. Sunod-sunod na. Thank you" emcee yan.
Pumunta na kami ni Ryianne dun.
"Valedictorian ang boyfriend ko. I'm so proud of you" sabi ni Ryianne sa akin.
"Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nag-aaral ako ng mabuti e. Inspirasyon kita" totoo naman e. Matagal ko na tong crush.
Pumila na kami. Siyempre nasa unahan ako. Kasama ko si Mama at Papa. Hahaha. Gusto daw nilang dalawa silang maghatid sa akin e.
Tumitingin ako sa likod ko. Nakita ko si Ryianne na nakikipagtawanan sa Papa nya. Ang cute nilang tignan.
Nag-simula na ang March. Hanggang sa nakaupo na kami. Nasa likod ko ngayon si Babe. Haha. Tadhana nga naman.
After 42929151 hours, nasabit na din ang mga award na dapat sa amin. Nakakuha ako ng 25 medals at si Ryianne naman 12. Okay lang yun. Proud pa din ako sa kanya.
"At ngayon, ating pakinggan ang ating Class Valedictorian sa kanyang mensahe para sa lahat. Let's give a round of applause for Mr. Marco Joseph Valdez!"
Nagpalakpakan lahat. I saw my proud girlfriend na todo palakpak. Nag-thumbs up sya. Sana hindi magalit ang adviser namin. Kasi taglish ang ginawa naming Speech. Haha.
"Isang magandang gabi po sa inyong lahat. Sa ating Principal, sa mga Teachers, sa ating Guest Speaker, sa mga Panauhin na na andito, sa mga Magulang at sa mga kapwa ko kamag-aral. Alam kong gutom na kayo pero sana pakinggan nyo ako. Kalma lang"
Wala yun sa Speech pero kasi pati ako Gutom na e.
"Sa loob ng apat na taon na pinagsamahan natin, ang dami nating napagdaanan. Una, problema. Siyempre first day wala pa tayong masyadong problema pero pagdating ng second day, meron na. Assignments diba? Haha. Baka sabihin nyong hindi nyo pinoproblema yun"
"Pangalawa, disappointment. Akala natin nagawa na natin ng tama ang lahat pero kulang pa din. Projects. Dyan natin minsan mas binibigay ang best natin na akala natin sapat na pero hindi pa pala. Pangatlo, lungkot. Hindi naman mawawala sa High School life ang pagiging malungkot. Malungkot ka dahil sa problema at disappointment na dumadating sa buhay mo. Pero meron ding saya. Alam ko, lahat dito ngayon may problema e pero nakukuha pa ding ngumiti at tumawa"
"Ako, balewala lang sa akin ang pag-aaral dati. Kasi kahit na anong gawin ko, nakakapasa pa din ako. But when I reached the age 13, high school na ako, naging challenge sa akin ang unang assignment na binigay. Lahat ng classmates ko gumagawa ako lang ang hindi. Naisip ko, isang malaking kahihiyan ang hindi ko pag-aaral ng mabuti. Kasi naghihirap ang mga magulang ko mapag-aral lang ako. Kaya kay Mama at Papa, salamat. Salamat sa lahat ng sakripisyo na ginawa nyo makapagtapos lang ako. Salamat sa money na binibigay nyo sa akin mapunan lang ang pangangailangan ko. Isa kayo sa naging inspirasyon ko upang magtagumpay. Sa lahat ng guro na nagturo sa akin at sa aking mga kamag-aral, maraming maraming maraming salamat po sa inyo"
Tumingin ako sa direksyon ng napakaganda kong Girlfriend. Nakita ko syang hawak ang DSLR nya at kinukuhanan ako ng pictures.
"When I first saw her, I told my self na bago kami makagraduate ng High School ay mapapasa akin sya.
